~“SIGURADO ka bang magiging maayos ang lagay mo 'ron, anak? Nag aalala ako na baka hindi ka nila tratuhin ng maganda, alam mo naman ang mamayaman. Madalas matapobre.”
“'Nay, bakit po si Ara mayaman pero hindi naman po matobre. Huwag niyo pong lahatin.” nakangiting sagot niya sa ina habang nag eempake siya ng mga gamit.
Mag s-stay in kasi siya sa mansyon ni Raven Hauxford dahil iyon ang gusto nito. Ilang beses na rin siyang pinaalalahanan ng kanyang ina na baka hindi maganda ang maging trato sa kanya ng mayamang businessman. Okay lang naman sa kanya iyon kung sakali, okay lang talaga dahil mas importante sa kanya ang makasama ang lalaking matagal na niyang pinangarap, pinangarap na makita ng personal at pinangarap na mahalin na halos abo't kamay.
Yes, she love him. So much. Hindi niya alam kung paanong nangyari iyon but by reading some articles about him, humanga siya sa Ginoo na di kalaunan ay nauwi na sa pagmamahal.
She's very interested to him. Halos lahat yata ng research tungkol sa pagkatao ni Mr. Raven Cross Hauxford ay nagawa na niya.
First, he's not married but he has four sons from different women. Sina Rendox Hauxford, William Crain Hauxford, Zol Croix Hauxford at Sexivo Croin Hauxford. Si Zol at Sexivo lang ang iisa ang ina. Si William ay anak ni Raven sa dati nitong naging nobya at samantalang ang panganay nitong anak na si Rendox ay anak naman ni Raven sa kaisa isang babaeng minahal nito.
Minsan hindi niya maiwasan ang mainggit sa kung sino mang babaeng iyon. Mabuti pa kasi ito ay naranasan ang mahalin ng isang Raven Hauxford. Gustohin man niyang kilalanin ang babae ay hindi na niya nagawa dahil wala namang naisulat na artikulo tungkol doon, parang misteryo talaga ang babaeng iyon.
Basta ang alam ni Klaire, ito lang ang kaisa-isang babaeng minahal ni Raven Hauxford.
“Nakakainggit.” wala sa sariling aniya.
“Anong nakakainggit, Klaire?” tanong sa kanya ng kaibigan.
Kaagad siyang napalingon kay Ara. God? Kamuntik na niyang makalimutan na narito nga pala ang kaibigan niya para ipaalala sa kanya na bukas ng umaga siya lilipat sa mansyon ni Raven Hauxford.
Napahilamos siya ng mukha gamit ang palad. “Pasensya na Ara, masyado lang akong lutang.”
Ngumiti ito sa kanya. “Ikaw talaga, kung ano-ano ang naiisip mo. Basta kapag naroon ka na, mag behave ka ha? Ang kulit mo pa naman.”
“Alam mo Ara, excited na talaga akong makita siya ng personal. Alam mo bang matagal ko nang pinangarap 'to? Kaya gagawin ko ang lahat para alagaan siya.”
Ara smiled at her again and touched her cheek. “Kaya nga ikaw ang sinuggest ko na maging personal nurse ni Tito Raven kasi alam kong, may pagmamahal sa bawat pag aalagang gagawin mo sa kanya.”
Napangiti na rin siya pabalik. “Thank you so much talaga Ara.”
Kung may maituturing man siyang kapatid, bagay na hindi siya nagkaroon, iyon ay si Ara. Higit pa sa pagiging matalik na kaibigan ang tingin niya kay Ara, dahil para kay Klaire para na niya itong kapatid. She'll always stay by her side no matter what.
Ara is a good person, no wonder kung bakit napakaraming biyayang dumarating sa buhay nito bukod sa karangayaan na tinatamasa ng kaibigan. Kaya nga napakaswerte ng Zol na iyon at pakakasalan nito si Ara. She's perfect like a princess. A prim and proper woman and most specially, kind-hearted.
Matalik niya itong kaibigan kahit na halos magkabaliktad sila ng pag uugali, if Ara is the prim and proper one, she's the playful and careless one. Totally opposite but opposite attracts, kaya siguro sila naging matalik na magkaibigan ngayon.