Danger #6

7.8K 244 77
                                    

~

HINDI alam ni Klaire kung paano ba siya lalabas ng kanyang silid. Hindi niya gustong makita si Raven ngayon dahil nahihiya siya matapos ang mga nasabi at naamin niya kagabi. Isa pa, hindi niya rin kayang makita si Zol at Ara! My God! Paano niya tititigan sa mga mata ang matalik niyang kaibigan knowing ang mga naganap sa kanila ni Zol kagabi, muntik na! Muntik na siyang bumigay, muntik na siyang magpadala sa nararamdaman niya. Mayroon nga ba? Hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya, pakiramdam niya kailangan na niyang pagsisihan ang pagpunta niya sa lugar na ito.

Focus, Klaire. Sino ba ang pinunta mo dito? Hindi ba't si Raven? Inalok ka na niyang pakasalan kaya bakit mo hinahayaan ang sarili na maapektohan kay Zol? Walang duda, walang dapat kwestyonin sa pagmamahal na mayroon siya kay Raven, nadala lang talaga siya sa mga kinilos ni Zol kagabi.

Tama! Hindi niya sinasadya, si Zol lang...

Napapitlag sa gulat si Klaire nang makarinig siya ng pagkatok sa pinto ng kanyang silid. Bigla siyang kinabahan, baka si Ara iyon, o baka nama si Raven or worst baka si Zol!

"Nurse Klaire? Nurse Klaire?" Tawag sa kanya ng pamilyar na boses ni Mr. Gong-gong.

Kaagad siyang tumayo sa kama at inayos ang parang pugad ng ibon niyang buhok. Kagigising niya lang kaya huwag kayong magtaka kung bakit hindi pa siya nakakapag ayos ngayon. Maaga pa naman 6AM pa lang ng umaga. Hinahanap kaya siya ni Raven o baka naman may nakakita sa kanila ni Zol kagabi? ANO BA?!!!! Gulong gulo na ang isip ni Klaire at para na siyang mababaliw sa mga nangyayari. OH! Please help her God.

"Nurse Klaire?" Muling tawag ni Mr. Gong-gong kaya nagmadali na siyanglumapit sa pinto at binuksan iyon. Bumungad sa kanya ang nakangiting Mister. "Good Morning Nurse Klaire, please join this girls and let them serve you." Magalang na sabi nito sa kanya.

"H-ha??" Parang tangang sagot niya sa Ginoo,

Muli itong ngumiti sa kanya. "Nurse Klaire, Sire Raven said that from now on, let this girls serve you and accompany you to whatever you wanted to do, they're your personal maids."

"H-ha?" Muling tanong niya at saka bumaling sa anim na babaeng nakayuko sa harapan niya.

Tumikhim si Mr. Gong-gong kaya bumaling siyang muli ng tingin dito. "And from now on, you're not sleepin in this room. Ipapalipat na namin ang lahat ng gamit mo sa connected room ng Master's bedroom."

"Miss Klaire, please come and join us, handa na po ang pampaligo niyo."

Hindi na siya nakapagsalita pa, ni hindi nga siya makagalaw sa kinatatayuan niya para bang nagkaroon ng super glue ang tsinelas niya at nabato na siya sa kinalalagyan kung hindi pa siya bahagyang tinapik ni Mr. Gong-gong ay hindi pa siya makakakilos ng maayos.

Wala sa sariling sumunod siya sa mga ito hanggang sa nakarating sila sa ikalawang palapag at papasok sila sa Master's bedroom pipigilan niya sana ang mga itong buksan ang pinto ngunit huli na ang lahat dahil nabuksan na iyon, hinayaan siya ng mga itong unang pumasok kahit na ang bigat bigat ng mga paa niya. Busangot ang kanyang mukha na pumasok sa loob, actually nakayuko pa nga siya.

"What are you doing?"

Sa gulat niya ay mabilis siyang nag angat ng tingin at nakita niya si Raven na nakaupo sa kama habang may hawak hawak na libro. "Ah... eh... a-ano bang na-nangyayari?"

Raven smiled, natunaw ang puso niya. "You agreed on marrying me, Klaire akala ko ba na-settle na natin ito kagabi? Sasama ka sa akin sa breakfast kasama ang mga anak ko. Be ready before 8."

"Teka lang!" Biglang sabi niya, tinitigan naman siya ni raven at tila hinihintay ang sasabihin niya. "K-kailangan k-ko m-munang sabihin kay Nanay iyong k-kasal."

Bastard Series #1: DANGER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon