Chapter 14: Care

2 0 1
                                    

Kim's POV

"Una na ako.." Sambit ko kay Calix.

Tumango lang naman siya.

"Tammy!" Sigaw ko ng makita si Tammy.

"Ingat Ate!" Sigaw rin niya pabalik at ngiting-ngiting malapad.

Pinasadahan ko muna ng tingin ang mga pinsan kong nagsisisakay sa kanilang kotse. Mabuti na lamang at hindi sa Walter Pole nila naisipang tumuloy dahil baka yung kagustuhan kong magpahinga ay hindi ko magawa kapag dun pa sila mag stay haish.

*cough**cough**cough*

"Ayos ka lang?" Tanong ng kung sino sa likod ko.

Napahawak ako sa noo ko dahil nakaramdam ako ng pagkahilo at ang init ko lalo.

"Hey.."

Tumingin ako sa tumawag sakin. Nagulat pa ako dahil sa pag harap ko ay ang mukha niyang napakalapit sa mukha ko ang nakita ko.

"U-uhm ayos l-lang." Sabi ko saka nag-iwas ng tingin. Ang lapit niya kasi. Maling galaw lang ng isa samin naku!

Bigla niyang hinawakan ang noo ko.

"Mainit ka. Masama pakiramdam mo?"

"Ayos lang sabi ako! *hiccup*" agad akong napatakip ng bibig ko. I looked at him with my serious face then he smirks. What the hell!

"Una na ako." Sabi ko saka dali-daling kinuha ang aking susi ng kotse at agad na pumasok dun. Hindi ko na siya hinintay magsalita. Pagkasakay ko ay agad akong sumandal sa sandalan at kumuha ng hangin. Grabe sa kumuha ano?

Inistart ko na ang kotse ko saka nagmaniobra at nagdrive na. Mamaya na lang ako magtetext sa mga kaibigan ko na umuwi na ko. Hindi na kasi ako nakapagpaalam ng maayos sa kanila. Bwiset kasing lagnat ito.

Antok na antok na ako pero pinipilit ko pa ring magdrive anytime babagsak na ang talukap ng mata ko nagsisigaw na ito malamang kung may bibig ito na "matulog ka na" "ipahinga mo na kami" niyugyog ko ang ulo ko para magising ako ng kaunti at naisipan ko rin na buhayin ang stereo.

Hindi naman ako nabigo dahil nawala ng kaunti ang pagkaantok ko. Maya-maya ay natanaw ko na ang gate ng bahay namin. Agad lumabas ang guard at inayos ang pagkakabukas ng malaking gate. Pagkapasok ng kotse ko ay iginarahe ko ito ng maayos katabi ng kotse ko dati.

Bumaba ako at kinuha sa compartment ang bag na dala ko at uminom ng tubig.

"Hey you look pale." Bati ng kung sino sakin.

Si Yaya Emma pala.

"I just need some rest Yaya." Sabi ko. Walang alinlangang tumango naman ito dala ang basket at ecobag na sa wari ko ay papunta siya sa palengke ngayon. Pagkapasok ko ay naamoy ko agad ang niluluto sa kusina. Beef steak...

Tumakbo agad ako sa kusina para ipaalam kila Yaya Jean na nandito ako.

"Yaya!" Tawag pansin ko kay Yaya Jean na nagagayat ng sibuyas.

"Oh, ano nangyari sa iyo at parang namumutla ka?"

"Masama po pakiramdam eh, pero ipapahinga ko na lang po ito." Sabi ko saka iniwan siya sa kusina. Umakyat na ako sa kwarto ko para magpalit ng pambahay na damit. Pumunta ako sa walk in closet ko at nagpalit ng pambahay na T-shirt at jogging pants.

Pagkatapos magpalit ng damit ay dumiretso ako sa cr para maghilamos. Ang oily ng mukha ko, eww. Pagkalabas ng banyo ay tinuyo ko ang mukha ko at nagsuklay nang bigla akong nakarinig na sunod-sunod na tunog ng doorbell. Kumunot naman ang noo ko. Wala naman akong bisita ah? Di naman nasabi nila Kiara na papunta sila dito. Ganun rin sila Ate Klaire. Ayy di ko pa nga pala naiitext sila Kiara. Agad kong hinalungkat ang bag ko at hinanap ang cellphone ko, pagkahanap ko nito ay agad akong nagtipa ng mensahe para kay Yana.

Maybe, ForeverWhere stories live. Discover now