chapter 3

1.7K 82 0
                                    

Lumipas ang mga araw na ganun pa din ginagawa namin ni jen, after school dumadaan sa police station minsan tumatambay sa 7/11 kaharap ng station

Hinayaan ko nalang siya kung anu man ang trip niya dahil busy din naman ako sa kalalaro at kakaisip sa mommy niya

Bakit ko nga ba iniisip ang mommy niya? Name nga nakalimutan ko pang itanung, basta ang alam ko straight ako eh pero siguro humahanga lang ako sa ganda niya, wala sa itsura niya na my anak na siya eh, nakikita ko sa mga pic ni jen ni magkasama sila parang magkapatid lang talaga. Ang aga lang sigurong nag asawa. Natigil ako sa aking pag iisip ng magsalita si jen

''Cc, sama ka sa bahay mamaya'' nagulat naman ako sa sinabi niya dahil di naman ako tinanung

''bakit?''

''Eh diba katulong niyo lang kasama niyo sa inyo mag dinner? '' tanong niya

''oo pero okay lang din naman ah sanay naman ako''

''edi kung ganun sa bahay kana mag dinner, sinabi ko na kay mommy na isasama kita'' MOMMY? Meaning makikita ko na siya at makakasabay kumain...

''Edi si manang nalang din mag isa dun sa bahay, siya naman yung walang kasama'' kunwari hindi excited, pipilitin din naman ako nito eh kaya chill muna, biglang

''Okay''

Langya to.di man ba ako pipilitin?

''ha?''

''Parang ayaw mo kase eh, edi wag nalang sasabihin ko nalang ky mommy na hindi ka pala pwede'' akmang dudukutin na niya ang phone niya sa bag niya ay agad ko itong pinigil

''O sige na tara na'' tumayo na ko agad at hinila siya papuntang kotse, mahirap na baka mag bago pa isip nito

''Dahan dahan naman, akala ko ba ayaw mo?''

''Eh sa gutom ako e, siguro masarap ang luto ng mommy mo''

''Oo naman, chef yun kung hindi nag business''

Binaybay na namin ang daan papunta sa kanila, nakapunta na rin naman ako sa kanila dati pero wala nun ang kapatid at mommy, malaki ang bahay nila, na talagang masasabi mo na mayaman sila. Tulad ko hindi rin siya sosyal medjo lang, pumupunta naman kami sa mga party at club para mag night out, di naman halata sa edad namin kase matangkad kami si jen 5'5 ako 5'6, madalas lang din kaming tumatambay sa mga tambayan malapit sa school kung san mga kasalukuyang pumapasok ngayon,

Napansin ko na malapit na pala kami sa subdivision nila at mga ilang saglit lang ay nasa harap na kami ng bahay nila. Nauna na siyang lumabas ng kotse at agad naman akong sumunod sa kanya

Pag pasok namin sa loob ay sinalubong kami ng katulong nila

''Magandang gabi mga hija. Buti naman at nagpakita ka uli dito casey, matagal huli kita nakita'' bati ni manang samin

''Naging busy lang po manang at last 2 weeks lang po ako po huli akong pumunta dito hindi pa naman po umabot ng buwan''

''Ganun ba hija''

''si mommy at ate andrea po manang?'' tanung naman ni jen. Agad naman akong nagpalingalinga para makita ang mommy niya

''Nasa kusina lang sila hija, sige maiwan ko na kayo at my gagawin pa ko'' umalis na rin si manang at pumuna naman kaming kusina, nakasunod lang ako kay jen ayoko naman mauna baka kung anung sabihin nila sakin nuh

Nasa kusina na kami ng my napansin akon babaeng nakatalikod na naka fitted dress at apron, ang ganda ng shape ng katawan at naka messy bun. hot naman ni ate,

''Hi mom'' sabi ni jen at lumapit sa nagluluto at humalik sa pisngi nito, MOM?

''Oh andito na pala kayo'' napalingon naman ako sa nagsalita sa likuran ko

''Ateeee!'' Sigaw ni jen agad bumitaw sa mommy niya at lumapit sa ate niya, at hinila niya ang ate niya palabas ng kusina, okay, ako nakanganga. Nakatayo lang ako dito malapit sa table habang nakatingin sa kawalan

Nagulat nalang ako nung tumunog ang mesa, nilapag niya lang pala yung linuto niya. Parang biglang uminit buong katawat ko sa gulat at the same time kinakabahan? Anu to? Tiningnan ko si siya habang nag seset up ng mesa

''Hmmm h..i hi po'' kabado kong bati sa kanya, aba di ako pinansin.

Kinapa ko sarili ko baka di niya ko nakikita. Andito pa naman ako ah, di pa naman ako naging si casper. Tiningnan ko naman siya hambang patuloy sa pag aayos ng mesa. Naka ngiti naman ito, anung nginingiti ngiti nito di man lang ako napansin kahit nag

''Wag kang mag alala nag e-exist kapa'' seryosong sabi niya. Nanindig balahibo ko ko sa sinabi nito. Di dahil sa takot o kaba, dahil sa ganda at sarap pakinggan ng boses nito.

''po?'' Maang mangan nalang to

Strike two! Di nanaman ako pinansin at bigla naman ako iniwang mag isa dito sa kusina.san na ba yung magkapatid. Pag ako nainis uubusin ko na to lahat ng pagkain dito. Nagugutom na ko sa sobrang awkward.

Nilibot ko nalang ang tingin ko sa sa kabuuan ng kusina, napakalinis nito at napaka organize lahat ng mga gamit, habang busy ako sa pagka mangha ng kusina nila ay nakarinig ako ng yapak papunta dito sa kusina. Nilingon ko naman ito

''Cc, tara na maupo na tayo susunod nalang daw sila mommy at ate'' sumunod naman ako sa kanya

''San galing ang ate mo bat parang ang tagal niyo atang hindi nag kita?''

''Kakauwi niya lang kase galing america, binisita niya yung totoong mama niya kase dun nagpapagamot'' sagot niya, di na ko nag tanung dahil dumating na ang ate niya na my dalang wine kasunod naman nito ang mommy nila

Nilagay ng ate niya ang wine sa chiller at naupo sa tabi ni jen kaharap ko si jen at sumunod naman ang mommy niya na naupo sa gitna namin ni jen

''Ikaw pala si casey'' panimula ng ate

''opo''

''Ako pala si andrea at ito naman si mommy martha'' pakilala niya at dumako naman ang tingin ko sa mommy niya na wala man lang reaction

''Hi po'' I awkwardly said

''Let's eat'' sabi ng mommy nila at kumain na nga kami

Tahimik lang ako habang nag uusap si ate andrea at si jen ng kung anu anu ako kain lang ng kain. Masarap nga talaga magluto ang mommy niya.

Ganito nga siguro mommy nila. Ang sarap niyang tingnan habang sumusubo ng pagkain. Ang tahimik niya. Kung teacher to iisipin mong ito yung pinaka terror na teacher. Simpleng malupit pero hindi rin eh. Kung titingnan mo nasa 25 lang ito. Di ko rin alam exact age niya at wala din akong paki dahil di rin halata, at di ko rin alam bakit lahat ng tungkol sa kanya bawat galaw niya ay pinapansin ko.

Nahuli niya akong nakatingin sakanya at dahil sa gulat bigla akong napasubo di ko alam na sili na pala yung nakain ko na kahit sobrang anghang na nginuya ko nalang at nilunok, ayaw ko naman ma embarrass sa una naming pagkikita ng family ni jen nuh.

Mabuti naman at di ako napansin ng magkapatid dahil sigurado. Sobrang pula ko na dahil sa anghang, my laman na din pala ang wine glass ko, agad ko itong ininum at naubos. Medjo nabawasan na ng kaunti yung anghang kaya normal na uli ang pakiramdam ko.

Sinilip ko naman ng kaunti ang mommy nila naka ngiti lang ito na parang ng aasar, ah ganun ha. Alam kong napansin niya ko na namumula. Di niya ata ako gusto bilang kaibigan ni jen.

''Tingnan kase ang sinusubo'' pa simpleng sabi nito, natigil din ang pag uusap ng magkapatid ng magsalita ang ito

''bakit mom?'' Si ate andrea

''Cc? Okay ka lang ba? Bat namumula ka?'' Agad niya kinapa ang noo ko.

''Wala ka namang lagnat'' sabi nito.

Wala nga pero nilason ako ng mommy mo

''wala okay lang ako'' sabay ngiti

Natapos na rin sa wakas ang so called dinner na yun. At nag pa alam na rin ako sa kanilang tatlo, as usual yung magkapatid lang ang pumansin sakin. Pumasok na ko sa kotse and start the engine. Pero bago pa ko umalis lumingon muna ako sa magkapatid at ngumiti. At napansin ko sa di kalayuan sa likuran nila ang isang babae, nakatingin din sakin at kinindatan lang ako at umalis na rin agad, kung di pa kinatok ni jen ang bintana ng kotse di ko pa mapapansin na kanina pa talaga ako nakatunganga.

Your MOM, is a WITCH! (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon