chapter 6

1.8K 88 2
                                    

"ANONG PROBLEMA MO!?"

Sa gulat ko napatayo at nasigawan ko siya, may sayad ata ang babaeng to.

Bigla ba naman akong sapakin sa ulo ng malagay ko yung baso sa mesa

''SABI KO INUMIN MO LANG! DI KO SINABING UBUSIN MO!'' Napatayo na rin siya

Aba, confirmed! Bi nga siya.

Napanganga nalang ako, di ko rin naman alam kung ano Sasabihin, di ko rin naman kasi alam na hati pala kami dun.

Hinayaan ko nalang siya nang lagyan niya uli ng wine yung baso at eleganteng umupo sa sofa at gaya niya naupo na rin ako ng medjo malayo ang agwat namin sa isat-isa

Double yung kaba ko nang biglang tumahimik ang paligid na ang tanging maririnig mo lang ay ang pag hinga namin

Maya maya ay dumating na rin sila jen at ate andrea na feeling ko ang tagal nilang nag grocery

Papasok na sila ng mapansin nila kami ng mommy nila dito sa sofa. Pagkalapit nila saka ako nagpakawala ng malalim na pag hinga dahilan para mapatingin itong babaeng to sakin na nakataas ang kilay

''Hey mom'' ''hi mom'' sabay nilang bati sa mommy nila at beso na rin dito

''Hi girls'' bati niya naman dito

''Just got here from the store mom. What would you like for dinner?'' Tanong ni ate andrea

''Surprise me'' simpleng sagot niya dito sabay inum sa wine niya

Lason kaya, pretty sure masusurprise siya dun PROMISE

''alright mom, we'll just call you when we're done, Jen here will help'' sabi niya lang at bigla naman dumako ang tingin niya sakin na parang may na alala

''Cassy dito ka lang din ha, nabili ko na ang gamot mo'' at umalis na rin siya sa harap namin

Bago pa man siya mawala sa paningin ko nagsalita na ko

''Ate tulongan ko na po kayo'' sabi ko pero dahil nakatalikod na ito, di na ako pinansin, saklayf!

Akmang tatayo na sana ako para sumonod sa kanila sa kusina, naramdaman ko na may kamay na humila sa braso ko dahilan para maupo ako.

''Where do you think your going?'' Taas kilay niyang tanong

Marunong din ako niyan

''Sa kusina po'' pilit kong pinahinahon ang sarili ko para di niya mahalata

''No, you stay here, bisita ka'' sabi niya at binitiwan niya naman ang braso ko at kinuha ang remote ng tv para i-on ito

Salamat naman para kahit kunti maibsan ang pagka awkward dito

''Okay po'' yan lang ang nasabi ko di ko naman alam kung narinig niya yun dahil mas nilakasan pa niya ang volume ng tv, maganda nga siya, bingi naman ata, lihim naman akong napangiti

Enenjoy ko ko nalang sarili ko sa kakapanood dito at ganun din siya nang bigla ako nakaramdam ng gutom matagal pa naman siguro maluto kung ano yung lulutoin nila dito at nahihiya naman akong mag excuse dito kaya tiis tiis nalang muna nang biglang tumunog ang tyan ko kasabay din ng pag tahimik nung tv

Sheeeeettt lupa lamunin mo ko
Pag minamalas ka nga naman oh

Narinig nya rin siguro dahil nakatingin siya sakin nang nakakalokang ngiti, yumuko nalang ako dahil sa hiya, bahala na siya jan

''Tara'' agad niyang dinampot ang remote control at pinatay na ang tv at hinila na niya ako

Hinayaan ko nalang na hila-hilahin niya ako dahil sa medyo nahihilo pa ko at gutom na rin kapag nag reklamo pa ko baka masapak na naman ako

Your MOM, is a WITCH! (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon