Realization
Amarie
Habang naglalakad palayo si Clyde, di ko alam kung bakit parang pinipiga ang puso ko. Kinakabahan?
"Amarie..." napatingin ako sa taong nasa harap ko. Andito nga pala ito.
"Anong kailangan mo?" malamig kong sabi sa kaniya.
"Amarie, sorry. Sorry. Sorry." nakita kong may luhang lumalabas galimg sa mata niya. Unti-unting lumambot ang puso ko. Ayaw kong nakakakita ng mga taong malapit sa akin na umiiyak dahil ito ang nakakapagpahina sa akin.
Tandaan mo ito Amarie, alam 'yan ni Ivan kaya malamang nagpapaawa lang 'yan sa 'yo.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang sinasabi niya ang mga katagang iyon, hinihintay na magsalita ulit. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sorry? Nasaktan talaga ako, eh.
"Amarie, m-mahal na mahal kita. Please tayo nalang ulit. Please. Sorry talaga." Hindi ko na kinaya. Bumigay na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Amarie, I'm sorry. Ang tanga-tanga ko. Nagpadala ako sa utos ng mga magulang ko." Bumaba ang tingin ko sa lupa. Bakit parang wala nalang sa akin ang mga sinasabi niyang iyon? Mas nasaktan pa ako sa biglang paglalakad palayo ni Clyde, eh.
"Mahal na mahal pa rin kita Amarie. Please. Please." Lumuhod siya.
"Tumayo ka nga riyan." sabi ko sa kaniya. Kumurot ang puso ko nung bigla siyang tumunghay at tumingin sa akin habang nakaluhod. Kitang-kita sa mukha niya ang luha. Makita ko lang siyang lumuluha bumibigay ang puso ko.
"Amarie, mahal mo pa ba ako?"
Clyde...
Natigilan ako sa biglang tanong ni Ivan sa akin. Bakit biglang pumasok sa isip ko si Clyde?
"Amarie... mahal na mahal kita. Alam kong ayaw mo nang mapakinggan itong mga sasabihin ko pero sana makinig ka," tumayo siya at hinila ako sa isang parte kung saan kakaunti lang ang mga tao.
"Nagkasundo ang pamilya namin ni Ariela. Gusto ng lolo ko na ang isa sa mga apo niya ang magpapakasal kay Ariela. Kami lang ni Clyde ang apo niyang lalaki. Ngayon, ako ang napili. Ginawa ko ang lahat, n-nagmakaawa ako na si C-clyde nalang. Hindi pumayag ang lolo ko. Paborito niya si Clyde at gusto niyang malaya ito."
"Ano pang dahilan ng pagsasabi mo sa akin nito, eh, wala na tayo. Nakipag-hiwalay kana."
"Sinasabi ko ito sa iyo ngayon dahil binigyan ako ng chance ng pamilya ko dahil kay Clyde. Humiling si Clyde na siya nalang ang ipakasal. Alam kong malapit na kayo ni Clyde sa isa't-isa at hindi mo siguro maiiwasan na magustuhan siya. Siguro nga may gusto na sa kaniya. Willing naman akong ipaubaya ka sa kaniya. Mahal ka niya." Si Clyde... siya ang magpapakasal? Parang 'di ko ata kaya 'yon. Gusto ko na si Clyde. Sa sinabi sa akin ngayon ni Ivan, parang may something sa akin na gustong hanapin si Clyde ngayon. 'Di ba tinutulungan niya ako magmove-on at nang siya na ang pumalit sa puso ko pero bakit niya yun ginawa kung kailan unti-unti nang napapalitan ang nasa puso ko?
"Amarie, m-mahal mo pa ba ako? Napalitan na ba ni Clyde ang pangalan ko sa puso mo?" Naiyak na naman ako. "Itutuloy ko ba ag pagpapakasal kay Ariela at ipaubaya nalang kita kay Clyde?" Hindi ako sumagot sa mga tanong niya.
"A-alam kong sobra na ang sakit na naibigay ko sayo. Tanggap ko na. Mahal mo na siya." Napatingin ako sa kaniya.
"Paano mo naman nasabi?"
"Hindi ka iiyak ng ganyan kung hindi. Kilala kita. Iba ang iyak mo kanina sa iyak mo ngayon. Kaya Amarie pasensya na sa lahat. Tandaan mo mahal kita." Hinawakan niya ng mukha ko at saka siya tumalikod at umambang maglalakad na palayo.
"Sorry..." bigkas ko. Natigilan siya at unti-unti siyang humarap sa akin.
"Para saan?"
"Hindi ko alam." natawa ako.
"Tsk. 'Di ka pa rin nagbabago." Ginulo niya ang buhok ko.
"Alam mo ba na napakamalas ng oras na 12:51 para sa akin? Tignan mo ang oras ngayon," natawa ako. "12:51. Narealize ko naman na mahal ko na nga si Clyde." ngumiti siya sa akin. Ngiting may halong sakit.
"Puwede bang humingi ng isa pang hiling?"
"Ano?"
"Goodbye kiss." Nabatukan ko siya sa sinabi niya.
"Bakit aalis ka?"
"Biro lang. Itoo naman. Friendzoned na nga lang ako ngayon. Sabihin mo lang sa akin kung sasaktan ka ni Clyde ah. Ihahampas ko sa kaniya iyong gitara niya." Nabatukan ko ulit siya.
"Pero seryoso, hindi ka sasaktan 'non," saad biya nang nakangiti. "Mauuna na ako, ah. Baka biglang i-cancel yung arrengement sa amin ni Ariela. Sige ka, ikaw rin magsa-suffer." sabay tawa niya.
"Thank you." at saka ko siya niyakap.
"Oy, teka. Gusto mo bang maipakasal sa iba si Clyde?"
"Siyempre, hindi." Sagot ko.
"Sige, kunwari hindi ako nasaktan," napasimangot ako nang tumawa siya ng pilit.
"Sorry naman. Lumayas ka na nga. Uuwi na rin ako. Wala na rin naman akong mapapala dito."
"Grabeng pantataboy. Masakit, ah. Last thing, bridesmaid ka, ah. Bye." tsaka siya nagtatakbo paalis. Bridesmaid saan? Sa kasal nila ni Ariela o sa kasal ni Ariela at ni Clyde. Masasapok ko siya.
Clyde
Hindi ako lumayo kina Ivan at Amarie na naguusap ngayon. Kitang-kita ko ang tawanan nila. Siguro masaya na ulit sila. Wala na talaga akong silbi.
Umalis na ako sa pinagtataguan ko at dumiretso sa isang restaurant na sinabi ni lolo na puntahan ko.
"Oh, apo, andito ka na pala." Bati sa akin ni lolo pagkakita sa akin sa labas ng restaurant.
"Hindi 'lo, hologram ko lang ito." saka ngumiti ng pilit.
"Umayos ka ng sagot kung ayaw mong maihampas ko 'yang gitara sa 'yo."
"Lo naman, mahal 'tong gitara, eh," sabi ko at saka tumingin-tingin sa paligid.
"Ako naman nagregalo sayo niyan. Ibili pa kita ng bago pagkahampas ko."
"Inihampas mo pa 'lo," saka ako ngumiti ng pilit.
"Umupo ka na nga. Antayin nalang natin si Ivan." Kahit kailan talaga yang Ivan na yan, pa-special! Nasa kaniya na nga si Amarie, eh.
Buti nalang tanggap ko na ngayon na hanggang magkaibigan nalang kami ni Amarie. Masakit man pero kakayanin.
"Nasaan na ba kasi 'yang pinsan mong si Ivan?" Tanong ni lolo. Paguusapan kasi namin ngayon iyong tungkol sa arrangement. Kung sino sa amin ang magpapakasal kay Ariela. Panigurado namang ako na 'yon, eh. Pero subukan lang niya ulit saktan si Amarie, 'di ako magdadalwang isip na bawiin si Amarie sa kaniya.
"Masyado ka naman atang seryoso ngayon, bro," napatingin ako sa nagsalita sa gilid ko. Si Ivan, nakangiti nang malapad.
"Masyado ka naman atang masaya ngayon," sabay ngisi sa kanya.
"Wala lang. Simulan na nga natin lo. Basta ako bestman Clyde, ah."