The Break-Up (1)

430 14 3
                                    


IVAN:
hey, amarie. i think this is our end. i am breaking up with you. i am sorry. just... move on.

Maybe this is the 20th time that I've read this message.

Muli na naman akong napaluha nang mabasa ko iyan. 'Di ko lang naman talaga matanggap na nakikipagbreak na siya sa akin.

Almost 3 years rin kami. Tatlong taon naming pinagsamahan ang sinayang siya. Noong mga nakaraang linggo naman sweet pa siya sa akin, masaya pa kami at wala naman kaming naging prblema.

Napatingin ako sa orasan.

12:51 AM

Naalala ko tuloy noong una kaming nagkita. Nagka-banggaan kami. Ang corny, hindi ba?

Doon nagsimula ang lahat. Lahat ng mala-fairytale na love story namin, sa umpisa lang pala magaling. Ngayon alam ko na talagang wala kaming happy ending, na walang forever sa mundo.

Tumunog na ang alarm clock ko. Pagtingin ko sa orasan 7:00 na. Parang 10 minutes palang naman ako natutulog at hindi ko nga namalayan na naka-tulog na ako kakaiyak.

Ang sakit ng ulo ko. Mugto mga mata ko. Ayaw jo namang um-absent.

'Di naman sa nagmamayabang pero complete attendance ako since grade 1. Ewan ko ba sa katawan ko, hindi masyadong tinutubuan ng sakit at tuwing nagkakasakit naman ako saktong weekend o walang pasok. Ayos, no?

Napatingin ako sa cellphone ko.

Naalala ko naman. Naalala ko na naman iyong sakit ng isang simpleng mensahe na ipinarating niya kagabi.

Ano ba naman 'yan? Parang kanina lang, nagawa ko pang magmayabang!

Nagmadali akong maligo dahil male-late na ako. 8:00 ang simula ng klase namin at 7:15 na. Ilang minuto rin pala akong nag-emote.

Bumaba na ako at dumiretso sa kusina pagkatapos kong maligo, magbihis at mag-ayos. Nakita ko naman si Mama na naghahanda roon ng pagkain na pang-almusal ko.

"Oh, anak, ba't ganiyan ang itsura mo?" Sabi ni Mama, natatawa pa siya.

Napaiyak na naman tuloy ako. Kainis, kailan ba magtitigil ang mga luhang ito?

"Oh, ba't ka umiiyak?"

"Ma, kasi pinaalala mo pa." Pagmamaktol ko. Hindi ako makangiti kahit na ganoon ang sagot ko.

"Ano ba iyon?"

"K-kasi po, si I-Ivan. Ma, wala na k-kami." Sabi ko sabay kuha ng tissue sa lamesa, wala na akong paki-alam kahit na magaspang ito. Ang importante, mapunasan ko mga luha ko.

"Ano? Bakit daw?"

"Ewan ko po sa kanya.'' Sagot ko dahil sa totoo namang dahilan.

"Heto lang ang masasabi ko sa iyo, anak..." Inaantay ko ang susunod na sasabihin ni Mama.

"Ano po?" Tanong ko sa kanya nang tumagal.

"Hindi siya deserving para sayo." Ma, siya na mismo nagpa-mukha sa akin. Tumahimik na lamang ako at hindi sumagot.

"Anak, kaya mo bang pumasok?" Tumango ako.

"Opo naman po." Sagot ko.

"Sige, anak, basta huwag mong ipamukha sa kanya na hindi mo kayang wala siya. Ayos lang na masaktan, na maging mahina, dahil sa kahinaan na iyon, doon mabubuo ang iyong lakas para lumaban."

"Ma, tatlong taon rin kami!" Sa 3 years na iyon minahal ko siya. Wala akong ginawa kung hindi ay mahalin siya. Oo, sabihin na nating walang perpektong relasyon at nagkakaroon din minsan ng pagkakamali pero nalalagpasan namin 'yon dahil sa pagmamahal namin sa isa't-isa tapos bigla-bigla nalang siyang makikipag-break without telling me even the lamest reason.

The Break Up [12:51]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon