Chapter 41

33.9K 396 12
                                    

Casey's Pov

"Hinahanap ka ni Sky." Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko.

Hinahanap niya ako?

Bumalik na ba ang alaala niya?

Kinuha ko agad ang susi at sumakay na.

Sana nga naalala na niya ko...

Please....

*-*

Tumakbo ako ng mabilis kahit na nadadapa na ako. Ang alam ko lang ngayon ay hinahanap ako ni Sky.

Ang asawa ko...

Binuksan ko ang pinto. Nakita ko sila nagtatawanan. Napansin naman ako ni Sky. Ngumiti siya.

"S-Sky" Namuo ang luha ko.

"Wife."

----***---

Sky's Pov

Napadilat ako. Naalala ko na lahat.

Na may asawa ako. At siya ang mahal ko.

"Anak,gising kana." Niyakap ako ni mama.

"Ma,nasaan si Casey? Nasaan ang asawa ko?" Tanong ko.

Nagulat sila.

"Naalala mo na ba?" Mama.

"Yes Ma, Naalala ko na. Lahat." Saad ko.

Niyakap niya ako.

"Nasaan si Casey? Gusto ko siya makita." Hinanap ko ang asawa ko.

"Teka lang,tatawagan ko siya." Tumango lang ako.

*-*

"Ma,gusto ko na makita si Casey." Nakangiting saad ko.

"Aba,dapat lang." Saad ni Kristoff na patawa nalang ako.

Bigla nagbukas ang pinto. Ngumiti ako ng makita ko siya.

"S-Sky."

"Wife." Tumakbo siya at niyakap ako. Niyakap ko siya ng mahigpit.

Doon tumulo ang luha ko. Lalo na marinig ko ang hikbi niya.

"Sorry,sorry." Pahingi ko ng tawad.

Ang tanga ko! Di ko man lang naalala ang asawa ko. And worst nasaktan ko pa siya.

Nagagalit ako sa sarili ko. Bakit kasi kailangan na di ko siya maalala?

Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang umiiyak.

"Sky,bumalik ka na*sob*..Akala ko di mo na ko maalala." Saad niya.

"Puwede ba yun? Maalala kita kahit anong mangyari." Saad ko.

Di man kita naalala yung puso ko kilalang-kilala ka.

*-*

Casey's Pov

"Sige salamat." Pumasok na ako sa kwarto. Hinatid ko lang lahat sila.

Ako kasi magbabantay sa asawa ko.

Naka-ngiting ko siyang sinalubong.

"Matulog ka na." Malambing na saad ko.

"Tabi tayo."

Tumabi ako sakanya. Niyakap naman niya ako ng mahigpit.

Bakit ganto ang pakiramdam ko?

"Casey,puwede bang makinig ka?" Tumango ako.

"Casey,alam mo ang swerte ko. Kwento ko ah." Nanahimik lang ako at pinakiggan siya.

"Galit na galit ako noon kasi ipapakasal ako. Sabi ko sa sarili ko kung sino ang taong papakasalan ko di siya magiging prinsesa ng buhay ko. Papahirapan ko siya haggang siya na mismo ang unang bumitaw. Nung una ko makita ka sabi ko sa sarili ko na di ka magkakaroon ng parte sa buhay ko. Walang wala ka kay Nicole. Oo,humanga ako sa kagandahan mo. Pero nagtanim ang puso ko sayo. Galit. Ikaw yung sinisisi ko kung bakit di ko nakatuluyan si Nicole." Napangiti ako.

"Naririnig kita na umiiyak,pero para saakin wala iyon. Pero unti-unti ako naawa at parang ba nahuhulog na ako sayo. Pero hindi ko lang pinansin iyon dati. Hanggang sa nalaman ko na magkakaanak na tayo,doon ako naging masaya. At doon na realize ko na mali lahat. Dapat pinahahalagahan ka. Pero di kita napahalagahan noon. Nasaktan na naman kita. Umalis kayo,doon talaga nawalan ng saysay ang buhay ko. Pero sabi nga ni tadhana pinagkrus ang landas na tin. Doon nakita ko si Skyler at nayakap ko. Parang ako na ang pinaka the best." Nakangiti siya habang nagkwekwento.

"Nangako ako na di na kita sasaktan pero paulit-ulit ko nabibigo. Lagi ko naiisip deserve mo ba ko talaga? O hindi. Masyado na kita nasasaktan. At ayoko na mangyari ulit yun." Napa kunot ang noo ko. Tumingala ako at nakita ko lumukuha siya.

"Casey,papipiliin na kita. Ayoko na lagi ka nasasaktan dahil saakin. Kapag kasama mo ko lagi ka nasasaktan."

"Ano ba sinasabi mo?"

"Choose,you'll stay by my side."

"or"

"You'll sign the annulment?"

——————

Guys!!!! Malapit na tayo sa katapusan.

Wahhh 😭 Nakakaiyak pero matatapos na ang story na to....

Ayoko na.......

Pero ano magagawa natin,kailagan kung may simula may katapusan 😔

Ang drama ni Author!

Nasa may dulo na tayo guys 😔

Pero may last pa no.

So sana naenjoy niyo.

Sabi ko pagtapos ng week maguud na ko.Pero para di ko na magagawa hahaha. Matatapos na kasi.

Don't forget to Vote&Comment.

~Lovelots.

-Littlegirlost

I'm His Unwanted Wife (Completed)(Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon