🎵
And I saw you with her
Didn't think you'd find another
And my world just seem to crash
Shouldn't have thought that this would last
🎵
Naglalakad ako ngayon sa corridor at kasama ko si Cass. Katatapos lang ng break time at pabalik na kami ngayon sa classroom namin.
Naalala ko na naman yung mga sinabi ni Ivan kanina.
Ano ba 'yan? Pinangako ko kanina kay Cass na magmo-move-on na ako at kakalimutan ko na naging kami ni Ivan. Mugto na rin ang mata ko kakaiyak.
Habang nasa daan kami papuntang room, may nakita akong dalawang tao na nagtatawanan sa isang gilid.
Nakaka-inggit!
Nako, Amarie. Talagang na-inggit ka pa?
At mas lalong sumama ang pakiramdam ko nang makita ko na si Ivan 'yon--kasama ang isang babae.
Muntikan na naman akong napaiyak. Buti nalang at nauso ang pagpapanggap at pagpigil.
"Tara na. Hayaan mo na siya." Narinig kong sabi ni Cass. Hindi na ako muling tumingin pa sa dalawa. Masasaktan lang ako. Oo, masasaktan lang talaga ako. Buti alam ko, ano?
Napaisip ako.
Ivan, ayaw mo na ba talaga sa akin? Kaya mo ba ako pinagpalit sa iba?
Hello, Amarie, tanga ka talaga. Halata naman, eh. Hahanap ba naman siya ng iba kung hindi ka niya mahal?
Tumingin ako sa relo ko.
12:51 PM
Napapansin ko lang, ah, ba't parang kagabi pa laging tumatapat sa 12:51 ang mga masasakit na bagay tungkol kay Ivan?
Huminga ako nang malalim at pinagpatuloy ang paglalakad ko.
"Aray!" Sigaw ko sa dala ng pagkabigla. May nabangga ako. Nako naman kasi, Amarie. Hindi tumitingin sa dinaraanan. Nahulog pa yung dala kong gamit.
"Sorry!" Sabay naming saad ng lalaking nakabangga ko habang pinupulot yung mga gamit kong nalaglag.
Napatingin ako sa kanya, nakatingin din pala siya sa akin. Nginitian niya ako at doon ako napatitig sa kaniya. Ang gwapo niya.
"Ah, heto pala ang mga gamit mo." Doon ako natauhan. Binigay niya mga gamit ko tapos nginitian ako.
"Thanks!" Sabi ko with a smile. Alangan namang hindi ako magpasalamat hindi ba?
"Uy, Amarie tara na magta-time na, oh!" Sabi ni Cass sabay tingin sa orasan niya. Napatingin din ako sa orasan ko. Oo nga, limang minuto nalang. Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko at nagpaalam. Tumango naman soya at ngumiti.
Sumabay na ako kay Cass at nagtanong sa kaniya. I'm a bit curious about him. Hindi kasi ako masyadong pamilyar sa kaniya.
"Hey," lumingon naman sa akin si Cass. "Kilala mo ba 'yon?" Tanong ko sa kaniya.
"Ah, oo, sikat iyon dito sa school. How come na hindi mo siya kilala?" Sagot niya sa akin na ikinabigla ko.
"Hindi ko alam." Sagot ko nalang.
"Nasaan ba kasi ang mundo mo for past three years?" Natatawang tanong niya. Alam naman niya ang sagot, tinanong pa niya.
"'Dunno." I said saka dumiretso sa pinto ng classroom.
![](https://img.wattpad.com/cover/90688430-288-k679674.jpg)