*tik tilaok tik tilaok*
"Kara anak gumising ka na male-late ka na nang pasok...ano ba gising na at nang makakain na rin tayo" gising ng ina kay kara pero ayun si kara nagtalukbong lang ng kumot.
"Hay nakung bata ka bahala ka..naririnig mo yung manok? Nag tilaok na oy gising na!" Hindi parin gumigising si kara at naghihilik pa napailing na lamang ang ina habang pinapanood ang paghilik ng anak. May biglang pumasok sa utak niya para gisingin ang anak.
"MAY SUNOG!!! TULONG TULONG!!" napabalikwas nang bangon si kara sa sigaw ng ina
"Sunog! Asan subod mama kumuha ka ng tubig!" Natatarantang sabi ni kara at nagpabalik balik ng lakad, tinaasan lang siya ng kilay ng ina
"Aba aba may gana ka pang mag utos sakin ah, baka nakakalimutan mo mas matanda ako sayo kunting respeto anak at iniisip mo pa ba kung anong oras na ngay-----" hindi natapos ng ina ang sinasabi ng biglang sumigaw si kara.
"HALA LATE NAKO MAMA BAKIT DIMO AKO GINISING!!" sigaw ni kara at nagtatakbo na sa banyo.
Sa 5 minutes na pagligo niya sa banyo hindi niya alam kung ano nang pinaggagawa niya, sobrang natataranta siya as in. Alam niya kasing pag natapos na ang flag ceremony ay sarado na ang malaking gate sa H.U.
Dali-dali niyang sinuot ang uniform niya at kinuha ang bag malapit sakanyang kama saka binuksan ang pintuan ng kwarto niya muntik pa ngang masira dahil sa pagmamadali niya, tumakbo na siya malapit sa lamesa kung saan naroroon ang pamilya muntik pa ngang madapa.
"Oh anak wag kang magmadali baka mabulunan ka niyan" awat ng ina nito ng makitang dali-daling sinubo ni kara ang kanin na sakanyang plato.
"Tapos nako mama alis na ako ba bye" sabi ni kara sa tatlo at tumakbo na papuntang jeep terminal.
H.U (High University)
Pagkadating niya doon ay tama nga ang hinala nito na sarado na ang malaking gate, lumapit siya dito at dumungaw nagbabakasakaling may magpapasok sakanya sa loob.
Nakita naman siya ng guard na si manong shano, nilapitan niya ito saka kinausap.
"Ineng anong ginagawa mo dito?" Tanong nito kay kara, napalunok na lang si kara sa takot. Nakakatakot kasi ang itsura ni manong shano kaya ganun na lamang ang takot ni kara sakanya .
"Ahhh kasi po...na late po ako ng dating " pauutal-utal pa na sagot ni kara, pinagpapawisan na talaga siya. Ngumiti naman si manong shanu sakanya sabay sabing...
"Ganun ba? Oh sige ineng pasok ka na para maka klase ka na rin" pinapasok na ni manong shanu sa loob si kara nagpasalamat naman ng paulit ulit si kara rito hanggang sa makapasok na siya sa loob.
"Grabe ang bait pala talaga ni manong shanu, swerte nung anak niya" sabi sa isip-isip ni kara habang nakangti. Habang naglalakad si kara ay hindi niya namalayang may nabangga na pala siyang tao. Napalunok na lang si kara ng makita ang galit na mukha ng nabangga niya.
"What the f*ck" ....
"Wala pa rin ba siya?" Tanong ni gabby habang iniikot ikot ang rubiks sa kanyang kamay, napakamot nalang ng batok si harry habang nakatingin sa cellphone niya.
"Wala parin eh" iiling-iling na sabi ni harry sabay dial ulit, kanina pa kasi niya kinokontak si kielo dahil hanggang ngayon wala parin ito papasok na sila sa school wala parin ang isang yun.
"Tss nasaan na naman kaya yun? Alam naman niyang papasok na tayo ngayon ang tagal tagal pa niya, talagang male-la----" hindi natuloy ang sasabihin ni duke ng biglang lumitaw si kielo at ngingiti ngiting humarap sa mga kaibigan.
"Goodmorning, pinag-antay ko ba kayo?" Ngiting sabi ni kielo sabay suklay ng kamay sa sariling buhok.
"Kanina ka pa namin hinihintay napaka kupad mong lalaki ka bakit dika makontak ha? Nagsasayang lang ako ng load. Tsk" sabi ni harry sabay batok kay kielo
"Sorry naman kasalanan ko bang masyado akong gwapo" pout na sabi ni kielo saka sinuklay ang buhok gamit ang kamay.
"At anong connect?" Nakataas kilay na tanong ni harry rito, napakamot ulo nalang si kielo sa tanong ni harry.
"Sorry ah..diko rin alam eh hehehe" binatokan ulit nito si kielo.
"Tsk tama na nga yan puro kayo away pagdating sa klase nakanganga na lang kayo"sermon sakanila ni gabby atsaka tumayo, tumayo narin naman si aries mula sa pagkakaupo at senenyasan ang tatlo na sumunod.
Sumakay na sila sa kanya-kanyang motorbike nila saka ito pinaandar papuntang H.U.
Pagkadating na pagkadating nila doon ay mabilisang kinausap ni duke yung isang gwardiya na si mang shanu saka sila pumasok.
Bumaba na sila sa mga motorbike nila saka naglakad, sila harry at kielo as expected nag-aaway na naman silang dalawa, si duke naman cool lang na naglalakad At sila aries at gabby seryosong nag-uusap na dalawa nang....
"What the f*ck" mura ni aries nang mabangga siya ng isang babae na naka uniform din katulad nilang lima.
"Sorry" nakayukong sabi ni kara kay aries, tinignan naman siya ng masama ni aries saka ito hinarap.
"Ano ba miss, tumingin tingin ka nga sa dinadaanan nakakabangga ka ng tao tsk" inis na sabi ni aries rito, nainis naman si kara sa inasta ni aries. Inangat nito ang tingin kay aries.
"Hoy lala-ki----" napatigil sa pagsasalita si kara nang makita ang napaka among mukha ni aries.
"Ano?" Nabalik lamang siya sakanyang sarili ng biglang magsalita si aries.
"H-hoy lalaki nag-sorry na nga ako sayo sinisigaw-sigawan mo pa ako!" Sigaw nito kay aries nagulat naman ang lima sa inasta ni kara maski si aries.
"Ang kapal mo naman atang sigaw-sigawan ako babae baka nakakalimutan mo kung sino ako" seryosong sabi nito kay kara.
"Bakit sino ka ba?" Inosenteng tanong nito kay aries, halatang nagulat ang lima sa tanong ni kara.
"You...you didn't know me?" Tanong ni aries rito umiling lamang si kara bilang sagot .
"F*ck! Let's go guix" sabi ni aries at may kasam pang mura-
Naglakad na palayo si aries kay kara nakasunod lamang sakanyang ang apat na kaibigan samantalang naiwang kunot noo si kara habang nakatingin sa lima na naglalakad na palayo sakanya...
BINABASA MO ANG
Inlove Again With A Stupid One
Teen FictionNasaktan ako dati, nagmahal ako ng babaeng akala ko ay minahal rin ako. I tried to forget her, i tried to move on but i really can't til then...i met you na siyang nagpabago ng puso't isip ko. Mahal kita kahit na ba isa kang malaking shunga sa buhay...