Chapter 6

1.3K 20 1
                                    

Yung lindol pala na nangyari ay galing sa isang bulkan. Akala ko kay Dayana yun.

Linggo na at tinulungan ko ang mga napinsala sa lindol. Ginawa kong maayos ang kanilang bahay at nagtaka sila kung sino at paano ito nangyari. Agad na nalaman ito ni Leandro at ito ay ikinagalit niya sinabihan niya ako na bakit ko ipapahamak ang aking sarili para lang sa kapakanan ng mga mortal na tao.

Wala akong dinamang pagsisisi dahil masaya ako na nakatulong ako sa ibang tao.

Kinabukasan...

Lunes na naman at makikita ko naman ang mga kaklase ko ...

Nabigla ako nang may kumuha sa bag ko... si Harry pala.. sinabi niya na siya na daw ang magdadala doon...sa aming silid.

Magkaklase si Harry at ako at muntik ko nanag makalimutan kasali din pala si Leandro.

Araw araw ay ginagawa ko ang makakaya ko upang mag-aral dahil sabi ni Harry importante daw ito para mahanap ko ang aking hinahanap...

Uwian na at lumapit si Harry sa akin at mayroon siyang sinabi na kahabag-habag.

Mayroon siyang problema at sinabi niya na ako lang daw ang pwedeng makaalam nito.

Ang problema niya ay ang Family Day namin... Wala man ang magulang ko ngunit nandito naman si Leandro.. Si Harry ay walang magulang.. Hindi daw niya nakilala ito.. Siya ay pinalaki ng guro namin. Masaya na siya dahil may guro siya na tatay ngunit hinahanap pa ri  niya ang kanyang totoong mga magulang na nagbigay sa kanya ng buhay.

Sinabi ni Harry sa akin na huwag daw ikalat ang katotohanan tungkol sa kanya..at huwag dawng sabihan si Leandro tungkol dito.

Hindi ako makapaniwala na pareho kaming dalawa. Pareho kaming may hinahanap. Binibigyan ko naman ng respeto ang kanyang desisyon na huwag ipaalam kay Leandro ito.

Matagal nang sekreto ni Harry ito. Ako ang unang taong naka alam dito. Ako ay natuwa at parang kinabahan.. 

Ayaw kasi ni Harry na tuksu-in siya na isang ampon. ..

Dahil sa matagal naming pag uusap naabutan kami ng dilim.
Kaya umuwi na ako at sumabay na sa akin si Leandro.

Babaeng Kakaiba  || Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon