LM's POV
"Nasaan na raw si Kim ate?" Tanong ni Nikko sa akin. Naandito kami sa office ko ngayon, bumisita ang mahal kong kapatid.
"Bakit mo naitanong?" Pang iinis na tanong ko.
"I'm just asking... Masama ba?" Sabi niya at binaling uli ang tingin sa newspaper na binabasa niya.
Nagpatuloy na lang ako sa pagtatype sa laptop ko.
Nang biglang pumasok si Sey at nag ingay na naman at kung anu-anong reklamo.
"Kaasar yun akala mo galing na galing, hindi naman magaling arteng arte pa..." Sabi nito na kinaiinisan ko dahil ang ingay niya grabe.
Nakikita ko na rin ang pagkainis ng kapatid ko na parang rinding rindi na.
Nang matapos sa kasasalita si Sey, ay bumuntong hininga ako. Napagod na ata ang isang ito.
Lumabas si Nikko, hindi ko alam kung saan papunta.
"Sey... Nag alis na nga raw pala si Kim." Sabi ko habang nakatingin pa rin sa laptop ko.
"Naibigay mo yung gift natin?" Tanong niya. Tumingin ako sa kanya saka ko naalala na may ibibigay nga pala kaming damit sa kay Kim.
Umiling ako bilang sagot sa tanong niya.
"Paano iyon?" Nag aalalang tanong niya.
"Papadala ko kay Nikko tomorrow. I'll just uh- text him." Sabi ko saka kinuha ang phone ko.
At nagtipa ng message para sa kapatid ko.
Ako:
Brother, where are you? May gagawin ka tomorrow? Can you go to Kim's house tomorrow, dalhin mo lang gift namin... Pretty pleaseeee. Alabyuuuu kyotie. 😂🙊😘
Pagkasend ko nun ay lumapit sakin si Sey.
"Busy much..." Bati niya.
Ngumisi lang ako. Nang biglang nagtunog ang phone ko at nakita ang mensahe ng kapatid ko.
Nikko-lit:
Why me? Pero ayos lang wala naman akong masyadong gagawin tomorrow. Hahahaha.
Talaga itong kapatid ko, may gusto pa rin kay Kimmy.
Nagreply ako ng
'Yelekeee. Hala ang kapatid ko.'
Hindi ko na hinintay ang reply ni Nikko.
Lumabas ako ng opisina kasabay si Sey, dumiretso kami sa Cafe nila Kim.
"Cappuccino and Latte saka bread with butter." Sabi ko sa waitress.
"Bale, 136 pesos po." Sabi niya.
Binigay ko ang 150 pesos at binigyan niya along sukli.
Umupo kami ni Sey sa table na may dalawang upuan at hinintay ang order namin.
"Sayang saya siguro ni Nikko, at hindi mo naibigay ang gift natin kay Kim, nang mapuntahan niya yun."
Tumango lamang ako, parang sinadya nga ng tadhana na hindi ko maibigay kay Kim yun.
Gusto kong mabalik ang closeness ni Kim at Nikko. Gusto ko sila sa isa't isa.
Maya-maya ay dumating na ang order namin ni Sey, saka kami kumain.
Nagkwentuhan pa kami ni Sey about sa kung anu-anong story na nakalap niya.
Tsismosa yang isang yan.
Nikko's POV
Lumabas na ako ng office ni Ate sakit sa tainga ng boses ni Ate Sey, pupunta na lang akong mall, dun ako magdidinner tss.
YOU ARE READING
Maybe, Forever
De TodoHi! This is the book 2 of True Until The End. You should read that first so you can clearly understand the story. Thanks. Lovelots.