Chapter 41

464 11 1
                                    

POV ni Minea

Hindi ko  pa alam kung papaano sabihin kay Cassiopeia na talagang nagbago na ako. Naaawa talaga ako sa kanya, naisip ko ang pasakit na ginawa ko sa kanya, gusto kong bumawi, pero nakita ko na masaya naman sila ni Raquim at hindi ko nakikikita sa mukha ni Raquim na manloloko siya.

Isa din palang rason kung bakit nagbago ako dahil pinakita ni Bathala sa akin ang nakaraan ni Sahara at Odessa, sila ay masayahing Diyosa at isang araw ay nawalan na sila ng tiwala sa isa't-isa at naging magkalaban.

Ayaw kong mangyari sa amin yun. Naiyak ako at nakita ko kung ano ang magiging kahinatnan kung magtitigas pa ang ulo ko.

Hindi ako nakikita ng mga kawal kasi pumasok ako sa apoy ng kandila na malapit kay Cassiopeia, pero hindi ko ito magawa kasi alam ko na sasaktan niya ako.

Pati na si Dayana, nasaksak ko siya, kaya hindi ko alam kung paano niya ako mapapatawad... basta ang gusto ko ay mabigyan ko ng babala si Cassiopeia kay Raquim.

Muntik na akong magpakita sa kanila nang biglang,... nagusap sina Cassiopeia at Raquim at sinabing, "Kailangan ko ng mga kagamitan na gawa sa ginto mahal ko..." hindi ko na narinig ang ilan pero grabe naman makahingi si Raquim humingi pa siya, "Kailangan ko din ng lupain para sa pagsasanay"

Nakita ko na na unti-unting lumalabas ang totoong kulay ni Raquim, gusto niyang maangkin ang lahat at tila ba nabulag si Cassiopeia sa pagmamahal.

Kung ako pa si Cassiopeia, gagamitin ko ang kapangarihan kong makabasa ng isipan upang wala nang maging sikreto si Raquim.  At sa oras na malaman ko iyon,... kukunan ko siya ng hininga.

Siguro nga nagbago na ako,... pero hindi pa rin nawawala sa akin ang ugaling madaling magalit. Madali pa rin akong mapikon at kinamumuhian ko ang mga taong gaya ni Raquim.

Masasabi ko talaga na magaling magpanggap si Raquim. Isipin mo ha, nagkagusto ako sa kanya at madali niyang nakuha ang loob ni Cassiopeia.

Babalik na lamang ako dito, sa susunod na mga araw at sisiguraduhin ko na hindi masasaktan si Cassiopeia ni Raquim.

Aalamin ko muna ang mga kahinaan ni Raquim upang magamit ko ito bilang panlaban ko sa kanya, ngayon, magkakaalaman na kung ano ang mananaig ang apoy ba? o ang tubig?

POV ni Raquim

Kailangan ko munang kunin si Dayana at tanggalin siya sa aking tatahakin na landas sa pag-angkin ng Dévas. Kailangang mawala siya muna, at isusunod ko si Cassiopeia.

Kay tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito... Mabuti na rin at wala kaming naging anak, dahil magiging sagabal lamang yun sa mga binabalak ko sa Reyna ng Dévas.

May naisip na akong magandang paraan upang maikulong si Dayana at hindi na siya make-alam sa gagawin ko sa kanyang mga kapatid.

Sa totoo lang mas mabait pa si Minea kung ikuumpara sa akin, dahil ang gusto lang ni Minea ay ang mapansin at mahalin. Ang gusto ko ay kayamanan at pamunuan ang buong lupain ni Cassiopeia.,

Kaya hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na ito at ikukulong ko na si Dayana ... iimbitahin ko siya sa isang hapunan o mas maganda kung sasabihin nating kulungan!!

Hapon na...

Natuwa ako at maagang dumating si Dayana, hahaha.. Ngayon, maglalaho ako at pupunta ako sa likuran niya saka ako aatake.

Tagumpay! natumba siya at nawalan ng malay. Ikinulong ko siya sa kulungan at itinali ko ang kanyang mga kamay at paa upang hindi niya magamit ang kaniyang kapangyarihan at hindi siya makalaho.

Walang nakakaalam kung saan ko itinago si Dayana, hahayaan ko na lamang siya na mabulok at mamatay sa loob ng kulungan niya.

Hinding hindi ko hahayaan na makatakas siya kaya pinalibutan ko ng sumpa ang pintuan upang ang may kapangyarihan na gaya ko lang ang makabukas nito.

Naisip ko na kaya itong buksan ni Cassiopei, pero hindi naman niya malalaman ang ginawa ko sa kanyang kapatid. Isusunod ko naman siya!

Alam ko namahihirapan akong madakip si  Cassiopeia kasi may kapangyarihan siyang makabasa ng isipan. Kaya hindi  niya nabasa ang totoong intensiyon ko kasi wala akong ibang inisip noon kundi ang mahalin siya.

Aalis nga muna ako dito, pababayaan ko na si Dayana diyan! Babalik na ako sa Dévas at maglalambing muna ako sa asawa ko hanggat mahulog siya sa patibong ko!

POV ni Cassiopeia

Gabi na ha... pero hindi ko pa nakita si Dayana mula nung sumapit ang hapon hanggang ngayon, na papalubog na ang araw, hindi ko pa rin siya nakikita.

Hindi naman ako kinakabahan kasi alam ko na kaya na ni Dayana ang kanyang sarili...

Ilang oras na ang lumipas at hindi ko parin nahahanap si Dayana kaya inutusan ko si Zandro na pamunuan ang isang hukbo na maghahanap sa kanya.

Dumating na ang asawa ko at natutuwa akong makita siya agad ko siyang tinanong, "Nakita mo ba sii Dayana mahal ko?" sumagot naman siya, "Hindi ko siya nakita... hindi nga siya dumalo sa imbitasyon ko sa kanya."

Nagaalala na talaga ako, ang buong akala ko ay magkasama si Raquim at Dayana wala na akong ibang pagpipilian pa na desisyon kundi ang magtungo sa Templo ng Lireo at itanong kay Sahara kung nasaan si Dayana.

Pagkalaho ko sa Lireo, wala nang tao doon at hindi ko nakita ang ni isang Mecca ni Minea, mas lalo akong nagtataka kung bakit wala si Minea dun. Si Sahara din siguro ay naglalakbay at sigurado akong matatagalan siya dahil hindi na siya makapaglaho.

Bumalik ako sa  Dévas at niyakap ko si Raquim, "Nasaan na kaya ang aking kapatid,?... sana walang masamang nangyari sa kanya."

Nagdasal kami sa isang silid at sinamba namin si Bathala nanalangin ako sa kanya, "Mahal na Bathala patawad sa mga nagawa kong kasalanan, ihatid mo na si Dayana pauwi.. gabayan mo siya palagi at sana may makahanap sa kanya na mabuting nilalang at magbalik sa kanya dito.

Hindi ko na napigilan ang nadarama kong kaba at takot para sa aking kapatid. Tumulo ang luha ko at bumilis ang takbo ng puso ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin.

"Siguro kinuha na ni Minea ang kapatid namin, sana naman ay hindi masaktan si Dayana." wika ni Raquim.

Nauunawaan din pala ni Raquim ang damdamin ko. Hindi na ako makapaghintay na umuwi si Dayana dito.

"Magpahinga ka na mahal ko, gabi na, bukas sasama ako sa iyo sa paghahanap kay Dayana at lilibutin natin ang buong Dévas kung kinkailangan." alok ni Raquim..

Sana nga ay mahanap na namin si Dayana bukas... gagawin ko ang lahat upang mahanap ang bunso kong kapatid.




Kawawa naman si Cassiopeia, sana mailigtas ni Minea si Dayana.. majesca alleahsandra

Babaeng Kakaiba  || Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon