Arie POV
"Ano daw K! anong ibig nyang sabihin sa sagot nyang K" bahagyang natigilan si Arie ng mapagtanto kung ano ang sinagot ni Tyronne sa kanya ng sinabi nyang pwede bang manligaw
Agad nyang kinuha ang cellphone at mabilis na nag reply
"Anong k! pwede akong manligaw" agad nyang sinend ito pero ilang minuto na ang lumipas wala syang natanggap na reply.
"Bukas humanda ka talaga sa akin"
Tyronne POV
Ewan ko pero antok na antok talaga ako ngayon, siguro hindi na lang muna ako papasok matutulog muna ako sa library. Tama yun ang dapat kong gawin.
Papunta na ako sa paborito kong pwesto ng biglang may babaeng nakatungo sa gilid at mukhang umiiyak
Napasapo na lang ako ng ulo, dahil isa sa kahinaan ng cool na gaya ko ay ang mga babaeng umiiyak. Kaya ipapagpaliban ko muna ang pagtulog.
"Miss okay ka lang"
"Kung ok ako hindi ako iiyak! Kung okey ako hindi ako magiging miserable, kung okey ako hindi kita kinakausap at sayo nilalabas ang galit ko sa mundo" matapos nyang sabihin un nag angat ito ng tingin sa kanya. At kita nya ang pagka gulat sa mukha nito.
"Tyronne"
"Anong problema Arie" ng uupo sana ito para daluhan ang dalaga bigla itong tumayo at agad syang tinalikuran.
"Arie sandali lang" hinigit nya ang kamay nito ngunit agad nyang tinabig ito at tuluyan ng umalis. Gusto sana nyang sundan ito ngunit sa tingin nya ay gusto nitong mapagsolo
Agad dumako ang mata nya sa litrato na nasa sahig.
Napako ang mata nya sa ngiti ng isang babae na parang ang saya saya at walang problema sa buhay kaakbay nya ang isang lalaki.
Ibang iba ang arie na nasa litrato buhay na buhay ito. Kahit kailan hindi nya pa nakita ang ganitong awra ni Arie.
Ang pinagtataka nya kung sino ang lalaking kasama nya. Ito ba ang dahilan ng pag iyak nya. Kung may kasintahan na pala sya bakit pa sya nito ginugulo.
Wala sa sariling binulsa nya ang litrato at pumunta na sa paborito nyang tulugan.
"Kailangan kong matulog" at gaya ng dati idadaan na lang ni tyronne ang lahat sa tulog.
ARIE POV
"Nakakahiya, sa lahat ng pwedeng makakita sa akin si tyronne pa! Mapupurnada plano ko nito eh" isang malalim na buntong hininga na lang ang nagawa ni Arie matapos ang nangyari kanina
Bigla na lang sya napatitig sa kawalan na kahit pigilan pa nya ang sarili unti unti nanamang pumatak ang mumunting luha sa kanya mga mata.
"Malakas ako eh! Matapang ako eh! Dapat di na ako naapektuhan! Pero masakit pa din pala! Kailan ba kita makakalimutan! Kailan ako magiging masaya?" Napatitig sya sa maaliwalas na kalangitan na parang lahat ng lungkot ay di kayang pawiin kahit ang pinaka magandang tanawin pa.
"Ang sakit! Masakit pa din!" Muli hindi nya pinigilan ang sarili na umiyak at ilabas lahat ng lungkot na inipon sa kanyang dibdib.
"Sinong niloko ko? Hanggang ngayon hindi pa din kita kayang palitan! Dahil ikaw pa din laman nito" patuloy ang pag iyak ni Arie habang natatingin sa kalangitan at hawak ang kanyang dibdib
"Joaquin gusto ko ng sumaya ulit! Pag bigyan mo na ako please? Malakas naman ako sayo diba?" Pagak na tumawa si Arie dahil nagmumukha nanaman syang tanga at sarili nanaman ang kinakausap.
Tyronne POV
Naglalakad ako sa lugar na napapaligiran ng mga bulaklak. Maganda ang panahon at sariwa ang hangin. Biglang natuon ang mata sa kamay na hawak ko.
Pag angat ko may babaeng masayang tumatakbo habang hinahangin ang kanyang buhok at hawak ko ang kamay ng babaeng ito.
At bakit nakangiti ako at parang nag eenjoy sa nangyayari.
Pag lingon ng babae, isang maligayang mukha ni Arie ang nakita ko. Bigla akong natigilan at parang huminto ang palagid at sa kanya naka sentro ang atensyon ko.
Sabay nun ay ang paggising ko mula sa panaginip.
"Napaginipan ko si Arie? Pati sa pag tulog iniistorbo nya ako" agad natigilan si tyronne
"Sandali nanaginip ako? First time ko managinip" napa iling iling na lang sya. Dahil ito ang unang pagkakataon na naaalala nya ang napaginipan nya.
"Dont tell me! Gusto ko si Arie?" Wala sa sariling tanong ni Tyronne
"Nakakapagod mag isip! Alam ko na matutulog na lang ulit ako at pag napaginipan ko ulit sya! Ibig sabihin gusto ko sya" at ganun nga ang ginawa ni tyronne natulog ulit ito at dinaan na lang lahat sa tulog.
BINABASA MO ANG
"D' Bad Brothers"
Ficção AdolescentePabebeng lovestory - CHECK Gwapong Gwapong bida - CHECK Light lang ang tama - CHECK - - Ayaw mo na! pero gusto mo pa - COBRA - - BASA NA MGA BES!