Nabigla talaga ako hindi pa rin ako makapaniwalang ako ang magiging reyna dahil, ito ay may kaakibat na malaking responsibilidad.
'Pashneya!!!!" sigaw ni Dayana at Raquim...
Talagang nagulat ako dahil si Minea na sarili kong kapatid ay tinangkaan ang buhay ko upang patayin.
Mabuti at nasagip ako ni Dayana at Raquim...
Tinanong ko si Minea kung bakit niya ginawa yun.
Hinangad niya pala na maging reyna... Ngunit wala naman akong kasalanan dahil ito ay desisyon ni Bathala.
Sinabi ko sa kanya..."Hindi ko ikinagalit na tangkaan mo ang buhay ko ngunit..wala akong magagawa tungkol dito.
"Simula palang ng kaligayahan mo Cassiopeia, papaslangin kita at babawiin ko ang korona mo!" sigaw niya sa akin.
Napaiyak ako... wala akong masabi dahil lubos akong nasaktan. "Tama na, taksil ka Minea isa kang tuso" anya ni Dayana.
Lumapit si Raquim ni Minea at sinabi niya na kumalma at palamigin ang puso at ulo.
Naging matigas si Minea at naglayas siya.. Gamit ang kanyang kapanyarihan sinunog niya ang kaharian ng Etheria...Marami ang nasawi doon. Kaya hindi ko na pinayagan na mangyari pa ito.
Dahilan ng pagkasunog ng Etheria, ang Dévas ay bukas para gawing pansamantalang tirahan ng mga Etherian.
Dumating ang mga pinuno ng Katotohanan upang, pag-usapan ang magaganap na kasal namin ni Raquim o ang kaibigan kong si Harry..
Hindi pa ako handa, dahil dapat ko munang gampanan ang aking tungkulin bilang reyna ng Dévas.
May galit na talaga si Minea sa akin... noon paman.. Pero makikipag tulungan si Dayana sa akin upang malambutin ang puso ni Minea.
Isa akong nilalang na madaling magpatawad malambot ang puso ko at hindi ako masyadong malapit sa dahas.
Naniniwala kasi ako na ang puso ang susi sa pagkakaisa.
Tulad nalang nung hinahanap ko pa si Raquim... hindi ako gumamit ng anumang sandata maliban sa pagiging magkaibigan namin.Si Dayana naman ay naniniwala na puso at dahas ang magbibigay ng kapayapaan.
Minahal ko si Raquim noon pa man... kaya lang hindi ko pa siyang lubos na kilala upang maging asawa ko.
Ang lindol pala noon sa mundo ng mga tao, ay tama ang hinala ko si Dayana ang may gawa nun upang sabihan kami na may digmaan na nagaganap dito.
Hindi pa nila kilala kung sino ang mga umatake dito sa dalawang kaharian pero alam nila na nakasuot daw ito ng pula na mga kasuotan, armas at kalasag.
Nagbibigay ito sa akin ng ideya na si Minea ang gumawa nun. Sinabi ko ni Dayana ang nalaman ko at nagalit talaga siya dahil sa pagtataksil na ginawa ni Minea.
Dahil limang taon na kaming nagkita muli ni Dayana itinabi muna namin ang problema at sinuklayan ko siya habang kami ay kumakanta.
"Nakakabighani ang inyong mga tinig, parang naglalambing ang hangin na tila ba ito ay yumayakap, at ang lupa ay parang nagiging mahinhin.'' papuri ni Haring Raquim sa amin.
Nagpaalam din siya na dito muna manirahan ang mga Etherian hanggat hindi pa naibabalik ang Kaharian ng Etheria.Kahit na si Raquim ay nagtaka kay Minea kung bakit niya nagawang sunugin ang palasyo at nagbalak na kitilin ang buhay ko..
Sinubukan kong gamitin ang kapangyarihan ng isip ko upang basahin ang isip ni Minea pero, nabigo ako dahil lumalaban ang apoy sa aking talento.
May mga tanong talaga na mahirap sagutin..
Kaya sa ngayon.. kumakanta nalang kami upang kahit minsan ay magkaroon kami ng hindi makakalimutan na pangyayari..
Malakas si Minea kapag kakalabanin.
Si Dayana ang malakas ngunit si Minea ay mas malakas at ako, anh hangin, na nagbibigay sa kanila ng hininga ay pinalad na maging pinakamalakas.
Katulad ng kanyang kapangyarihan, si Minea ay may nagliliyab din na galit sa kanyang puso.
Sana bilang isang reyna, ay maging mapayapa hindi lang sa aming mga magkakapatid kundi, sa buong Dévas.
(guys if gusto niyong maisali ang mangyayari sa chapter 12 pls... comment ang mga lines na gusto niyong gamitin para dito...)
BINABASA MO ANG
Babaeng Kakaiba || Completed |
FantasyKung nakukuha sa isang tingin lamang ang kabuuhan ng paghuhusga, ano na lang kaya kung kikilalanin ang babaeng bukod tangi sa lahat ng nilalang. Minsan ang pagkakaiba ay siyang nagdudulot ng pagkakaroon ng mga suliranin, kung kaya't mamangha at sub...