Casey's Pov
"I will make him jealous." Nanlaki ang mata ko.
"Di naman magseselos yun eh." Bakit totoo naman eh.Kinamumuhian ako nun.
"Di mo ba nakita kanina?" Naguluhan naman ako.
Sakto padating na yung maid.
"Ate,ako nalang po magdadala." Saad ko.
"Sige po,Ma'am." Binigay naman niya.
"Salamat dito." Naka-ngiting saad ko.
Ngumiti lang yun maid.
"Ano nga ulit yung sinasabi mo?" Tanong ko.
Napakunot ang noo ko nakatingin kasi siya saakin.Sabihin na natin nakatitig lang siya.
"Uy! Xander!"
"W-what?" Gulat na saad niya.
"Nakatitig ka kasi.May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko.
Umiling lamg siya."Wala.May naalala lang ako."
"Ano naman?" Nilapag ko muna sa isang maliit na mesa yung tray.
"Mabait ka parin at palagi naka-ngiti kahit may problema ka na,maliit man o malaki." Nakangiting saad niya.
Ngumiti ako ng mapait.
"Wala naman magagawa kung magiging malungkot ako lagi.Saka alam ko naman na matatapos rin yun." Saad ko.
Tulad ngayon.Matatapos rin to.
"So ano nga yung sinasabi mo?" Tanong ko.
"Sabi ko pagseselosin natin siya,para malaman natin kung may nararamdaman pa siya sayo." Nakakalokong ngiti ang gumihit sa mukha niya.
"Di naman magseselos yun eh." Wala na nga yung pake saakin.
"Di mo talaga nakita." Sabi niya.
Tumingin ako.
"Di mo ba na halata na ang sama ng tingin niya saatin." Xander.
Napansin ko iyon.Pero normal naman yun sakanya.Sa araw-araw na pagkikita namin sa bahay masama ang tingin niya.
"Lagi naman eh." Tipid na saad ko.
Nagulat ako ng hawakan niya ang braso ko.Saka ako niyakap.
"Trust me,Casey." Saad niya.
"O-Oo"
"Ehem." Napatingin ako sa kanan.Andun si Sky.
-*-
Sky's PovBakit ang tagal nila? Kanina pa sila umalis?
Tsk.Ano naman pake mo?
"Ky, ang ganda ng garden dito." Tumingin ako sakanya.At ngumiti ng tipid.
Wala akong gana makipag-usap sakanya.Di ako mapakali.
Wala pa kasi dito si Casey at yung ungok na yun.Araw-araw nalang.Nakakainis.
Bisita ng bisita.
Ano ba siya ni Casey? Ako ang asawa.
"Ky,may iniisip ka ba?" Chi.
"Nothing.I'm just tired." Tipid na saad ko.
Naiinip na ko.Nakakabwisit yung lalaking yun.
Di ko alam pero kanina nung nakita ko kung paano yakapin ni Casey yung ungok na yun.Bigla nalang ako nainis.Akala ko sandali lang iyon pero wala eh.Tumagal pa.
BINABASA MO ANG
I'm His Unwanted Wife (Completed)(Revising)
Jugendliteratur'I'm His Unwanted Wife' Iyan ako. Yan ang aking papel sa buhay ng asawa ko. Hindi niya ako gusto... Kinamumuhian niya ako... Lahat gagawin niya....MASAKTAN LANG AKO. Oo, tama kayo masama siya. Kailangan ko na ba talagang sumuko? Kailangan ko na ba...