Chapter 30

46 1 0
                                    

Chris POV

Nagtext si Allen sabi nya hindi na daw nya ako mahahatid kasi may gagawin pa sya. Sus ang sabihin nya kasama lang nya yung Margarette na yun. Pero I don’t care magsama sila sa oras na nawala pagmamahal ko sa kanya pagpapalit ko sya kay Michi.

Ano ba tong pinagsasabi ko masyado talaga akong apektado kay Michi nakakainis talaga yung nangyari kanina napaka bilis kong bumigay napaka weak ko talaga!

“Chris hatid na kita” paglingon ko si Michi

“Hindi ok lang kaya ko naman mag-isa”

“Tara date tayo” hinila nya ako kaya may magagawa pa ba ako. Teka kung makapag-react ako parang wala akong BF noh!

“Saan tayo pupunta”

“Sa Mall” halla at talagang sasama nga ako hindi man lang tumanggi. Hayaan nyo na ang tagal ko ding pinangarap na makasama si Michi pagbigyan nyo na ako fulfillment of my dreams kaya toh!

SA MALL                 

“Saan tayo pupunta” tanong ko

“Akong bahala” tas hinila nya ako take note hinila means holding hands

“World of Fun??” tanong ko

“OO na miss ko dito” nakakatuwa akalain mo sa dami rami ng pupuntahan namin WOF pa.

At syempre since basketball player sya saan pa nga ba sya unang pupunta eh di sa Archade grabe ang galing nya talaga sulit na sulit yung token nya kasi ang tagal nya! Lagi nyang na memeet yung dapat na score tuloy tuloy lang sya sa pag shoshoot at walang palya yun ah! Dahil hindi pa sya game over mas lalo akong natuwa, ang dami na ngang taong nakatingin sa kanya eh.

Tapos ako mukhang tanga kakacheer. Kaso ang epic apat lang yung bola ang tagal pa bago bumaba eh ang taas na ng score ni Michi malapit nya ng ma beat yung high score at dahil may pagkaloka loka ang lola mo nag insert ako ng token sa isa pang archade tapos nung lumabas yung bola eh kinuha ko at nilagay ko kay Michi. Halatang nagulat sya

“Ayan para maraming bola”

“Pero bawal yun”

“Ok lang yan! Malapit mo ng ma beat yung high score! GO MICHI kaya mo yan” halla para akong tanga talon ng talon!

 Yung mga tao nawiwili din sa panonood. Pawis na pawis na si Michi pero tuloy pa din sya sa pag shoshoot. Wala talagang nimpis at ang cool kasi hindi nya na kailangang hintayin yung bola na bumaba kasi 8 na yung bola.

“Malapit na Michi 8 points na lang talo mo na yung highscore” yung mga tao nakikisigaw na din na eexcite sila kung mabebeat nga ni Michi yung highscore. Sus ang daming mga teenager na nakikitili din sus ang kikiri hindi ba obvious mas matanda si Michi sa kanila at hello may kasama po sya

“Hoy bakit nyo kinuha yung mga bola” sabi nung staff ng WOF

“Ok lang yan kuya babalik din namin! Wag kang magulo mapalit na ma beat yung highscore” paglingon ko OMG na beat nya na yung score 248 actually 250 na ang score ni Michi mas lalo akong naging O.A

“Go Michi kaya mo yan!” sigaw ko ang O.A kasi katabi ko lang naman sya

“Michi daw ang pangalan” bulong ng mga teenager sa gilid kaya lumingon ako at tiningnan sila ng masama yung tingin na parang sinasabi ko na akin sya back off.

“Yehey ang galing mo talaga!” tapos napayakap ako sa kanya habang hingal na hingal pa din sya yung yakap ko with matching talon talon pa yun

“Pssssttt ang daming tao Christina” bulong nya sa akin kaya binitawan ko na sya. Oo ang daming tao awkward moment!

"D' Bad Brothers"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon