Feeling Comportable with Him
Amarie
Halos tatlomg linggo na kaming magkakilala, or should I say, magkasama ni Clyde at masasabi kong siya ay masaya kasama. Palabiro siya at maloko, hindi pa nauubusan ng kuwento.
Sa mga panahong iyon, unti-unti ko nang nakakalimutan si Ivan, hindi na siya pumapasok sa isip ko at para bang nag-iba na ang ihip ng hangin.
"Tara?"
"Ah, oh, sige," sagot ko nalang.
Naglakad na kami papunta sa isang park. Sabi niya, magde-date daw kami. Dala-dala niya iyong kaniyang gitara. Lunch date. Alas-dose na nh tanghali ngunit dahil Pebrero na ngayon, hindi na ganoon ka-init.
"Doon tayo, oh," turo ni Clyde sa puwestong mapuno at mukhang maganda ngang tambayan.
Ibinaba namin yung mga gamit namin. Naglatag kami ng blanket para roon kami umupo at nang maka-kain.
Pagkalatag namin, umupo na kami sa blanket. Pinakiramdaman ko ang ihip ng hangin. Sariwa at hindi amoy usok. Grabe, ang sarap. Buti nalang talaga hindi pa masyadong nadidiskubre itong lugar na ito kaya kakaunti lang ang tao. May isang pamilya lang at may mga magkasintahan na sa tingin ko ay nagde-date.
"Amarie, makinig ka," napatingin naman ako kay Clyde nangg bigla-bigla siyang nagsalita.
Nagsimula siyang tumugtog ng gitara at narecognize ko agad yung kung anong kanta iyong tinutugtog niya. Isa ito sa mga paborito kong pinapakinggan na kanta, eh.
'Lift your head,
Baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try.'
Namangha ako sa ganda ng boses niya. Malamig at malalim pero may pagka-lambing. Ang sarap pakinggan.
'Baby you don't have to worry
Coz there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way'
Gusto kong magpasalamat kay Clyde dahil sa kaniya, hindi ako tuluyan nilamon ng kalungkutan, dahil sa mga patawa niya 'di ko maiwasang isipin na baka nahuhulog na ako sa kaniya kaso alam ko sa sarili kong hindi pa ako handa, 'di pa ako handang magmahal uli.
May parte sa utak ko na iniisip kung paano 'pag ako ay nasaktan na naman dahil kay Clyde. Hindi ko ito masabi kay Clyde dahil naga-alangan pa ako sa nararamdaman ko, may parte pa sa puso ko si Ivan, mahal ko pa si Ivan sa kabila ng pananakit niya sa akin.
Bakit ganun? Akala ko kapag nasaktan ka ng taong mahal mo, mawawala na ang nararamdaman mo para sa kanya. Ngayon ko lang narealize na napakababaw pala ng paningin ko sa 'love'.
"Amarie, kain ka muna, oh," sabi niya sabay abot sa akin ng cheesecake.
"Salamat." Sabi ko sa kanya tsaka ko siya nginitian. Bakit ganun? May nakikita akong lungkot sa mga mata niya. Ilusyon ko lang ba ito o tama ung nakikita ko sa mga mata niya?
"Amarie..." sabi niya na medyo bulong.
"Hmm?" Sabi ko sabay subo.
"Ano kasi... uhm... wala pala." Alam kong may something sa sinasabi niyang yun. May gusto siyang sabihin sa akin pero pinangungunahan siya ng pagaalinlangan.
Tumango ako sa kanya para kunwaring ayos lang at walang problema sa akin kung hindi man niya ituloy yung sasabihin niya pero bumabagabag pa rin sa aking isipan kung ano man yung sasabihin niya.
Sandali kaming nanahimik. Walang ni-isang nagsasalita. Sa inaakto palang namin na ganito, alam kong may problema siya. Siya lagi ang nagi-initiate ng usapan. Ayaw niyang mananahimik ako dahil baka daw pag tahimik, maalala ko na naman si Ivan. Tinutulungan niya akong magmove-on kahit hindi naman ako humuhingi ng tulong.
Bakit ang tahimik niya ngayon? Hindi ako sanay. Alam niya kasi kapag tahimik ako, may iniisip ako. Siguro sa tingin niya iniisip ko si Ivan pero hindi. Iniisip ko ang kung ano mang bumabagabag sa kaniya.
Oo, may gusto na ako kay Clyde. Kumportable ako kapag nasa tabi niya ako. Pakiramdam ko protektado ako kapag kasama ko siya. Pinaramdam niya sa akin na karapat-dapat siya sa puso ko. Tinutulungan niya akong maka-move on kay Ivan na mukha nalang akong estranghero kung ituring.
Kung may switch lang sana ang utak at puso ko, sana matagal ko nang ipinalit si Clyde sa puso ko pero alam kong hindi puwedeng mangyari iyon. Isang kadayaan. Kung may ganoon nga ay sana wala nang nasasaktan
It takes time to move on. Hindi iyon basta-bastang nangyayari na para bang sa ngayon ay iniisip kong gusto ko nang magmove-on at kinabukasan, move-on na ako. Kung maari lang sanang ganun eh. Pero wala talaga tayong magagawa, kailangan pa rin natin tiisin ang lahat ng hirap at sakit bago tayo matuto na kung saan matutulungan tayong makamove-forward sa mga pangyayari at nakahanap ng totoong makakapagpasaya sa atin.
"Anong iniisip mo?" Napatingin ako kay Clyde "Ay mali... sino pala? Tsk. Tinanong ko pa alam ko naman na" Hindi ko masyadong narinig yung huli. Halata sa boses niya ang pait. Alam niya siguro ay si Ivan na naman ang iniisip ko.
"Ikaw," straight to the point kong sagot. Napaharap naman siya sa akin.
"Ha?" Ngumisi ako. Niyakap ko yung dalawang binti ko at inilagay yung ulo ko sa pagitan nun. Kumuha ako ng maliliit na bato sa may tabi at ibinato ito isa-isa.
"Ikaw ang iniisip ko. Tahimik mo kasi, hindi ako sanay." Unti-unti akong humarap sa kanya. Napangiti nalang siya pero napansin ko ang lungkot sa kanyang mata.
"Tch. Wala lang. Iniisip ko kasi kung paano kung..." napakunot yung noo ko kasi pabitin pa, eh.
"Kung?"
"K-kung biglang bumalik sa iyo si Ivan at sabihing m-mahal ka pa niya?" Mas lalong lumungkot ang mukha niya. Napangisi ulit ako sa hindi malamang dahilan.
Napaisip ako, paano nga kaya?
"Hindi ko alam. Pero 'pag nangyari 'yon, ipapaalala ko sa kaniya kung gaano ako naghirap noong mga panahong wala siya. Magpapa-'hard-to-get' para maranasan din niya iyong sakit. Hindi naman ibig-sabihin na kapag sinabi niyang mahal pa niya ako ay babalik na agad ako sa kaniya. Nasaktan din ako. Pero imposible nang mangyari iyon kaya mag-momove on na ako. Hindi na ako naasa pa."
"Para sa iyo imposible pero posible." Hindi siya nakatingin sa akin pero alam kong may pinanghuhugutan lahat nang sinasabi niyang iyon.
Muling humarap sa akin si Clyde at nginitian ako. Yung makahulugang ngiti. Naga-alinlangan ako pero sinuklian ko yung ngiti niya.
"Amarie..." narinig kong may tumawag sa akin mula sa likuran. Tumingin muna ako kay Clyde na ngayon ay umigting ang panga at yung malungkot na mata ay biglang naging galit.
"Anong ginagawa mo dito?" Matigas at malamig na sabi ni Clyde na siyang ikinatingin ko sa likod. Nanlaki ang mata ko. Posible ba talaga ang sinasabi ni Clyde? Ayaw kong umasa. Ayaw ko nang masaktan. Ayaw ko nang makasakit.
"Puwedeng bang makipag-usap kay Amarie?" Pinaningkita ko siya ng mata. May hindi pa ba siya nasasabi sa akin? Ano pa ba ang dahilan ng pakikipagusap niya? Yung hindi niya sinasabing dahilan kung bakit siya nakipag-hiwalay sa akin? Wala na akong pakialam doon. Nagmo-move on na 'di ba?
"Paano kung ayoko?" Matapang na sagot ni Clyde. Mas lalo kong naramdaman ang pagmamahal ni Clyde sa akin.
"Clyde, please, sandali lang." Pakiusap ko kay Clyde. Tumango si Clyde at unti-unting naglakad palayo sa amin. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa paglalakad palayo ni Clyde.
Pinapangako ko ito na ang huling beses na makikipagusap pa ako sa kaniya.