Malapad ang ngiti ni Gervic ng matapos ang math competition
"Grabe ang galing talaga natin noh!" tumatalon talong pa toh habang nag lalakad
"NATIN! o NAMIN?" Ian
"Ni wala ka man lang naitulong. Tseee" Allen
"Puro ka lang palakpak" Angelo
"Hoy grabe kayo sa akin ah! May naitulong kaya ako" Gervic
"At ano yun?" Vince
"Guys may naitulong naman si Gervic! Ewan ko kung napapansin nyo pero nadidistract yung mga kalaban dahil sa kaingayan ni Gervic" Tyronne
"OO nga OO nga kung wala ako! Hindi kayo mananalo! pasalamat kau sinali ko kayo sa team ko" napa iling na lang ang lima, likas na kasi sa pagkatao ni Gervic ang pagiging mahangin
"Pero seriously, malaki ang naitulong ni Arie kanina! Matalino din ang babaeng yun!" Ian
"Tyronne taga Math Club din sya dba, Magkakilala ba kau?" Angelo
"Wala akong pakialam sa kanya" walang ganang sagot ni tyronne
"Wala daw pake, eh parang nagselos ka nga nung inakbayan nya si Allen at Gervic kanina eh!" pagkasabi nun ni Angelo biglang nagbago ang pinta ng mukha ni Tyronne na bihira lang mangyari
"Sabi ko wala akong pakialam sa kanya" this time parang naiinis na ang itsura ni Tyronne
"Yun oh! for the first time naasar din natin ang isang Tyronne!" natatawang sabi ni Vince na lalong nagpa kunot sa noo ni Ty
"Payong kaibigan lang! The more u hate! The more u love" sabi ni Gervic habang tinatapik tapik pa ang balikat ng kaibigan
"Love agad hindi ba pwedeng like muna" biglang natigilan si Tyronne sa lumabas sa bibig nya. Ganun din ang lima nyang kaibigan
"Wohhooooooo" sigaw ng lima habang nag aapiran pa
"Ohhhh men! ingat na lang! and may the odds always in your favor! mukhang may sayad din ang babaeng yun! Goodluck" Allen
Hindi nya maintindihan ang sarili pero natigilan sya ng ilang minuto habang tinitingnan ang papaalis na mga kaibigan habang nagtatawanan. At nasisiguro nyang sya ang pinag uusapan ng mga ito.
Tinatanong din nya ang sarili bakit sya naapektuhan sa babaeng yun. Ilang taon na din syang walang nararamdaman. Ilang taon ng blangko ang ekspresyon ng mukha nya. Pero dahil sa isang babae biglang nasira ang pader na binuo nya para sa sarili.
"Hindi pwede toh" gaya ng dati pinilit ni Tyronne maging hindi apektado.
"Hoy hintayin nyo ako" tumakbo sya, dahil gusto nyang kutusan si Gervic dahil sya ang nagsali sa kanila sa kompetisyon na yun. Ang dahilan bakit may babaeng nakakuha ulit ng atensyon nya.
MATUTULOG na sana si Tyronne sa bakanteng bed ng hospital na pinagdudutyhan nya ng biglang nag vibrate ang cellphone nya. Nung una hindi nya ito pinapansin pero hindi sya makatulog ng maayos kaya kahit hindi bukal sa loob nya binasa nya ito
"Hi tyronne! Si arie ito" pagkabasa nya, hindi nya maintindihan ang sarili pero biglang nagising ang diwa nya at biglang nawala ang pagka antok
"O" yun lang ang naisip nyang isagot dahil sa totoo lang hindi nya alam ang sasabihin
"Grabe maski sa text tamad ka pa din! may tatanong lang naman ako eh" agad nag reply si tyronne
"Ano?" hindi maintindihan ni Tyronne pero nakatitig lang sya sa cellphone nya na parang hinihintay nyang mag reply ang dalaga
"Aba himala gising ka ata!"
"Tulog. Ano Tanong"
"Ganyan ka talaga mag text!"
"Tanong. Tulog"
"Pwede bang mangligaw? nakakainis ako pa talaga ang manliligaw" ng mabasa yun ni tyronne bigla syang napangiti at nawala bigla sa isip nya na pinindot nya ang salitang
"K" huli na ng napagtanto nya kung ano ang ginawa nya dahil na isend na ito.
"Patay ako!"
BINABASA MO ANG
"D' Bad Brothers"
Teen FictionPabebeng lovestory - CHECK Gwapong Gwapong bida - CHECK Light lang ang tama - CHECK - - Ayaw mo na! pero gusto mo pa - COBRA - - BASA NA MGA BES!