Chapter 5
[Aljohn's POV]
Nandito kami ngayon sa Batangas. Nag-aayos na kami ng gamit. Well, siya pala ang pinagaayos ko ng gamit. Sarap lang talaga pagtripan.
"Tapos ka na ba?" tanong ko sa kanya.
"Shunga ka! Kita mo namang nag-aayos pa ako. Bulag lang." Hahaha. Nakasimangot na naman.
"Nakakasilaw lang kasi ang mukha mo! Masyadong masakit sa mata."
"Pwede ba? Tumahimik ka na lang" Inis na sabi niya. At ayun, bumalik na naman siya sa pag-aayos.
"Hoy! Kayong Dalawa diyan sa taas! Bumaba kayo. Panoorin niyo 'to. Bilis!!!" sigaw ni Renz, kabarkada ko mula sa baba. Bumaba agad kami.
"Where is your son?" tanong nung nagi-interview kay Mama.
"Well, meron siyang bakasyon kasama ang girlfriend niya sa Batangas" At ayun, nabigla ang lahat ng nasa TV. Pati kami nabigla rin sa sinabi ni Mama.
"Well, who is the lucky girl?" tanong ulit sa kanya.
Matagal bago nakasagot si Mama, "Janella Santos"
@_@ => Janella
0_0 => Ako
^_^ => Renz|Ralph|Rainer
"Kayo ha! May itinatago pala kayo. Kaya pala ang tagal niyo bago makababa dahil meron pa kayong ginawa. Tsk. Pre, sumusunod ka na rin pala sa yapak ko." Rainer. I told you, manyakis 'to! Pero... pero... ANO DAW?
"Aray!" Batok agad ang nasambot niya galing sa akin.
"Pero yung totoo... kayo ba talaga?" tanong ni Renz.
"Hindi..." sagot agad ni Janella.
"Weh?"
"Hindi talaga kami." Janella.
"Ayos! May pag-asa pa pala ako." Singit naman ni Ralph.
"Hehehe" pilit na tawa ni Janella.
"Hoy, anong may pagasa?! Ipinagkalat na nga ni Tita Cassidy sa buong Pilipinas na silang dalawa na." Renz.
"Edi kapag nasa labas, kay Aljohn siya pero kapag nasa loob ng kwarto at kami lang... Hahaha. Heaven 'to!" At ayun, tinadtad namin siya ng batok. Mas malala pala 'to kay Rainer.
Tiningnan ko si Janella at ayun, mukhang takot sa pinagsasabi ni Ralph at ni Rainer. Namutla siya.
[Janella's POV]
Hindi ko alam kung ano ang gusto kong ipakitang reaction sa sinasabi nila.
Inaamin ko, takot talaga ako sa mga ganyan dahil sa nangyari dati...
Naalala ko na naman ang dating nangyari sa akin.
Hindi lang physically, muntik na sa sexual.
Kaya kapag may nagsasabi sa akin ng mga ganyang bagay, nangingilabot ako.
Ayoko nang maalala....
Please.
Tama na!
[Aljohn's POV]
"Hoy, panget! Ayos ka lang?" bulong ko.
Tumingin lang siya. Sa mga mata niya, halatang takot siya.
"Hoy, Kayong tatlo! Tigilan niyo nga 'tong Girlfriend ko!" sigaw ko na ikinabigla nilang tatlo.
"Akala ko ba hindi kayo?" tanong ni Ralph.
"Nagjo-joke lang si Janella. Pero base diyan sa pinagsasabi niyong kabastusan sa mahal ko. Ha! Hindi ko na mapigilan ang sarili ko."
Tumingin ulit ako kay Janella... mukhang malalim ang iniisip. Nakatulala.
Hinawakan ko ang kamay ni Janella at hinila siya. Mabilis siyang bumigay kaya mas madali ko siyang nahila.
Hinila ko siya papasok ng kwarto ko at pinaupo sa kama. Lumuhod ako sa harap niya. Tulala pa rin siya. Nagaalala na ako. Di kaya may sira 'to sa ulo? Huwag kang mag-isip ng ganyan Aljohn.
"Janella?" pero hindi niya pa rin ako pinansin.
Inalog ko siya pero ayun, tulala pa rin.
"Hoy!" sumigaw na ako. Wala pa ring epekto.
"Kapag hindi ka nagsalita. Hindi ako magdadalawang isip na halikan ka!" wala pa ring epekto.
Nawawalan na ako ng patience.
Inalog ko siya pero wala pa rin.
Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Nagbabakasakaling umiwas at gumalaw siya. Pero wala pa rin.
"Hmmm" ito na talaga. Hinalikan ko na talaga siya. Hindi siya nag-respond pero pakiramdam ko nabasa yung mukha ko. Dahil na rin siguro sa mga luha niya.
Humiwalay ako sa kanya. Umiiyak na talaga siya. Pinunasan ko ang mukha niya gamit ang kamay ko.
"Ayoko na!" At ayun, pinagpapalo niya ako sa dibdib. Niyakap ko na lang siya instead.
Yakap yakap ko siya habang pumipiglas siya sa yakap ko. Alam kong may problema 'tong babaeng 'to kahit kahapon ko lang siya nakilala.
"Tama na!" sigaw siya ng sigaw ng kung ano-ano na halos hindi ko na maintindihan. Ang mga naririnig ko... "Tama na!" " Ayoko na!" "Please!" "Maawa na po kayo sa akin!"
Iyak pa rin siya ng iyak habang yakap ko. Ramdam ko pa rin ang pagtulo ng luha niya sa balikat ko.
Tumigil na siya sa pagaalpas pero nakasalampak pa rin ang mukha niya sa balikat ko. Hinayaan ko na lang.
"Anong nangyayari?" tumingin ako sa may pinto at nandun lahat ng kabarkada ko. Binigyan ko na lang sila ng Bigyan-niyo-kami-ng- time look. Mukha namang naintindihan nila kaya umalis na agad ang tatlo.
Humiwalay ako sa yakap, "Ano? Okay ka na ba?"
No response.
Umurong siya kaya napasandal siya sa Headboard ng kama ko. Okay lang naman sa akin ngayon dahil ganyan siya. Wala rin ako sa mood para asarin siya.
"Tulog ka na" hinila ko yung kumot sa tabi niya.
Kinumutan ko siya. Humiga siya ng maayos pero nakatulala lang siya sa kisame.
"Tulog ka na" sabi ko ulit. This time, napatingin siya sa akin. Buti naman.
"Geh, lalabas na ako" tumalikod na ako pero bago pa ako maglakad, hinawakan niya ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.
"Don't leave me. I need you" parang nangilabot ako nung sinabi niya yun. Parang bumilis agad ang pagtibok ng puso ko.
"Don't leave me please. I need you, Aljohn" mas nangilabot ako this time.
"Stay here. Dito ka lang sa tabi ko." hindi ko alam pero bigla na lang akong sumunod sa mga sinasabi niya. Tumabi ako sa kanya.
Umisod siya kaya umisod rin ako. Kinumutan niya ako. So, ang kinalabasan ay nagsha-share kami sa iisang kumot.
Pakshet! Naiilang ako.
Tumingin ako sa kanya at kita kong napapapikit na siya. Bago siya tuluyang pumikit... mas lumapit siya sa akin at niyakap niya ako. mahigpit.
Double pakinshet. Packing Tape. Fact syet. Shete! Shet!
I hate this feeling. Sobrang nakakailang. Dagdagan pa noong hinalikan ko siya. Pakinshet talaga.
☆♡☆♡☆♡☆♡☆♡
Yay! Malaki pong achievement 'tong Chaptie na itey. Mahaba kasey.
Mahal ko ang mga Myungyeon diyan eh.
BINABASA MO ANG
Man In Love (ON-HOLD)
Fanfiction"I already served you before you served me..." sabi niya sa panaginip ko. I am Aljohn Villanueva, isang sikat at mayaman. Isang maliit na dream ang gusto kong matupad, iyon ay yung makilala ko siya. Isingit natin sa eksena si Janella Santos, isang s...