THE PLAN

3 0 0
                                    

"oo ganun kasama ang ex mo" ako

"hindi ganun si xyron huh?" ezrae. at talagang pinagtangol pa niya no?

"oo nga bruha baka kamuka lang" ethan

"anung kamuka? yun nga si xyron as in yung unggoy na inalagaan mo ng dalawang taon ayun nag gala at napabayaan" sabi ko.

wait! nagugulohan ba kayo sa conversation namin? hahahaha kweninto ko na kasi sa kanila ang mga nangyari sakin kahapon at nung nakaraang araw at ito sila imbes na kampihan ako patuloy nilang dinidepensahan ang kumag na yun. well hindi ko masisisi si ezrae kasi ex niya si xyron.( yeah alam ko na ang pangalan niya sa wakas di na ako mahihirapan) pero si ethan bakit niya naman pinagtatangol si xyron?

"ang harsh mo best" ethan sabay tapik saakin sinamaan ko naman siya ng tingin.

"kaya pala hindi mo kami pinansin kahapon nung dumating ka" sabay pout ni ezrae!

"kayo kaya iwanan ko sa mall at matalsikan ng putik? tingin niyo ihahug ko pa kayo pagkatapos nun?" ako.

"hahahahaha best baka pinaglihi ka sa kamalasan?..ARAY" binatokan ko nga!

"gusto mo ipaglihi kita dito?" sabay taas ko ng palad sa kanya.

"amazona naman ito"ethan. sabay irap sa akin.

"ezrae? panu nga pala kayo nagbreak ni xyron? diba nagtagal naman kayo at base sa mga kwento mo sa akin noon ay masaya ka naman. di mo pa kasi naikwento kung bakit kayo nag break"

"huh? kasi..."

"kasi???"

"anu ka ba best alam mo namang nahihirapan pa tong sister mo!" singit ni ethan.

"hindi ok lng" at sabay buntong hininga niya.

ramdam ko ang lungkot na bumabalot sa kanya ngayon. parang may anung kirot sa puso ko pag tinitingnan ko siya!

"tama ka masaya nga kami noon" pag sisimula niya. "we are just like a perfect couple yung tipong kahit wala kaming gaanong conversation masaya kami, *sob* akala ko ok na yun *sob* akala ko sapat na yun *sob*" umiiyak na siya habang nag kikwento. durog na durog ang puso niya at ramdam ko yun. hindi lang ako umimik at hinintay siyang magsalita ulit.

"pero nag bago bigla ang lahat" pinunasan niya ang luha niya at pilit na ngumiti."isang araw nahuli ko siyang may kahalikan.* sob*  diba kahit na may pag kukulang ang isang tao *sob* hindi yun sapat na dahilan para lokohin ka niya!" halos mag wala na siya sa kakaiyak.

hinawakan niya ang kamay ko. " kaya sis, gusto ko na ipaghigante mo ako gusto ko na mawasak din siya" niyakap ko siya at hinagod ang likod niya para patahanin siya.

"oo sis promise I'll take a revenge for you" promise ko sa kanya ang taong nag papaiyak sa kanya ng ganyan ay gagantihan ko. ezrae deserves to be happy.

"thank you patience"

EZRAE's POV

pag kalabas ko ng kwarto ni patience, sumonod si ethan hanggang sa sala.
hinigit niya ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya

"hindi ka ba nagiguilty sa ginagawa mo?" medyo mahina pero galit na tono ng boses niya.

"para sa kanya din naman itong ginagawa ko" nilampasan ko lang siya at tumongo sa kusina sinundan niya din naman ako.

"pero alam kong nahihirapan ka na"

hinarap ko siya, anu naman ang karapatan niya na sabihin yan sakin.

"sana naman intindihin mo ako, gusto ko na parehas silang maging masaya" naiiyak ko ng saad.

"hanggang kailan ka magsisinungaling?" napatigil ako sa sinabi niya. "ezrae, hindi ka niloko ni xyron" pinag taasan niya na ako ng boses. di ko alam ang sasabihin ko kahit na bakla siya ang tapang tapang parin ng boses niya.

I DON'T LIKE YOUWhere stories live. Discover now