Chapter 9: With My Cousins

7 2 0
                                    

Kim's POV

Nandito ako ngayon sa Manila, andito ang aking mga pinsan. Bonding namin, kasi mula ng umuwi kami ay hindi ko pa sila nakikita. Hindi muna ako nagsama kila Alexa sa pag iistroll dito. Tiyak magmomall muna ang mga iyon ngayong umaga mamayang hapon pa naman ang uwi namin eh.

Nagdadrive ako ng aking sasakyan papuntang bahay nila Ate Pia, kasama ko si Kuya Rovin, Ate Ara at Margareth magkakasama sila sa bahay dito. Dito kasi nag aaral si Margareth eh. Papunta kami ngayon kila Ate Pia, nandun kasi ang mga pinsan ko napag usapan na namin ito na magkikita kita kami.

Tinext ko si Thrudelle na malapit na kami.

To: Thrud bb💚

Malapit na kami bb.

Hindi ko na inintay ang reply niya at nagpatuloy na uli sa pagdadrive. Tulog si Kuya Rovin at Margareth. Pagod si Kuya sa trabaho kagabi. Si Ate Ara naman ay naka earphones.

Diretso lang ang tingin ko sa saan habang nagdadrive nang biglang nagtext yung Unknown Number. Di ko pa rin pala nasesave.

From: Nicholas

Nagulat ako ng mabasa kung sino ang nagtext. Na curious ako kaya binuksan ko ang mensahe.

You free today? Ate LM here 👋😊

Sus.. Si Ate LM pala. Hahahaha.

Hindi ako makatipa ng reply kasi nagdadrive ako.

Mamaya na lang ako rereply.

Mayamaya ay nakarating na kami sa bahay nila Ate Pia, ang daming sasakyan ang nasa labas ng bahay na malamang ay sa mga pinsan ko. Gising na kanina pa si Kuya at Ate Ara.

Naunang bumaba si Margareth at sinalubong siya nila Amber.

Sinalubong ako ng yakap ng mga nakababata kong pinsan. God! I miss this kids.

"Ate, you're stunning..." Sambit ni Fantasiana.

"Sus, nambola pa." Sabi ko. Saka nagpatuloy pang maglakad papasok sa loob nandoon ang iba nagtatawanan. Ang iba ay nakain.

"Gosh. I miss you Kendall! Famous na kasi eh." Sambit ni Ate Pia. This girl is funny. Hindi naman ako nag bago eh.

"Tama ka, famous na kasi wala ng time satin." Dagdag pa ng pinsan kong si Ate Klaire.

"Gosh, miss na miss ko na nga kayo eh." Sabi ko.

Pinitik ako sa tainga ni Kuya Iñigo. Sinamaan ko lamang siya ng tingin.

Wala si Ate Sabrina... Nasa Japan kasi eh. Busy sa kung ano ano sa business niya.

Nakisali ako sa mga usapan nila.

"Sometimes ay mag gym tayo. Free na sa mga susunod na araw itong si Kendall, next month pa ang taping nila. Right, Ken?" Tanong ni Ate Klaire.

"Great, Ate. Tumataba na rin ako eh." Sabi ni Shanelle. Mas lalong gumaganda at pumuputi ang isang ito ah.

"Si Kimmy, ang sexy sexy na." Sambit ni Ate Liana. Na katatapos lamang uminom ng tubig.

"Naku! Hindi ah. Ganito ba ang sexy?" Natatawa kong tanong.

Nakitawa rin sila sakin.

Iniwan ko ang mga nagkwekwentuhan kong pinsan sa salas at pumunta ako sa kainan. After lunch, ay magbabyahe na ako papunta kila Naomi.

Nakita ko sila Joana, Lynden, Keen, Stephanie, Coby, Darcy, Kuya Collan, si Rodney, si Kein at Daris.

"Ate!" Sigaw ni Steph sakin. Saka ako sinalubong ng yakap.

Maybe, ForeverWhere stories live. Discover now