~
MAKAILANG ulit na napakurap kurap si Klaire dahil sa narinig. Ang bilis bilis nang tibok ng puso niya at tila hindi mapakali dahil sa narinig. Totoo ba iyon? Talaga bang inaalok siya ng kasal ng lalaking kay tagal na niyang pinagpantasyahan? Gusto niyang sampalin ang sarili at siguradohing hindi siya nananaginip dahil kung panaginip man ang araw na ito, ayaw na niyang magising, masyado siyang masaya para magising pa.
Pero bago pa man makahuma ay nilapitan na siya ni Raven, eksato itong tumayo sa harapan niya. Napalunok si Klaire, hindi malaman ang gagawin. Iyong bilis nang tibok ng puso niya, halos hindi na niya masundan. Nakakahingal.
“S-sir...”
Gusto niya itong tanongin. Kung anong basehan nito at nasabi ng amo niya ang mga bagay na iyon? Salitang sa pangarap niya lang inasahan, at hindi makapaniwalang maririnig niya ng totohanan.
“S-sir...” Ni hindi niya malaman kung ano ba ang tamang salitang maaring lumabas sa kanyang bibig. She was too shocked to say more.
Does he loves her?
Mas lalong naghargumento ang kanyang dibdib sa tinuran ng kanyang isip. Kung totoo man iyon or assumera lang talaga siya.
“I just...” Sinubukan siyang hawakan ni Raven sa braso pero sa huli ay ibinaba rin nito ang kamay. “Go ahead, leave Klaire. Don't mind what I just said.”
Halos bumagsak ang balikat niya sa narinig. So? Wala lang iyon? Ano iyon tinanong lang siya? Bakit ganon? Kahit na malaman pa niyang hindi siya mahal ng boss niya wala pa ring makakapigil sa kanya na pakasalan ito.
Tumalikod na si Raven at bumalik sa kama nito. Napalunok si Klaire, madaldal ka diba? Bakit hindi mo subukang gaminit yang matabil mong dila ngayon? Pagalit niyang pinapagalitan ang sarili ng palihim. Hindi siya makagalaw, nanatili pa rin si Klaire sa kinatatayuan niya at parang kinakapos ng hininga.
“B-bakit?” Finally!
“Huh?” Nag angat ito ng tingin sa kanya. “Just leave Klaire.”
Sinalubong niya ang tingin nito. “Bakit gusto mo akong pakasalan?”
Hindi ito nakasagot ng ilang minuto, gustohin man ni Klaire na ialis ang sarili sa kahihiyan at tumakbo na lang palayo pero tila naka mighty bond na yata ang white flat shoes niya sa sahig.
“We all know that I'm not getting any younger. I'm old, Nurse Klaire, really old. I still feel alone, I still have this feeling that I am the only person in my world. I'm missing her, every seconds of my life I'm missing her, a lot.”
Those words made her tongue cut from speaking. Pakiramdam niya ay may libong karayom na tumarak sa puso niya, alam na alam ni Klaire kung sino ang tinutukoy ni Raven sa kanya ngayon at ang sakit sakit niyon, wala na talaga siguro siyang pag asa para sa binata.
“I hate it! I hate this feeling, I'm tired of being alone and I know, having someone I don't love beside me 'til I die is my biggest and foolish decision. Ayaw ko lang na kaawaan ako ni Roxsan dahil hanggang sa huling hininga ko, siya lang ang babaeng minahal ko.”
Hashtag, heartbroken mga bes!
Unti unti nang tumulo ang mga luha ni Klaire, hindi na niya iyon napigilan but at least, hindi niya naman iyon pinakita kay Raven. Masyado nang masakit ang pinagdadaanan nito ngayon ay ayaw naman niyang isipin nito na kinakaawaan niya ang boss niya kaya siya naiyak pero ang totoo, sadyang nadudurog ang puso niya.
“Nurse Klaire, no—Klaire, I know you are genuinely kind, I don't want to ruin your future because of what I asked you awhile ago,so yeah, forget it. Forget everything that happens tonight.”