Chapter 9

1.1K 28 0
                                    

Napagpasyahan ko na tumigil ng pag-aaral sa mundo ng mga tao.

Kinausab ko si Leandro at gagawin namin iyon.

Pinuntahan namin ang aming punong-guro at sinabi na lilipat kami sa ibang lugar.

Umuwi kami at hindi na nagpaalam ni Harry.

Pagdating ko sa bahay, naispan ko na, pumunta ng mall.
Nawawalan na ako ng gana na hanapin pa ang prinsipe.
Nakita ko si Harry sa mall.
Nagtago ako sa isang lugar doon upang hindi niya ako makita.
 

Huminga, ako ng malalim dahil nawala na siya sa aking paningin.
May binubulong ang hangin sa akin, parang sinasabi nito na mahb paparating. May yumakap sa akin mula sa likod!! si Harry pala.

Ayaw ko kasing makita muna siya dahil alam ko na pipigilan niya kami sa pag-alis sa paaralan.
Parang tuwang-tuwa siya na makita ako.

Binigyan niya ako ng kwintas. Isa daw itong palatandaan na magkaibigan kami.

Nagpasalamat ako sa binigay niya.

Laking gulat ko na pamilyar ang kuwintas. Ang kuwintas ay may apat na bato na ang mga kulay ay pula,asul,dilaw at berde.

Ang apat na kulay ay sumasagisag sa apat na tao ang asul-sa akin
berde- prinsipe ng Etheria
pula-Minea
dilaw-Dayana

Ang mga bato na iyon ay napakahalaga. Ito ang kuwintas ng reyna noon ng Etheria na si Adhara. Si Adhara ang nanay ng prinsipe. Kinuha ng mga kaaway ang prinsipe at dinala sa mundo ng mga tao.

Walang pangalan ang prinsipe dahil  bagong silang pa lamang siya noon. Ang natatanging hawak niya ay ang kuwintas ng ina niya.

Kailangan ko na talagang gamitin ang isa kong kapangyarihan. Ang isa kong kapagyarihan ay ang magbasa ng isipan at ipasa sa ibang tao ang nalalaman ko gamit ang aking isip.

Siguro si Harry na nga ang nawawalang prinsipe ng Etheria, ibig sabihin nito... siya ang aking magiging asawa.




(Thank you for supporting RuthGonzales285  and ReyesAllysa


Babaeng Kakaiba  || Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon