Chapter 6: Having Fun

6 1 0
                                    

Kim's POV

Suminghap ako dahil sa kaingayan nitong mga ito, kanina pa ako sumisigaw na kumain na ng almusal, nandito kami sa garden sa may pool side naglalangoy sila at nagbabasaan. Liligalig eh.

"I hate you Cloyd!" Sigaw ni Naomi at Kiara.

"Hahahaha, edi gumanti kayo." Pang aasar pa nitong si Cloyd.

Nakaupo lang ako sa bench sa gilid ng pool nang biglang dumating si Mom.

"Bakit di ka nakikisali sa kahuluhan nila?" Tanong niya habang ginagalaw galaw ang binti.

"I'm kind of tired Mom."

Napasinghap si Mommy. She gave me a sincere stare saka tumango.

"Kumain ka na lang." Sabi niya saka tumayo. Ilang hakbang pa lang niya palayo ay tumingin siya uli sa akin at tinuro ang pagkain. Tumango lang ako at ngumiti.

Lumakad ako papalapit sa table kung nasan ang mga pagkain.

"Kimmy! Dito ka." Sigaw ni Chelle sa akin na nasa gitna ng pool.

"Later, Chelle."

"Kiara yung bola!" Sigaw naman sa kabila ni Xei.

"Catch!" Ani Kiara.

Naglalaro sila ng kung ano dun sa pool hahaha. Batuhang bola ata.

"Clark, sambutin mo!" Utos ni Alexa.

Umakyat na si Naomi galing pool. Papunta siya sa direksyon ko ngayon.

Pagkalapit niya ay agad niyang kinuha ang isang sandwich, at kinagatan.

"Oyy!" Sabi niya.

"Hmm?"

"Akala ko magsasaya tayo today?"

"Kayanga." Sagot ko.

"Eh bakit yan itsura mo?"

"Like?"

"Busangot."

"Pagod lang Nao."

"Kaya nga magpakasaya ka, para matagkal pagod mo." Suhestiyon niya.

"Sige na nga." Pag sang ayon ko pacute na naman siya eh.

Tumayo siya at inilahad ang kamay sa akin, inabot ko iyon at sabay kaming naglakad sa gilid ng pool.

"Tatalon." Sabi ko kay Nao.

"Sige ba!" Nakangiting sambit niya.

"In the count of---"

Di ko natapos ang sasabihin ko dahil may tumulak sa amin.

Pagkatingin ko ay nakita Kong patawa tawa si Cloyd at Kiara.

"Hahaha. May pa 'in the count of' ka pa girl ha." Pang aasar ni Kiara. Nakitawa naman si Xei at Alexa.

Samantalang si Clark ay patuloy ang paglalangoy.

"Lagot kayo samin mamaya." Pagbabanta ni Nao.

"Baby Girl. 😂😂" pang aasar ni Cloyd kay Nao.

"Tss." Ang tanging nailabas na salita ni Nao.

Lagot World War na naman po, Hahaha.

Naglangoy lang ako, nagbasaan at nagtulakan.

"Kimmy! Aalis na kami ng daddy mo." Sigaw ni Mom.

"Opo, dito lang po kami."

"Enjoy!" Pahabol ni Dad.

Ngumiti lang ako saka sila pinagmasdang lumabas ng garden.

Maybe, ForeverWhere stories live. Discover now