IVAN
Nandito ako sa may park, nakatingin sa isang babae. Oo, maganda siya. Wala akong ibang masabi.
Madalas ko siyang napapansin dito pero kadalasan sa tuwing nakikita ko siya rito, mukha siyang malungkot. Minsan nga'y umiiyak pa. May problema siguro. Family problem? Friends? Lovelife? I hope it isn't the latter.
Unang kita ko pa lang sa kaniya rito sa parkeng ito, taon na rin ang lumipas, nagandahan na talaga ako sa kaniya. Pero sa kasamaang palad nga lang, wala akong lakas ng loob na lumapit sa kaniya. Weak. Kapag kasi sa kaniya, nawawalan ako ng confidence. Mukhang tinamaan ako, eh. Hindi pala 'mukha'. Tinamaan talaga!
Mas maganda siguro siya 'pag ngumiti. Hindi ko pa kasi siya nakikitang ngumiti eh.
Binalingan ko ulit siya ng tingin. Nakita kong naiyak na siya. Tumingin-tingin ko sa paligid at baka may kasama siya pero sa kasamaang palad pa nga'y, nakita ko yung pinsan ko. May naalala tuloy ako. Bumaling ulit ako sa babae. Lalapitan ko na sana yung babae nang bigla nalang siyang tumayo at naglakad patungo sa may side walk.
Paalis na siya. Sayang!
Umalis na ako sa lugar na iyon nang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Hayaan ko na nga. May next time pa naman. Next time, 'di na talaga ako mahihiya. Pangako!
'Pag nakita ko siya muli sa mismong lugar na ito, hindi ko na sasayangin ang pagkakataon ko.
•••
After one week, bumalik ulit ako sa parke. Siyempre, dala ang sarili ko na umaasa na makikita ko ulit siya.
Tumingin-tingin ako sa paligid habang naglalakad at nagdadasal. Kapag hindi ko siya nakita ngayon, aaraw-arawin ko na pagbalik ko rito.
"Aww!" Napatigil ako sa paglalakad nang may nakabangga ako. Sa sobrang pagdadasal ko, hindi ko namalayan na may makakabangga na pala ako.
"Sorry!" Paghingi ko ng paumanhin. Nagulat ako nang pag-angat ko ng paningin ay ang taong hinahanap ko ang nakita ko.
Hindi ko na pala kailangang magpabalik-balik pa!
"Hindi. Ako dapat ang humingi ng paumanhin. Kasalanan ko naman, eh." Sabi niya. Sa 'di inaasahang pagkakataon nga naman, oh. Dininig ni Lord ang aking mga panalangin. May ginawa ba akong nagustuhan Niya kaya binigyan Niya ko ng ganito ka-gandang kapalit?
"Ah, hindi okay lang." Palakasan na ito ng loob. "Ivan nga pala, pwedeng samahan muna kita. Mukhang wala ka sa mood eh." Nginitian niya ako. Ang ganda niya talaga. Mas gumanda pa siya nung ngumiti siya.
"Ahm, sige. Amarie nga pala ang pangalan ko." Sabi niya. Amarie pala ang pangalan niya. Bagay sa kanya.
Bago kami maglakad, nakita ko ang pinsan kong si Clyde na nakatingin sa amin.
Nagbalik ako sa reyalidad nang may kumaway sa harap ko.
"Hey, Van, kanina pa kita kinakausap. Hindi mo naman ako pinapansin. You are spacing out." Sabi ni Ariela habang nakakunot ang noo.
"'Wag mo nalang ako pansinin, tara kain na tayo." Sagot ko at saka nauna nang naglakad. Tapos na naman ang pagpapanggap.
AMARIE
Nakatingin ako kay Ivan at Ariela. Nagtataka lang ako kung bakit niya iniwan si Ariela nang ganun-ganun lang. Ako naman dati, eh, hindi niya ginaganun at iniiwan basta-basta. Oo nga pala, sa akin na mismo galing.
"Amarie, tara na." Narinig kong sabi ni Clyde. Siya ang kasama ko ngayon, eh.
"S-sige." Sabi ko. Dumiretso kami sa Garden ng school. Doon nalang kami tatambay tutal maaga pa na man.