~"ARA, kilala mo bang talaga si Zol? Sigurado ka bang pakakasalan mo siya?! Para kasing ano..." Napabuntong hininga si Klaire bago ibinagsak ang sariling katawan sa kama niya. Kanina niya pa pinag papraktisan kung paano niya ba tatanongin ang bestfriend niya tungkol sa lalaking mahal nito.
Iba kasi talaga ang pakiramdam ni Klaire kay Zol, lalo na ng ilang beses niya itong nakasalamuha. Ilang araw pa lang siya rito pero iba na ang ipinapakita nito sa kanya. Hindi nga niya maintindihan kung ano ba ang mga pingsasabi nito sa kanya kanina. Sadyang hindi lang talaga siya makapag focus dahil sa nakakahipnotismo nitong mga mata.
Bumangon si Klaire at ginulo ang kanyang buhok. "MAYA! ano bang nangyayari sayo?! Bakit mo ba iniisip si Zol? Geez! Magpahinga ka na nga para maganda ka bukas sa harapan ng forever mo."
Raven, Raven, Raven, enebe! Iniisip niya pa lang na magtatagpong sila muli kinaumagahan ng boss niya ay kinikilig na siya. Nawawala bigla ang intesidad na naraarmdaman niya sa tuwing nakikita niya si Zol. Isa pa si William, mabuti na lang talaga at wala ang isa pang anak ni Raven dito at iyong panganay, kundi ay hindi na niy alam kung ano ba ang dapat niyang gawin.
Kinaumagahan, inayos nang muli ni Klaire ang mga gamot ni Raven maging ang agahan nito. Sabi ni Mr. Gong ay nasa library daw ang boss niya kaya doon niya na lang daw ihatid ang mga kailangan nito. Iyon naman ang ginawa ni Klaire, kumatok muna siya sa pinto bago pumasok sa loob. Nadatnan niya si Raven na nakupo sa swivel chair nito habang seryosong nagbabasa sa mga papers sa harapan nito. Mukhang may bagong labas na produkto ang kompanya nila.
"Good morning Sir Raven." Masayang bati niya rito.
Nag angat ito ng tingin sa kanya at ngumiti. "Good morning Nurse Klaire."
Halos mabuwal si Klaire sa kinatatayuan niya, isang ngiti lang talaga ng boss niya sa kanya ay halos natutunaw na ang mga lamang loob niya sa kiligf. My God! Bakit ang gwapo gwapo ng nilalang na ito? Isa pa'y wala naman talaga sa itrura ang tinitingnan niya, ang totoo'y minahal niya lang talaga ang boss niya kahit na noon pang hindi niya pa ito nakikita sa personal.
Inayos na ni Klaire sa mesa nito ang mga gamot at pagkain nito. Hindi niya maiwasang mapangiti, kahit na kasi may mga ilang puting buhok na si Raven, matipuno pa rin ang pangangatawan nito at hindi nakabawas sa kagwapohang taglay nito.
“Breakfast na po kayo Sir Raven.” Bilin niya pa.
Lumingon ito sa kanya. “Join me. Actually, kanina pa kita hinihintay.”
“Ha?” Tumaas ng bahagya ang kanyang mga kilay. “Ano po ulit iyon?” Ulit niya pa para siguradohing hindi siya pinaglalaruan ng kanyang pandinig.
Natawa naman ng bahagya si Raven. “Join me in breakfast. Matagal tagal na rin akong hindi nakakasalo ng ibang tao bukod sa mga anak ko, sa umagahan.”
“Pero...”
“If you're thinking about William, don't worry about him.” He gave her an assuring smile.
“Okay.” Pa-simple siyang nangiti.
Kunwari breakfast date nila ito ngayon ni Raven. Geez! Silang dalawa lang. Nag ha-heart heart na naman ang kanyang mga mata. Enebe!
Nagpahanda si Raven ng isa pang set ng breakfast para sa kanya. Sa balkonahe sila ng library npagpasyahang mag umagahan kung saan tanaw na tanaw nila ang malawak na lupain ng mga Hauxford. Minsan talaga, hindi niya maiwasang mapaisip kung gaano na ba kayaman ang boss niya.
“How many siblings do you have, nurse Klaire?” Biglaang tanong ni Raven sa kanya habang kakasubo niya lang ng fried rice at egg.
Kaagad na kumuha ng tubig si Klaire at ininom iyon bago sinagot ang tanong ng boss niya. “Only child po ako.”
![](https://img.wattpad.com/cover/90701251-288-k624774.jpg)