~SOME PEOPLE don't believe forever. Some people think that its just a words full of shits but Klaire didn't agree with that, she still believe in forever, how many struggles will come, she'll always believe that there is a lifetime love.
Love is a dangerous thing and Klaire is willing to take a risk.
Seventeen years old siya ng minahal niya ang lalaking nagngangalang Raven Cross Hauxford. A forty year old successful businessman. Hindi niya alam kung bakit o paanong minahal niya ang lalaking iyon gayong hindi naman niya ito lubusang nakilala but then, she just fell in love.
Ang mas nakakatawa pa, sa billboards at magazines niya lang naman nakikita ang lalaki. It may sound amusing but she fell in love. She fell for him the first time she looked into his eyes at the pictures. Those powerful eyes yet so lonely, so incomplete.
Sabi niya sa sarili niya, gagawin niya ang lahat para makita ng personal ang lalaking matagal na niyang hinahangad na maging kanya. Wala siyang pakialam kung may anak man ito sa iba't ibang babae, as long as wala itong asawa, aasa siya na may pag asa pa siya.
Age doesn't matter to her, mahal niya si Raven at alam niya sa sarili niya na ito na ang una't huling lalaking mamahalin niya.
And after five years of waiting, mukhang matutupad na ang kagustohan niyang makilala ng personal ang lalaking inibig niya ng palihim.
“Totoo ba talaga, Ara?! Magtatrabaho ako bilang nurse niya?!” Tanong niya sa matalik na kaibigan niyang nagbahagi sa kanya ng magandang balita.
Ngumiti ito sa kanya at saka tumango. “Oo, naghahanap kasi si Zol ng magbabantay kay Tito Raven, naalala ko na licence nurse ka kaya nirekomenda kita.”
Niyakap niya ng mahigpit ang kaibigan. Grabe iyong tuwang nararamdaman niya ngayon. Nag uumapaw. Finally, after five years! Makikita na niya ng personal ang lalaki.
Makikita na niya si Raven Cross Hauxford.
“Pero Klaire, magiging private nurse ka niya ha? At medyo strikto si Sir William iyong isa niya pang anak. Kaya magbehave ka doon. Hindi naman ako parating naroon. Alam mo namang abala kami ni Zol para sa kasal namin.”
Zol Croix Hauford is Ara's fiance, matagal na raw magkasintahan ang dalawa pero hindi niya pa rin nakikilala iyong si Zol. Hindi naman daw kasi ito palakaibigang tao, ni wala nga siyang alam tungkol dito. Sa lahat ng mga anak ni Raven, itong si Zol ang nakikita niyang pinaka-misteryoso. Hindi niya nga alam kung paano ito nagustohan ng kaibigan niya.
Wala talaga siyang alam.
Hinawakan niya ang kamay ni Ara. “Ara, sigurado ka bang pakakasalan mo iyon? Hindi ko pa siya nakikilal ng personal, baka naman..”
“Baka naman ano?” nginitian siya nito. “Ikaw nga minahal mo ang Daddy niya pero hindi kita hinusgahan, mabait na tao si Zol, siya ang tumulong sa mga magulang ko.”
Right. Ito naman ang madalas na sinasabi ni Ara sa kanya. Na kung pangarap niya ay ang makita ng personal si Raven Hauxford, si Ara naman ay maikasal sa lalaking nag ngangalang Zol,
Ito raw kasi ang tumulong sa pamilya nito noong na-bankrupt ang kompanya nila Ara doon na siguro nagsimula ang love story ng dalawa.
Siya naman ay pinanganak ng hindi mahirap pero hindi naman mayaman, nasa middle lang kumbaga. Nakatapos siya bilang nurse. Ang kanyang ina nalang ang natitira niyang pamilya dahil wala naman siyang kapatid at matagal patay ang kanyang ama.
Everything in her life is so simple,
But she knows that it will change once she stepped in to Raven Hauxford's mansion.
Everything will change.
Specially when she met his sons.
BASTARD SERIES
DANGERA/N: Slow update po ito hangga't hindi ko pa natatapos ang BES :) Thank you torts! Another story to wait <3