Chapter 6
[Aljohn's POV]
Nandito kami ni Janella sa living room, nanonood ng TV. Kagaya ng kahapon, tahimik at lagi siyang nakatulala.
"O, nandyan pala kayo. Kanina pa namin kayong hinahanap." sabi ni Renz.
"Oo nga." sang- ayon naman si Ralph sa sinabi ni Renz.
"May balak ka bang magsalita, Janella?" tanong ni Rainer. Binagyan ko lang siya ng Wag-mong-kausapin look.
"Sige, iwanan na namin kayo." paalam ng 3R'S. 3R'S na lang ang itatawag ko sa kanilang tatlo tutal nagsisimula naman ang pangalan nila sa R.
"Geh!" At ayun, umalis na sila.
Tumayo ako at pumunta sa CR malapit sa living room. Balak kong tawagan si Mama tungkol kay Janella.
"Mama?"
"O?"
"Matanong ko lang bakit parang may iba kay Janella?"
Narinig kong nabigla si Mama, "Ha?"
"Kahapon pa siya eh. Laging nakatulala."
"Ha?! Ah... ganito na lang... Ah... ite-text ko na lang sayo ang number ng Mama tapos tanungin mo. Ano? Okay na ba yun?"
"Okay na!"
"Sige, bye na!"
"Ma! Wait!"
"O?"
"Ano yung sinabi mo sa interview?"
"Ah... eh... basta. Kapag pumunta kami diyan. Ipapaliwanag ko na lang sayo."
"Sige, Ma. Bye na!"
*toot* *toot*
Nagtext agad si Mama sa akin.
From: Mama
09*********
To: Mama
Thanks...
Agad kong tinawagan yung number na ibinigay ni Mama. Shet! Kinakabahan ako.
"Hello. Sino 'to?"
"Kayo po ba ang Mama ni Janella?"
"Ah... Oo. Bakit?"
"Ako po si Aljohn Villanueva. Tumawag po ako kasi mukhang may problema yung anak niyo."
"Diyan ba sa inyo nagtratrabaho ang anak ko?"
"Ah.... Opo.... Opo"
"Bakit? Anong kailangan mo?"
"Yung anak niyo po kasi mukhang malaki ang problema. Laging nakatulala."
"Ano?!" napasigaw siya.
"Laging tahimik at malalim ang iniisip." paliwanag ko.
"Ano ba ang pinagsasabi niyo sa anak ko?"
"Wala po. Basta may nasabing hindi maganda ang mga kaibigan ko."
"Naku po! Dapat wala kayong sinasabi sa kanyang nakakarumi sa utak kumbaga dapat walang green na kapag naimagine ay... basta! Madali niya yun maaalala kung siya lang ang babae. Kumbaga, puro lalaki ang nasa harap niya. "
"Bakit ho?"
"Pwede niyang maalala ang sinapit niya dati..."
"Ano po bang nangyari sa kanya dati?"
"Basta!"
"Ah... sige po, Salamat!"
"Ah... wait!"
"Ano po yun?"
"Basta huwag mo siyang iiwanan. Nakikiusap ako Aljohn. Kailangan niya ng karamay sa ganyang panahon."
"...."
"At... at... please tulungan mo siyang kalimutan ang nangyari dati. Pasayahin mo ang anak ko."
"Paano?"
"Samahan mo sa pasyalan tutal mababaw naman ang kaligayahan niyan. Mahilig kasi siyang magpunta sa kung saan saan."
"Sige ho!"
"Salamat. Buti ikaw ang naging boyfriend ng anak ko." (- _ -)
*toot* *toot*
Hays... nakahinga rin ng maayos. Mahirap din 'tong mission ko.
Mission: Tulungan siyang kalimutan ang dati.
Shet. Tiba tiba to dre!
Janella, sino ka ba talaga?
★♡☆♥★♡☆♥★♡☆♥★♡☆♥★♡☆

BINABASA MO ANG
Man In Love (ON-HOLD)
Fanfiction"I already served you before you served me..." sabi niya sa panaginip ko. I am Aljohn Villanueva, isang sikat at mayaman. Isang maliit na dream ang gusto kong matupad, iyon ay yung makilala ko siya. Isingit natin sa eksena si Janella Santos, isang s...