TUMUTUNOG ang cellphone ko habang sarap na sarap ako sa pagtulog. Nung una hindi ko toh pinapansin kasi ayaw na ayaw kong naiistorbo ako pag natutulog.
"Hello.. alam mo bang nakakaistorbo ka sa na............." hindi ko na natatapos ang sasahibihin ko ng makarinig ako ng sigaw mula sa kabilang linya
"Tyronneeeeeeeee........ NA..SAAN...KA???" ng marinig ko ang boses na yun bigla na lang nagising ang diwa ko na parang binihusan ng malamig na tubig.
"Sorry sorry nahirapan akong hanapin ung librong pinapahanap mo" kung bakit ba naman kasi pag napupunta ako sa tahimik na lugar lalo na kung may libro eh parang hinihila ako ng antok.
"Wag mong sabihing natulog ka sa library?" galit na galit sya, nako patay nanaman ako nito kay Arie masyadong matampuhin at ang hirap lambingin minsan nga nagtataka ako bakit pinag titiisan ko tong baliw na toh
"Ahhh.. hindi ako natulog ah! nakaidlip lang"
"ANOOOOOOOOOO... PUMUNTA KA NA NGAYON DIN DITO" gaya ng sabi nya nanginginig akong tumakbo.
________
"TYRONNE pare, balita ko under ka kay Arie ah" pang aasar ni Gervic
"Ako? Under? nakakalimutan mo na bang cool ako" ito na nga ba ang sinasabi ko nasisira ang imaheng inaalagaan ko dahil lang sa babae
"Nako, buti na lang patay na patay sakin ung girlfriend ko. Sabagay sa pogi kong toh" dahil cool ako hindi ko papansinin ang pang aasar ni Gervic lalo na alam ko ang katotohanan, na hindi sya gwapo kasi bulag lang talaga ang girlfriend nya.
"Buti na lang hindi ako ina under ni Miyaka, lagi nyang sinasabi na kahit anong gawin ko susuportahan lang nya ako." Isa pa tong Vince na toh! palibhasa baliw na baliw din ung girlfriend nya sa kanya
"Si Shamcey din! kahit anong gawin at sabihin ko maniniwala sya! Lagi pa akong pinag sisilbihan minsan nga sya na din nagpapakain sakin. She's high over heels mga pre! Partida ah gwapo lang ako, hindi ako COOL kagaya ng isa dyan" pati tong matabang Angelo na toh nauuto din ang girlfriend nya.
"Well di na ako masyadong mag rereact alam nyo naman na sinasamba ako ng mga babae eh. Wala pang babae ang nag look down sakin. Para sakanila isa akong sugo ni Adan" dumadagdag pa tong mayabang at babaerong si Allen
Ang yayabang nila, ewan ko ba pero pag si Arie na ung usapan nagiging ibang tao ako. Nagiging malambot ako, sweet na tao at takot na takot na magalit ang girlfriend.
"Alam mo Tyronne, lalaki tayo kaya dapat babae ang sumusunod sa atin. Hindi pwedeng tayong lalaki ang susunod sa babae." teka galing ba kay Ian ang boses na iyon. Habang nagkakagulo sila sa bagong itsura ni Ian, kagaya ng dati tumatakas nanaman ako.
"Hello Arie nasan ka?"
"Kita tau sa playground! Bye" Tingnan mo yung taong yun! Ano pa nga bang magagawa ko eh di pumunta sa playground.
Kahit ganun yun mahal na mahal ko sya, sa pag daan ng mga araw mas lalo ko syang minamahal. At mas lalo akong nagiging korni.
"30 minutes na wala pa din sya? Bakit kaya wala pa sya?" Wala sa sariling kinakausap ko ung Golden Retriever na nasa tapat ko at nakatingin sakin.
"Mukha ba akong tanga sa tingin mo? Ako si Tyronne! Cool ako eh!"
"COOL ako dati nung wala kong girlfriend! Kaso nung nagka syota ako wala eh, natunaw agad ako"
"Arrrfffff... Arrrfffff"
"Hayyy baliw na din siguro ako, aso na lang ang matinong kausap naun"
"Ikaw aso, Eh anong magagawa ko gusto ko sya ung pinagsisilbihan ko imbes na ako ang pag silbihan nya. Gusto ko sinusunod at sinusuportahan ko sya, gusto ko mabigay ko mga pangangailangan nya. Para sa akin sya ang prinsesa ko at willing akong maging alipin nya."
"Arrrfffff... Arrrffff"
"Tama naman ako diba, eh ano kung under ako! Baliw na Baliw ako eh"
akala ko tahol nanaman ang maririnig kong sagot ngunit sa pagkakataong ito iba
"Baliw ma Baliw din naman ako sayo" alam kong kay Arie ang boses na yun kaya ng lingunin ko sya agad akong niyakap ng taong mahal na mahal ko
"Ang tagal mo ah! pinag hihintay mo talaga ako?" galit galitan ko
"Abaaaaa.. at sumasagot ka na ngayon"
"Joke lang!" kita nyo na hindi ko magawang magalit sa kanya, kasi ang ending mas galit sya sa akin
"Sorry Tyronne kung inaasar ka ng mga kaibigan mo kasi ina under kita."
"Ano ka ba lahat susundin ko basta sinabi mo! Im under your spell"
"Dahil dyan may kiss ka sa akin" kaso kusa akong lumayo ng hahalikan na nya ako
"Bakit ayaw mo?" tapos tinalikuran agad ako, kita nyo na matampuhin ang mga babae
"Wait! Pag dating dito ikaw ang under ko" then i gently kiss her. I so love this girl, wala na akong pake sa image ko ang importante akin lang ang babaeng ito.
THE END
Author's Note: Next na po ung story ni Ian sana masimulan ko na.
BINABASA MO ANG
"D' Bad Brothers"
Teen FictionPabebeng lovestory - CHECK Gwapong Gwapong bida - CHECK Light lang ang tama - CHECK - - Ayaw mo na! pero gusto mo pa - COBRA - - BASA NA MGA BES!