Natuwa ako sa nangyari sa anak ko kahapon. Nabalitaan ko mula kay Zandro na pumasa siya sa pagsasanay na isinagawa niya. Ang pagsasanay na ito ay tungkol sa lakas... Ang ama sana ni Alena ang magtuturo at magsasanay sa kanya....pero may importanteng dinaluhan ang kanyang ama.
Hindi pa nalalaman ni Alena na alam ko na ang resulta sa kanyang pagsasanay, ang alam lang niya ay sa susunod na araw ko pa malalaman ito, subalit ako ay hindi mapakali kaya tinanong ko si Zandro at nalaman ko ang ginawa nila. Nasarapan din si Alena sa niluto ni Raquim kahapon.
Ngayon tiyak ako na mas mahihirapan si Alena dahil ang pagsasanay na ito ay nakabase sa kapangyarihan at alam ko na malakas si Dayana at hindi ko pa nasabi na ang kakulitan ni Alena ay parehong-pareho sa kakulitan ni Dayana noon.
Magmula nang nagkaroon na kami ng kapangyarihan, naging seryoso na si Dayana at tila nawala na ang pagkakulit niya pero gayun pa man, mahal ko pa rin siya.
Kailangan talaga pagdaanan ni Alena ang mga gawaing ito, upang mapatunayan niya na isa siyang karapat-dapat na Hara at upang maitanggol niya ang kanyang sarili laban sa mga kaaway namin.
Pagbukas ko sa silid ni Alena ay tila nakaalis na siya at pumunta na siya sa lugar kung saan sila magsasanay ni Dayana. Napakaresponsable naman ni Alena kahit na ngayon, labing-dalawang taong gulang pa lamang siya... ay kaya na niya ang kanyang sarili.
Pagsasanay ni Dayana at Alena
A= Alena at ang D= Dayana
A= Hena? Hena Dayana?.. nasaan ka na?
D- Humanda ka... !!!
naglaban silang dalawaD- Magaling Alena at ngawa mong dumipensa laban sa akin.
tunay ngang madali kang matuto.
A- Ngayon naman aking Hena... pwede naba tayong mag-
simula?
D-Oo naman una.. Kailangan mong tinggnan ang tatak sa mga
kamay mo, tinggnan mo ang kidlat na nakatatak diyan..
A- Tama po ba ito?
D- Magaling.. ngayon damhin mo ang liksi ng kidlat katulad
nito,,.. dinadama ko ang lupa (yumanig ang malakas na lin-
dol)
A-Ang galing mo naman Hena Dayana..
Ngayon, susubukann kong gawin yon..
(lumiwanag ang kalangitan at may paparating na kidlat)
D- Ngayon subukan mong paibahin ito ng direksyon at kung
hindi mo ito magagawa ay tatamaan tayo..
A- Hindi ko alam kung papaano hena,... malapit na ito..
D- Hindi kita tutulungan, kung bahala na kung mamamatay
tayo dito..
A- Paano ba ito... dapat kong mag isip ng mabuti
(ilang segundo nalang at tatamaan na kami ng kidlat)
mabuti naman at nagawa ko itong pahintuin.
D- magaling Alena..
A- Muntik na yon.. mabuti na lamang at nagawa ko!
D- Huwag ka munang magpakasaya Alena dahil nagsisimula
pa lamang tayo...
A-Ano?
D- May reklamo ka?
A- Wala naman hena...
D - Nakita mo iyong kahoy na iyon may maliit na pula sa gitna doon at kailangan mo itong tamaan ng iyong kidlat..A- Ang hirap mo naman hena..
Nagpatuloy ang kanilang pagsasanay at hindi pa sinabi ni Dyana kung pumasa ba siya o hindi..
POV ni Dayana
Walang nakakaalam kung nakapasa ba ang anak ng kapatid kong si Cassiopeia, maging ang kanyang sariling ina ay walang nalalaman tungkol dito..
Hahahha... nakakatawa naman tingnan ang mukha ng aking hara.. parang kinakabahan.. ganyan din yung mukha ko noong bata pa ako.
Nagsanay kasi kami noon kasama ang mga kawal at sinabi na ni Ina na nakapasa si Minea at Cassiopeia at ako.. ay wala siyang sinabi. Muntik nang tumulo ang luha ko pero yinakap ako ni Minea at Cassiopeia at sinabi nila na nakapasa ako..
Medyo nagalit ako noon sa kanila pero itinawa ko na lamang ang galit ko..Gusto kong mangyari sa anak ni Cassiopeia ito.. sigurado ako na matatawa ang kanyang ina..
Hindi ko namalayan na umuwi na pala si Alena at biglang.... may nagsalita........"Talaga ba Dayana?" sabi ni Cassiopeia
natakot ako at tumawa kami... "hahahaha"
sinabi naman niya sa akin na... "Nagkakamali ako Dayana, hindi ka parin nagbabago.. ang kulit mo pa rin".Tinanong ko naman ang aking kapatid na "Paano mo nalaman'"?
"Nakakalimutan mo na siguro Dayana na kaya ong basahin ang iniisip mo"
Nahiya ako.."ahhh.. oo nga pala patawad"
"Wala kang dapat na ipagpatawad Dayana.. dahil gagawin natin iyon.. susubukan natin ang katatagan ni Alena"Nung narinig ko iyon, hindi ako makapaniwala na gagawin ko ito sa aking pamangkin at sumang-ayon pa ang kanyang ina tungkol dito.
POV ni Cassiopeia
Siguro nga may mga bagay at tao na hindi nagbabago...
Tulad ni Dayana, iniisip ko pa lamang ay natatawa na ako sa gagawin namin.Naaalala ko tuloy ang nangyari kay Dayana noon. Lahat ng tao ay tumatawa maliban s kanyan.. napaiyak siya at niyakap ko siya at nakakatawa talaga ang mukha niya...
Baka ito rin ang mangyayari sa aking anak,, sinabihan ko na si Raquim at tumawa siya...
BINABASA MO ANG
Babaeng Kakaiba || Completed |
FantasyKung nakukuha sa isang tingin lamang ang kabuuhan ng paghuhusga, ano na lang kaya kung kikilalanin ang babaeng bukod tangi sa lahat ng nilalang. Minsan ang pagkakaiba ay siyang nagdudulot ng pagkakaroon ng mga suliranin, kung kaya't mamangha at sub...