Chapter 4
[Aljohn's POV]
Kinabahan talaga ako nung nahulog si Janella sa hagdanan. Paniguradong masakit ang tuhod niya dahil 'yon ang unang tumama sa sahig. Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na buhatin siya. Pero alam niyo yung kinabibigla ko? Yun ay nung niyakap niya ko.
"Ano? Kamusta na 'yang tuhod at paa mo?" tanong ko sa kanya. Nasa sofa ko pa rin siya. Infairness, tahimik lang siya ngayon.
"Okay lang" tipid niyang sagot.
"Mamayang hapon, sasamahan ka daw sa hospital."
"Huwag na" tipid niyang sagot.
She yawned.
"Antok ka na?"
"Medyo" tapos sumandal na siya at pumikit.
"Pumunta ka na kaya sa kwarto mo" sabi ko.
"Hmmm"
Hinayaan ko na lang siyang matulog sa sofa. Mukha namang mahimbing na ang pagtulog niya. Umupo na lang ako sa tabi niya at pumikit na rin. Antok na din ako eh. SAKSAKAN KASI SIYA NG BIGAT.
[Janella's POV]
"Hmmm" SSSHHHEEETTT! Ang bango ng unan ko. Wait lang, bakit parang ang tigas? Kinapa ko pa habang yakap-yakap. Mainit, matigas at mabango? Ano 'to?
"Janella" 0_0 Nangilabot ako nang narinig ko ang pangalan ko. Lalaki?
Napamulat agad ako at napalayo sa kanya, "WAAAHH!"
"Huwag ka ngang sumigaw!"
"Ikaw, Aljohn! Bakit ka nandito? Saka, bakit ako nakayakap sayo?! Manyakis ka talaga!" sabay palo ko sakanya. Ilag naman siya ng ilag.
"Uso uminahon. Alam mo, sarili mo dapat ang tinatanong mo niyan. Ikaw kaya 'tong manyakis... Tsk. Tsk. Ikaw pa nga 'tong may pakapa-kapang nalalaman sa Abs ko."
"Tse! Malay ko bang ikaw yun" inis na inis na sabi ko.
"Sus, gusto mo naman" Kinindatan pa ako bago tumayo at umalis.
"Huwag kang feelingero!" Sigaw ko dahil sa sobrang inis.
Natuwa naman ako dahil umalis na din yung asungot na yun. Hayss. Kahit sobrang naiinis ako dun sa lalaking yun, nakatulog pa rin ako ng maayos kinagabihan.
The next day...
"Ano? Ready na ba ang lahat ng gamit?" tanong ni Ma'am Cassidy, mama ni Aljohn.
Ngayon na kasi yung lipat-bahay thing ni Aljohn. So, kailangan na namin mag-ayos ni Aljohn dahil lilipat na kami sa Batangas. Mag-asawa lang ang peg! Janella, stop it. SIGE NA NGA! AAMININ KO, CRUSH KO NA SIYA.
"Kaya mo na ba?" tanong ni Lica. Medyo masakit pa rin yung paa at tuhod ko dahil sa nangyari kahapon.
"Oo" Lumakad ako sa abot ng aking makakaya pero ganun pa rin eh.
"Hindi mo pa kaya kaya" sabi naman niya, "Kuya, buhatin mo na lang kaya 'tong si Janell—"
"Ay hindi na kailangan." pinutol ko yung sinasabi niya sa Kuya niya.
"Tigas kasi ng ulo mo!" (-_-) Worst nilalang ever ang peg niya. Sama talaga. "Sabi nang pumunta ka sa hospital!"
"Sabi ngang ayoko!" sabi ko, "Wala pa nga akong suweldo, gagastos na agad ako!"
At ayun, nagmadali ako sa paglalakad kahit masakit. Kaya ko namang tong tiisin pero yung taong katulad niya? Huh! Magkamatayan na, hinding hindi ako magtitiis sa isang katulad niya kahit crush ko siya.
Habang nasa kalagitnaan ako ng paglalakad, may biglang humawak sa kamay ko at agad akong hinila.
"Ano ba, Aljohn!" tumigil siya at agad naman akong binuhat. Bridal style uli.
Isinakay niya agad ako sa sasakyan niya at agad pinaandar at umalis. Ni hindi nga ako nakapagsalita dahil sa bilis ng pangyayari.
"Sabi ni Mama, dalhin daw kita sa hospital... sa ayaw o sa gusto mo. Sila na daw ang bahala sa gastusin."
Natameme ako sa sinabi niya.
"Saka pagkatapos nito. Diretso na tayo sa Batangas."
"Hah?! Paano yung gamit ko?" Napasigaw ako nang di oras.
"Naayos na namin yun" Buti naman.
Mayamaya, tumigil na kami sa isang mamahaling hospital.
Bumaba na ako ng sasakyan, "Wow!"
"Don't worry, we owned it." Edi sila na ang mayaman.
Tinulungan niya ako sa paglalakad (gentleman din pala!). Bago pa kami pumasok, pinahiram agad kami ng isang wheel- chair at pinaupo agad ako.
Sa loob, tatambad agad sayo ang isang malaking poster na may nakasulat na... "VILLANUEVA's MEDICAL CENTER"
"Aljohn, bakit ka nandito?" May biglang lumapit sa aming isang Doctor.
"Tita ko " bulong sa akin ni Aljohn.
"Sinasamahan ko lang ang —"
"Girlfriend?" pinutol niya ang sinasabi ni Aljohn. But wait, ANO DAW?!
"Hindi po Tita" diretsong sagot ko.
"Sus, pasimple pa kayo! Tinatago niyo lang 'yan sa public para hindi magkaroon ng gulo." napakamot na lang ako ng ulo.
"Hindi po talaga!"
"Bahala nga kayo!" At ayun tinulak niya ako papasok sa isang room.
[Aljohn's POV]
Lumabas na sina Tita at Janella sa room. Whew! Lumabas sila ng tawa ng tawa. Tss. T_T Siguro, kung ano ano na naman ang lumabas na baho sa bunganga niya.
"Haha. Salamat po Doc!" Sigaw niya sabay apir. Ay ganun? Edi sila na nga ang close.
"Geh! Tita na lang itawag mo sa akin" At ayun, tumawa na naman.
Lumapit sa akin si Tita, "Okay naman siya. By the way, KISSING MONSTER ka pala!"
Pwedeng magmura?! Sana lamunin na lang ako ni YOLANDA!
"Hahaha!"
"Bye na! Yung paalala ko sayo, Janella ha" Tumalikod na samin si Tita
Bago siya tuluyang umalis, lumingon ulit siya, "Aljohn! I like her. Pakasalan mo na agad baka mawala pa sayo. Hahaha. Goodbye, Janella Santos-Villanueva."
Tumingin ako sa kanya. Halatang nagulat siya sa sinabi ni Tita.
"Ah.. eh.."
Parang napako ang dila namin sa sinabi ni Tita.
Bigla siyang tumawa, "Crush kita!" buong lakas niyang sinabi yun sa harap ko.
Crush kita!
Crush kita!
Crush kita!
F*ck! Bunganga nito, walang preno. But wait, ANONG SABI NIYA?! CRUSH NIYA AKO? SANAY NA AKO SA GANYANG SALITA BILANG ARTISTA PERO YUNG GALING SA BUNGANGA NITO, WELL, HINDI KO MA-EXPLAIN!
"Syempre, Joke lang yun!"
Parang nanghinayang naman ako...
ASDFGHJKLZXCVBNM! Aljohn, Stop it.
★♥☆♡★♥☆♡★♥☆♡★♥☆♡★♥

BINABASA MO ANG
Man In Love (ON-HOLD)
Fanfiction"I already served you before you served me..." sabi niya sa panaginip ko. I am Aljohn Villanueva, isang sikat at mayaman. Isang maliit na dream ang gusto kong matupad, iyon ay yung makilala ko siya. Isingit natin sa eksena si Janella Santos, isang s...