Chapter 14

1 0 0
                                    

"The One and Only" nakangisi niyang sagot at tumabi doon sa apat, ngayon alam ko na kung bakit pamilyar sila kasi kasamahan niya pala sila. Grgrr




"Demonyo ka! Anong kailangan mo sa akin? Kidnapper kayo noh? Tatawag ako ng pulis" sigaw ko sakanila pero ang mga loko tinawan lang ako kaya napakunot ako.



"Ano namang nakakatawa?" Inis kong tanong sakanila, may lumapit na isang chinitong lalaki at ngumiti.



"You're funny" sabi niya at tumawa. Grabe! Ang gwapo niya lalo na kapag tumatawa. Sanay crush ko pa sana siya hayyss..



May biglang humawak sa balikat niya at nilayo sakin. Si epal pala >_< nakakinis kitang nag-momo ment kami rito ni crush eh.



"Hey, from now on you're my girlfriend" nanlaki ang mata ko at tumingin sa likuran ko, sa gilid pero wala namang tao? Sino naman kayang kinakausap niya.



"Hey i'm talking to you" hala! Sa akin daw? Wag kayo! Kahit english yun naiintindihan ko.



"Ako ba?" Tanong ko at tinuro ang sarili ko, tumango naman siya at ngumisi at ako naman nanlaki ang mata.  "Ano? Baliw ka ba?"






"Maybe yes maybe not" pesteng meybe meybe na yan hindi ko naman maintindihan pero ah..






"Ah basta ayoko!"






"Hindi kita tinatanong kaya sa ayaw at sa gusto mo girlfriend na kita ngayon" nakangisi niyang sabi.



"Ayoko"

"Ayaw mo talaga?" Nakangisi niyang tanong, umiling naman ako. Nagulat ako ng may envelope siyang winagayway sa mukha ko.



"Name Kara Samonte Father's Work A Security Guard at the Fontanilla Company Mother's Work A Janitress at the Fontanilla Company" basa niya doon sa papel na nasa loob ng envelope.



"Paano? Paano mo nalaman?" Di makapaniwalang tanong ko, winagayway niya ulit sakin yung envelope.



"You see...pinaimbestiga kita" ganun ba talaga ako kaimportante para ipaimbestiga? Kung ganun haba ng buhok ko mga tol.



"So ayaw mo pa rin?" Tanong niya ulit.  "Ayaw ko" matapang kong sagot.


"Kung ganun sisisantehin ko na lang ang mga magulang mo tutal sa kompanya namin namin naman pala sila nagta-trabaho kaya di na ako mahihirapan pa" sabi niya ng nakangisi, nanlaki naman ang mata ko.


Kaya niyang gawin yun? Pero kung sabagay mayaman siya kaya kayang-kaya niya yun gawin. Kung sisisantehin niya sina Mama at Papa ay paano na lang ako? Edi wala na kaming makakain.



"Oy huwag" naiiyak kong sabi.

"I won't do that if you'll be my girlfriend" seryoso niyang sabi, huhu! Bakit ba kasi ako pa ang napili niyang maging girlfriend eh. Kung papayag ako malulungkot ako kung himdi naman malulungkot pa rin ako, ano ba talaga? Pero hindi baka wala na kaming makain eh kaya ....



"Sige na nga" nasagot ko na lang, may inabot siyang papel at ballpen sakin kaya kinuha ko ito.  "Para saan naman ito?"



"Just f*ckin' read it and sign it" irita niyang sabi at umupo sa may lumang upuan, hindi ko na lang pinansin at binasa na lang yung papel.


________
   __________

Rule#1: KAILANGAN MONG SUNDIN LAHAT NG MGA UTOS NIYA SAYO.

Rule#2: BAWAL IPAGSABI ANG TUNGKOL SA CONTRATANG ITO.


Rule#3: BAWAL KANG MA-INLOVE SAKANYA.

                                  SIGNATURE:

__________
    ______________

Okay? Nabasa ko na? Anong gagawin ko rito?


"Tapos na" sabi ko sakanya

"Sign it"

"Paano? Hehe" pinangliitan niya ako ng tingin.

"D*mn it! Kielo, turuan mo nga yan" inis niyang sabi, nag salute naman yung isang cute na lalaki at lumapit sakin.

So ayun tinuruan niya ako hehe, ang cute niya sarap iuwi sa bahay eh.


"Pst oy"

"What?"

"Bakit mo ba ako ginawang girlfriend?"

"You don't have the right to ask me" yun lang sinagot niya at lumabas na.


May lumapit na matangkad na lalaki sakin at tinanggal ang tali sa katawan ko at lumabas na rin.


Aba! Mga walangyang lalaki yun, iwanan daw ba ako mag-isa rito? Tama ba yun? Tumayo na ako at sumunod sakanila palabas, mahirap na noh baka mawala pa ako eh.


Nang makalabas na kami ay nakita kong papasok na dapat sila sa Van kaya tinawag ko na sila, lumingon naman sila sakin


"Hindi niyo man lang ba ako ihahatid pauwi samin?" Tanong ko. Nagtinginan naman silang lima--apat pala kasi ayun yung epal nasa kotse na niya.  " aba! Mahiya nga kayo, dinala-dala nuyo ako dito tapos di niyo man lang ako iuuwi?"


"Okay fine ihahatid ka na namin pauwi" sabi nung matanhkad na lalaki at tinignan si epal, nakita ko namang tumango si epal at pumasok doon sa kotse niya ata.


"Sumakay ka na" utos sakin nung lalaki kaya sasakay na dapat ako nang may maalala akong dapat itanong kay epal kaya tumakbo palapit sa kotse niya.


"What?"

"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong ko, saglit niya akong tintigan.

"Aries....Aries Fontanilla" yun lang ang sinagot at pinaandar na ang kotse, hindi naman siya nagmamadali niyan?


Bumalik na lang ako doon sa Van at sumakay. Hindi naman pala sila ganun kasama, mababait naman pala sila at palatawa pa.


"Yey nandito na ako, bye bye sainyo" paalam ko sakanila at kumaway, kumaway naman sakin sila Harry, Kielo, at Duke.


.....


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Inlove Again With A Stupid OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon