Chapter 1: Meet Kara

4 1 0
                                    

Nakanganga lang na nakatitig si kara sa kabuuan ng H.U o mas tinatawag na High University

"Grabeh ang laki-laki nga talaga nitong school na ito baka hindi na afford ang tuition fee ko dito kawawa naman ako pero teka lang...ngayon ko lang naalalang sila mama't papa pala ang nagbabayad ng tuition fee ko hehehe" sabi sa isip-isip ni kara...

Siya si KARA SAMONTE- maganda, mabait, masipag at matulungin pero hindi matalino ok? Isa siyang fourth year highschool sa bagong school na papasukan niya na tinatawag na High University na kung saan mga mayayaman at may kaya sa buhay ang nakakapag-aral rito. May kaya sa buhay ang pamilya nila kara kaya nagawa ng mga magulang nito ang ipasok siya sa isang malaking school ang please take note: isa siyang malaking shunga kahit ganap na siyang fourth year.

"Oh ano? Nganga ka na lang ba diyan" nagulat si kara sa biglaang pagsulpot ng isang babae mula sakanyang gilid

"Sino ba ito? Atsaka bakit magkapareho kami ng suot na damit?" Tanong sa isi ni kara. Napahawak na lang si kara sakanyang dibdib dahil sa gulat

"Oh i'm sorry, mukhang nagulat pa kita" sabi nung babae kay kara saka tumawa ng mahina, tinigna naman siya kara

"Hindi lang mukhang, kasi nagulat mo talaga ako atsaka paanong hindi ako magugulat eh magkapareho tayo ng suot na damit" napakunot naman yung babae sa sinabi ni kara pero hindi niya nalang iyon pinansin at tinignan na lang ang malaking gate sa H.U, ganon na lamang ang gulat nya ng makitang nag-uunahan ang mga estudyante sa pagpasok sa H.U kasi magfa-flag ceremony pa kaya hinila nung babae si kara at nagmadaling tumakbo papasok sa H.U

Pagkapasok nila sa loob ay halatang hingal na hingal sila sa pagtatakbo at tila naghahabol pa ng hininga

"Ayy grabe nakakapagod pero teka...sino ka ba? kilala ba kita?" Tanong ni kara doon sa babae, tinignan nung babae si kara saka ngumiti ng tipid

"I'm Jaxia by the way, and to answer your question hindi pa kita kilala pero ewan ko na lang sayo kung kilala mo ako" sagot ni jaxia kay kara saka ngumiti

Pumunta na sila sa lugar kung saan doon mismo ginaganap ang flag ceremony atsaka luminya na. Pagkatapos ng flag ceremony ay hinanap na nila ang classroom nilang isa't isa at tingnan mo nga naman magkaklase pala silang dalawa

Nang nasa labas na sila ng classroom nila ay biglang napahinto si jaxia kaya huminto narin si kara para tingnan si jaxia.

"Bakit ka tumigil?" Tanong ni kara kay jaxia, tinignan siya ni jaxia saka ngumiti

"Ahmm...siguro mauna ka nalang , may pupuntahan pa ako babye ikaw nang bahala maghanap ng mauupuan natin"yun lang ang sinabi ni jaxia kay kara saka mabilis na tumakbo palayo kay kara

Hahabulin sana ni kara pero huli na ang lahat dahil mabilis nawala sa paningin niya si jaxia kaya siyang nagawa kundi pumasok sa classroom nang mag-isa, pagpasok niya ay agad na nagtinginan sakanya yung mga estudyante sa loob dahil hindi siya pamilyar sakanya

"New student? Transferry?" Girl 1

"I think so, sana maging mabuti ang lagay niya rito haha" Girl 2

"Haha oo nga, sana hindi niya mabangga sina aries" Girl 3

Yan ang mga sari-saring mga bulong- bulungan ang naririnig sa classroom na iyon, hindi nalang iyon pinansin ni kara saka umupo nalang sa unahan hindi niya alam na may naupuan na siyang bag doon.

Maya-maya lang ay may dumating na sexy'ng babae at pagalit na pumunta sa harapan ni kara

"What are doing there there? Get out, it's my chair" galit na sabi nung babae pero si kara hindi nakakibo, hindi niya kasi na-gets yung sinabi ng babae dahil nga isa siyang maliking shunga diba.

Samantalang yung babaeng nasa harapan niya ay umuusok na ang ilong sa galit

"Didn't you heard me? I.Said.Get.Out" diniinan talaga nung babae ang pagsasabi ng 'get out' kaya lang walang kibo parin si kara, nakatingin lang siya sa babae

"Ano kaya yung pinagsasabi niya? At bakit parang galit yata sakin?" Sa isip-isip ni kara, sa galit nung babae ay mahigpit niyang hinawakan sa braso si kara at pinatayo kaya napa 'aray' na lang si kara

"Hindi ka naman pala pipi o binge ba't hindi mo ako maintindahan. Pag sinabi kong tayo! Tumayo ka hindi yung hinihintay mo pa akong saktan ka" sabi nung babae atsaka malakas na tinulak si kara dahilan para mapasubsob siya sa sahig. Pinagpagan naman nung babae yung bag na naupuan ni kara.

"Marunong naman palang magtagalog pinahirapan pa ako" sa isip-isip ni kara saka tumayo at naghanap nalang ng bakanteng upuan.

Samantalang mula sa likuran ng kinauupuan kanina si kara ay palihim na tumatawa ng mahina, nang mapansin niyang naghahanap ng upuan si kara ay tinawag niya ito.

"Psstt" pag 'psst' niya pero hindi niya nakuha ang atensiyon nito kaya umulit siya pero bigo parin kaya...

"Hoy ikaw na babaeng may malaking headband sa ulo na kulay pink" napalingon naman sakanya si kara at itinuro ang sarili na parang nagtatanong ng 'ako?', tumango lang yung babae saka sinenyasan niya ito na lumapit sakanya kaya lumapit naman si kara.

"Ano yun?" Takhang tanong niya sa babae, nginitian siya nung babae kaya ngumiti rin siya.

"Dito ka na lang umupo sa tabi ko, at simula sa araw na ito kaibigan na kita okay" sabi nung babae at tinap ang katabi nitong upuan. Umupo na doon si kara atsaka tumango.

"Ako nga pala si celine garcia" sabi ni....

CELINE GARCIA- maganda, mayaman, sexy, at matalino. May pagka masungit pero mabait naman siya.

"Ako naman si kara hehehe" sabi naman ni kara at ngumiti ng parang aso....



A/N: Guix, sa susunod na chapter ay makikilala niyo naman ang naga-gwapuhang limang lalaki. Watch out!

Inlove Again With A Stupid OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon