Amarie:
Anong oras na? 12:35. Hindi ako makatulog. Naalala ko na naman iyong usapan namin ni Ivan kahapon. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung anong mangyayari kung natuloy ang engagement ni Clyde at Ariela. Hindi pa rin naman tumatawag si Ivan. Hay... sana naman hindi.
Napabalikwas ako. Parang may narinig kasi akong gumalabog sa baba. Bumangon ako at unti-unting binuksan ang pinto. Kumuha ako ng bagay na pwedeng ipanghampas. Payong? Oo, payong. Puwede na 'to. Unti-unti akong bumaba ng hagdan pero nagtago ulit ako dahil narinig kong may galabog sa kusina. Magnanakaw? Pero bakit sa kusina?
Unti-unti akong bumaba sa huling baitang ng hagdan at naglakad patungong kusina habang hawak-hawak ang payong at handa na akong manghampas. Nagtago muna ako sa likod ng ref, habang nasilip. Wala akong makita. Dahil siguro madilim. Malamang.
Biglang may aninong unti-unting naglalakad palapit sa akin. Should I shout or what? I don't know what to do.
Hinanda ko na ang payong ko.
Nakakapagtaka nga lang, bakit wala akong marinig na footsteps? Woah!
"Shit!" palapit na ng palapit. Maygash! Kaya ko kaya siya? Tatawagin ko na ba si Mama? Hayst!
"M--!" hahampasin ko na bali ng payong ng makita kong wala namang tao.
"Meow-"
"Ay pusang kinalbo!" WALANGHIYANG PUSA ITO! PAPATAYIN AKO SA NERBIYOS, EH. LINTEK. Kaya pala sa kusina dumiretso. Magnanakaw ng lintek na isdang ulam namin kanina! Seriously? Nakakapagtaka lang. Bakit mukhang maayos naman 'tong pusa? Malinis ang gray stripes na balahibo niya at walang kadungis dungis. Halatang inaalagaan ng may-ari. Hays. Ang tagal ko nang gustong magkaroon ng ganitong pusa eh. Kaso, kung inaalagaan siyang mabuti, bakit heto at naandito sa amin? At bakit dumudukot ito ng isdang inulam namin kanina?
Biglang tumakbo ang pusa palabas. Ayaw niya bang may mag-alaga sa kanyang diyosang katulad ko? Sinundan ko ang pusa sa bakuran naming at pagkalabas ko ng pinto (na ipinagtataka ko kung bakit nakabukas) nagulat ako.
"Surprise!"
Clyde:
"...basta ako ang bestman Clyde, ah!" napatingin ako ng matalim kay Ivan. Ano raw sabi niya? Siya raw bestman? Saan? Sa kasal namin ni Ariela? Pucha! So, nagkabalikan na sila ni Amarie? Wala na talaga akong pag-asa? Wala nang rason para lapitan ko pa ulit siya? Pucha naman talaga, oh.
"Bro, 'wag mo naman ako samaan ng tingin." Kumuyom ang kamay ko. Sinasabi ko sa inyo, 'pag nagsalita pa itong siraulong 'to, masasapak ko na.
"Bro, congrats." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napatayo ako. Nagulat naman ako ng bigla siyang tumawa.
"What the fudge, bro?" Hindi pa rin siya tumigil kakatawa. "So epic. Easy lang." 'di ko parin tinatanggal ang sama ng tingin sa kaniya pero umupo na ako muli.
"Hey, you two. Stop it! Where have you been ba, ha, Ivan?" sabi ni lolo.
"Kinausap ko po si Amarie." Saka ngumisi. Sasapukin ko na kaya 'to. Patience, Clyde, patience. 'Di ba meron ka niyan? Nagawa mo ngang antayin si Amarie at 'di ka napagod sa pagmamahal sa kaniya, eh.
"Oh! What happened? You love her right?" Kaya mo talaga yan Clyde.
"Yes, lo. I love her. Maayos na kami." The heck. Kailangan pa ba talaga niyang sabihin sa akin ng harapan.
"So, kayo na ulit?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at naitanong ko na 'yon sa kanya. Napangiti naman siya. Or should I say, ngisi.
"Hindi." Nagulat ako sa sinabi niya. Tumingin ako diretso sa kanya at kahit nakangiti siya, halata pa rin ang sakit.