~NATAPOS ang maghapon na parang wala sa sarili si Klaire. Naiinis kasi siya sa sarili niya dahil nag papa-apekto siya sa mga sinabi ni William Hauxford kanina, isa pa'y iyong mga titig ni Zol sa kanya, hindi niya iyon makalimutan. Sa totoo lang, naiinis na si Klaire sa sarili niya. Kung bakit ba naman kasi niya pinag tutuonan ng pansin ang mga anak ni Raven. Dapat na kay Raven lang ang buong atensyon niya dahil ito naman ang pinunta niya rito. Ayaw niyang makasagabal sa trabaho niya ang mga anak ni Raven. Take note, dalawa pa lang ang nakilala niya. Paano na lang kaya kapag nakilala na niya iyong Rendox at Sexivo. Kasing sama siguro ng ugali ni William ang mga iyon o kasing misteryoso naman ni Zol.
Kung bakit ba naman kasi wala si Ara e, gaya nga ng narinig niyang sinabi ni Zol kanina, wala raw ang best friend niya. Nag out of town pala ito, hindi man lang nagsabi sa kanya. Medyo nakakatampo pero naiintindihan naman niyang busy na tao si Ara. Ayaw na niyang dumagdag sa mga pinagkakaabalahan nito.
Inayos na ni Klaire sa tray ang mga gamot ni Raven ngayong gabi. Isasabay niya ang paghatid nito sa pagkain ng boss niya. Doon daw kasi ito kakain sa silid nito. Kahit na anong pilit niyang sabihin na sa dining area na lang ay ayaw talaga ni Raven, siguro ay na-stress na naman sa mga paper works nito.
Minsan gusto niyang tanongin ang boss niya kung kailan ito titigil sa pagta-trabaho gayong obvious naman ang yaman ng mga Hauxford. Hindi na nito kailangang magpayaman pa dahil sobrang yaman na ng mga ito. Isa pa, nandyan naman ang mga anak nito na halata namang devoted rin sa kompanya nila. Lalo na si William.
Ang gusto lang naman ni Klaire, mabawasan ang mga iniintindi ni Raven. Mas maganda sana kung naka-focus na lang ito sa kalusugan nito tutal kaya naman na nitong tugonan ang pangangailangan ng sarili.
“Miss Thompson? Handa na ba ang pagkain ni Sir Raven?”
Napanguso si Klaire ng marinig ang boses ni Mr. Gong-gong. Marunong naman pala itong magtagalog, ume-english pa. Psh!
Nginitian niya ito. “Yes, Mr. Gong. Dadalhin ko na po ito sa silid niya.”
“Good.” Kumento nito. “After that, let our Sire sleep. Do you understand?”
“Aye!” Sumaludo pa siya rito.
Malapad ang ngiti ni Klaire habang papaakyat sa grand staircase papunta sa ikalawang palapag kung saan naroon ang silid ni Raven. Kaya lang, nawala ang kanyang ngiti ng makitang si Zol ang makakasalubong niya. Pababa ito ng hagdan, nakapamulsa ang binata habang abala na naman sa pagtitig sa kanya.
Klaire admit it, Zol is the perfect definition of a Greek-God. His deep blue eyes with his long eyelashes, thick brows, pointed nose, square jaw and damn that sexy lips! Plus the fact that he looks so fucking Godly whatever he's wearing. Parang ito iyong mga lalaking nababasa niya sa isang libro, iyong perpekto ang ka-gwapohan.
Wala sigurong babaeng hindi hahanga sa kagwapohang taglay ng mga anak ni Raven too bad it doesn't affect her, kay Raven lang talaga ang puso niya. Siguro ay ilang lang talaga siya lalo na kapag si Zol ang nariyan. Ewan niya ba, hindi niya rin maintindihan kung bakit hindi siya mapakali lalo na kapag iba ang titig sa kanya ni Zol.
Tinuon na lamang ni Klaire ang kanyang tingin sa tray na hawak hawak niya kahit na ang totoo ay parang sasabog ang dibdib niya sa hindi malamang kabang nararamdaman.
Pakiramdam ni Klaire ay bumigat ang bawat paghakbang na ginagawa niya. Makailang ulit pa siyang napalunok dahil bakit tila bumabagal yata ang lahat sa paligid nila pero maririnig mo ang tibok ng puso niya.
Hanggang sa nagkasalubong na nga sila ni Zol. Saka lang siya nakahinga ng maluwang nang tuloyan na itong nakalayo sa kanya.
Bakit ba kasi titig ng titig ang lalaking iyon?