Chapter 1
[Aljohn Villanueva's Point Of View]
I already served you before you served me. Ayan yung sabi niya sa panaginip ko. Hindi ko siya kilala at ni minsan hindi ko nakilala. Ni hindi ko nga maaninaw ang mukha niya sa panaginip ko. Makulot na buhok lang ang alam ko sa kanya. Tuwing December 16, lagi siya ang nasa panaginip ko. Gusto ko siyang makita. Gustong-gusto.
Nandito ako sa kwarto ko, naka-upo sa kama at nagigitara. Ito ang habit ko tuwing galing ako sa tulog. Bukod sa acting, music lover din ako. At yun, yung dahilan kung bakit baliw sa akin ang mga babae
"The moon shone down on a vast blue green sea
Who are you waiting for?
Even if I ask you just quietly look up at a star in the sky
You’ll hold my warmly but
Your heart’s not in it
No matter how much I wished I couldn’t be the one closest to you
No matter what I thought I can’t reach you and just vanished in the sky
After collecting so many pretty shells I listened to the sound of the sea
You held them without saying a word, I wonder if you heard her heart beat"
Habang naggitara ako, may narinig akong kumakanta sa labas. Napatigil ako. Tumayo ako saka, isinabit ang gitara sa balikat ko at pumunta sa Veranda ng kwarto . Hinanap ko kung saan nanggaling yung magandang boses. Sa di kalayuan, may nakita ako... isang lalaking binabastos ang isang babae. Ipinatong ko agad ang gitara ko sa ibabaw ng table sa loob ng kwarto ko tapos bumaba na.
Nakita kong pumasok yung lalaki sa loob ng isang budega, at ang worst, kasama niya ang babaeng kanina niyang binabastos. Lintek talaga sa akin 'yang lalaking 'yan.
Sinundan ko siya. At nung pagka-tigil niya, hinawakan ko siya sa kwelyo at sinabing hindi dapat binabastos ang mga kababaihan saka sinuntok sa pisngi. Pagkalingon ko biglang may nag- flash ng camera. Hindi lang iisa, marami sila. At ang worst, media silang lahat.
Tumakbo ako at bumalik sa bahay. Buong pamilya ko, nasa living room. Hindi pa siguro nila alam ang nangyari. Maya - maya, maraming kumakatok sa pinto. Alam kong hindi ako titigilan ng mga 'yan hanggang sa magsalita ako tungkol sa nangyari. Tanong ko lang, paano nila ako nakita? Put@! Ganito ba talaga ang buhay showbiz, talagang susundan ka kahit saan ka magpunta? Aalamin lahat ng ginagawa mo?
Paglingon ko, nakita ko si Mama, binubuksan na yung pinto. No!
Pagkabukas niya, tumambad sa amin ang Media at puro click ng camera ang naririnig namin. Bukod dun, marami din silang katanungan na halos hindi ko na maintindihan dahil sabay sabay sila kung magtanong.
"Bakit? Anong kailangan niyo sa anak?" tanong ni Mama.
"Gusto lang namin siyang kausapin tungkol sa nangyari kanina?" sagot nung isang reporter. Nagsitinginan ang buong pamilya ko sa akin.
"Anong nangyari?" tanong ni Mama.
"Nakipagsuntukan siya kanina" diretsong sagot nung reporter. Nabigla si Mama sa sagot ng reporter.
"Anak, totoo ba 'to?" Tumingin sa akin si Mama. Hindi ko kayang magsinungaling sa sarili kong magulang.
"Yung lalaki kasi kanina may binastos na babae." sagot ko kahit alam kong hindi ito yung tugmang sagot sa tanong niya.
"Kahit na! Son, minsan alamin mo din ang limitations mo bilang isang artista." Sermon sa akin ng Papa ko.
Pinaalis na ni Mama ang mga Media. At ayun, puro sermon ang natanggap ko mula sa kanila. Ganito talaga, minsan hindi makatarungan. Kahit alam kong ako yung tama...
"Kailangan natin linisin ang pangalan mo!" Liyong-liyo na ako sa Mama ko, walang ibang ginawa kundi umikot ng umikot sa harap ko.
"Ma, uso ang umupo" sabi ni Lica, kapatid ko. Aish! Naalala ko na naman ang Ex - Girlfriend ko na si Licamaessi. So ganito nalang, Acil na lang ang itatawag ko.
Umupo naman si Mama at nagface-palm, "Ganito na lang, uuwi ka sa Vacation House natin sa Batangas. 1 year ka dun. Wala kami pero nandun ang barkada mo."
0_0 <- Reaction ko.
Napatigil ako. May side na gusto ko dahil parang malaya na ako pero may side din na ayaw ko dahil malalayo ako sa kanila. Pero, Ayos na din. Kasama ko naman ang barkada ko.
"Sigurado ka ba, Ma?" tanong ni Lic- este Acil na kasalukuyang nagce-cellphone.
"Oo! At saka, uusapin ko naman si Janella na samahan ka bukod sa barkada mo." What?! May kasamang babae? Delikado 'yan sa barkada ko, puros manyak sila eh.
"Sinong Janella?" tanong ko. Sobrang familiar lang ng name niya. Parang narinig ko na.
Nag-clap si Mama at biglang may lumabas na isang magandang babae galing sa kusina, "Janella meet my son, Aljohn" pinalapit ni Mama si Janella saka, nag-shake hands kami.
"Annyeong!" at nagbow pa siya. Koreana?!
I just smiled at her. At ayun, emotionless. Ay ganun?!
"Bago lang siya dito. Kakarating niya lang kanina." paliwanag ni Mama, "Iwan ko muna kayo."
"Ako rin Ma! Sama me!" Sigaw ng kapatid ko. Sinundan niya lang si Mama.
"Upo ka muna." alok ko sa kanya. Umupo naman agad siya pero malayo sa akin. Takot ata 'tong babaeng 'to sa mga gwapong katulad ko.
Tumingin ako sa kanya at tumingin din siya sa akin pero umiwas agad siya. Ay Loko?! Ano 'to, nagbreak tapos naging ganito ka - awkward?
"Batang flying kiss..." mahinhin niyang sabi. Huh? Ano daw?
"Ano?"
"Wala!" Bipolar lang. Emotionless kanina tapos ngayon, natawa.
Ngumiti siya sa akin. Familiar talaga sa akin 'tong babaeng 'to.
"Gulo mo?!" pinitik ko siya sa noo niya. Feeling Close lang.
♡★♡★♡★★♡
Yay! Tapos na din ang Chapter 1.
Sana po suportahan niyo :)
God bless you!
BINABASA MO ANG
Man In Love (ON-HOLD)
Fanfic"I already served you before you served me..." sabi niya sa panaginip ko. I am Aljohn Villanueva, isang sikat at mayaman. Isang maliit na dream ang gusto kong matupad, iyon ay yung makilala ko siya. Isingit natin sa eksena si Janella Santos, isang s...