Chapter 2
[Aljohn's POV]
"Aray ko!" reklamo niya habang hinihimas ang noo niya. Napalakas ata ang pitik ko.
"Sorry naman!"
Tinitigan ko lang siya. Hoy readers, baka sabihin niyong may gusto ako sa kanya. Malabo. Makulit kasi at sigurado akong maingay 'to.
"Kung Ice lang ako, siguradong kanina pa ako tunaw!" nagpout pa siya. Wala man lang, "Shet! Mas gwapo ka pala sa personal." o kaya, "Huwag kang tumitig, baka mahimatay ako."
Ganun?! Snob lang! Bipolar talaga siya. Hindi man lang natuwa dahil tinitigan ko siya, yung iba ngang babae halos magtatalon kapag nakikita ako.
"Hindi ka ba natutuwa?" tanong ko, hindi pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya.
"Saan naman ako matutuwa?" tanong niya.
"Sa mga titig ko!" Kumindat pa ako sa kanya.
"Duh. Magaling sana kung Gandang Gabi Vice yang mga mata mo pero hindi eh. Saan ka ba nakakita ng matang nagpapatawa?" Ok, ako na 'tong basag.
Tumayo siya, "Ito naman. Meron ka ba ngayon?"
Nabigla siya sa tanong ko, "Pervert ka"
"Papalit-palit ka kasi ng mood."
"Sadyang ganito lang ako sa mga taong hindi nakakaalala" At ayun, umalis na siya sa harap ko. Ano daw?
[Janella's POV]
Nakakainis siya! Hindi niya man lang maalala kung sino ako. Ako kaya 'tong binast—
"Janella, tawag ka ni Aljohn. Pinapapunta ka sa kwarto niya." sabi sa akin ni Manang. Ano ba ang kailangan ng lalaking 'yon?
"Sige po" Bilang isang maid ang trabaho ko dito. Bago pa lang ako.
Umakyat na ako. Tutal tinuro na naman sa akin kanina ang pasikot-sikot ng bahay. Alam ko na kung saan ang kwarto niya. Pagkapasok ko, isang kiss ang natanggap ko. >_< Janella, Ano ba yan?!
"Ano yun ha? May balak ka sa akin noh?!" Dinuduro-duro ko pa siya. Siya kasi, hinalikan ako pagkabukas ko ng pintuan. Hindi ako bayaran, period.
Hinawakan ko yung pisngi kong hinalikan niya. Pinunasan ko ito gamit ang kamay ko.
"Sorry! Akala ko kasi ikaw si Mama. Kapareho kasi ng tunog ng pagyapak mo sa yapak niya." paliwanag niya. Namula siya sa hiya. Karma!
"Basta, huwag mo ng uulitin. By the way, bakit mo ko pinatawag?"
"Marunong ka ba maggitara?" nabigla ako sa tanong niya.
"Kaunti" bago pa ako makapagsalita ulit, ibinigay niya sa akin yung gitara niya.
"Kantahan mo nga ako" Huwag siyang FC(feeling close). Dati lang yun, hindi na ngayon.
"Hindi ako marunong. Mali ang tono ko." palusot ko. 'My sea" lang ang lagi kong kinakanta.
"Sumayaw ka na lang" Ano bang meron ngayon?! Hindi po tayo naglalaro ng Truth or Dare.
"Ayoko nga!"
"Ayaw mo o gusto mong manatili ka rito" pangba-blackmail niya. Akala ko mabait pa rin siya.
"Sige na nga!" Sayang naman kung aalis agad ako rito. Sumayaw ako ng sumayaw na parang kasali sa "Patigasan ng katawan" contest. Buti na lang siya lang ang nanunuod. Hayss.
"HAHAHAHA"
Aaminin ko, miss ko na ang tawa niya.
★♥★♥★♥
Chapter 2 is already finished!
Salamat po!
BINABASA MO ANG
Man In Love (ON-HOLD)
Fanfiction"I already served you before you served me..." sabi niya sa panaginip ko. I am Aljohn Villanueva, isang sikat at mayaman. Isang maliit na dream ang gusto kong matupad, iyon ay yung makilala ko siya. Isingit natin sa eksena si Janella Santos, isang s...