Chapter 8: Stroll #TheBeautyOfPhilippines

8 1 0
                                        

Kiara's POV

"Direk start tayo sa Manila." Masiglang sabi ni Naomi.

"Karamihan naman siguro ay sa Manila tayo magshushoot, right?" Tanong ni Tart. Tumango naman si Direk at Scottie.

"Sige. Let's go to Manila." Naghiyawan kami, woot adventure ito.

Dalawang van ang gagamitin namin, syempre magkakasama kami.

Kendall's POV

I texted Mom na next week na ako uuwi. Sakto nasa Manila nga pala ngayon sila Ate LM at Ate Sey pati si Nathan, may bahay sila doon. Dahil nagtatrabaho na si Ate LM at Ate Sey sa company ng mga Perez at doon nagka college si Nathan. Si Nikko ata dun sa isang company nila sa Manila. Pinagtetraining na sa paghahandle ng business well that is life dun rin naman ako pag natapos itong show namin eh ganun rin sila Naomi si IU ayaw ng business kaya si Isid ang nag aaral ng business hahahaha. Sa pagsusulat si IU magaling. Kaya nga agad siyang natanggap sa pagiging Editor in Chief sa isang Magazine Company eh. Magaling kasi sa English ang bruha. 😂😛

To: Sistar 😍😝  LM

Pupunta kaming Manila. See you sa Mall. Sa Alabang.

Naisipan kong dalhin ang Chevy ko para mamaya hindi ako magcocommute papuntang mall sa Alabang.

"Direk, I'll use my Chevy." giit ko.

"Oh. Okay."

"Sama friend!" sigaw ni Chelle.

"Ako rin!" pahabol ni Tart. Tumango naman ako. Papunta kami sa bahay. Magdadala rin akong extra tshirt.

Pagkadating sa bahay.

"Bakit mo naisip dalhin yung Chevy mo?" tanong ni Tart.

"Magkikita kami ni Ate LM later." sabi ko habang ginagayak sa maliit kong backpack ang tshirt at water ko."

"LM nga ba talaga?" nang iinsultong tanong ni bruha.

"Oo!" sambit.

"Ashoes babaita! Wag kami!" sambit ni Chelle na patawa tawa habang nalabas kami ng bahay.

Si Tart naman ay pangisi ngisi. Kaasar itong mga ito.

Biglang nagbeep ang phone ko. Unknown number.

From: Unknown Number

Sige, kitakits daw kayo ni Ate LM later. Isasama niya si Ate Sey.

What?! Siya ba ito? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Napahawak na lang ako sa dibdib ko.

"Hoy! Tara na!" sigaw ni Chelle na ikinagulat ko.

"Oo na." Dali dali akong tumakbo papunta sa front seat.

Tumipa muna ako ng reply na 'okay'.

Habang nagdadrive ako kanta lang ng kanta ang dalawa. Kain ng kain ng chocolate itong si Chelle.

"Tart paabot nga ng handbag ko andyan sa gilid mo." Sambit ko ng maalala na nandun nga pala ang isa kong phone.

Inabot naman kaagad ni Tart sa akin ang handbag ko at dali dali kong kinuha ang phone ko at tiningnan kung may text, pero wala. Nagpatuloy ako sa pagdadrive hindi naman gaanong traffic kaya mabilis ang byahe. May bahay naman kami sa Maynila eh kaya hindi ako nagdala ng gaanong gamit. Dun na lang ako manunuluyan kapag nandito kami.

Nakarating na kami. Nandito na sila kung saan ang kitaan namin. Tiningnan ko ang phone ko at tinext si Kuya Rovin na nandito ako sa Maynila ngayon. Nandito karamihan ang mga pinsan ko dahil sa trabaho nila.

Maybe, ForeverWhere stories live. Discover now