chapter 11

2.2K 136 74
                                    

At ito na naman.

Nagrarambulan na naman ang alaga ko sa tiyan. Hindi yung anaconda ko, kundi ang mga hayop ko sa zoo ang nagrarambulan. Nakita na naman kasi nila ang witch. Natakot ata.

"Ano kailangan mo?" Pagsusungit ko sa kanya at nag kumot. Nilamig ako agad eh. Nakapatay naman ang aircon pero malamig talaga, ganun ata dito.

"Hindi kana pwedeng puntahan ngayon?" Mapang-akit na sabi niya.

"Hindi. Umalis ka." Sigaw ko sa kanya kasama doon ang pagtingin ng masama sa kanya.

"Aalis ako kung kailan ko gusto." At pumasok na nga ng tuluyan. Pero bago pa niya maisara ang pintuan. Tumayo ako at tumakbo palapit sa kanya at tinulak niya palabas.

"Umalis ka. Alis. Umalis ka...." sigaw ko habang pinagtutulakan siya palabas.

"Chen, stop it." Awat niya sa akin at humawak sa pintuan para hindi siya mabuwal at tuluyang makalabas.

Na nagpainis sa akin lalo. "I hate you. Umalis ka. Iwan mo akong mag-isa. alis ka! Alis!" At pinaghahampas ko na nga siya. Mas matangkad siya sa akin kaya naman sa dibdib ko siya natatamaan.

Sangga naman siya ng sangga at wala akong pakialam kong masaktan siya. Bagay iyon sa kanya.

"Chen, tumigil kana." May inis at diin ang pagkakasabi niya. Pero parang may sariling isip ang katawan ko na kusang gumalaw.

Ang kanina ay hampas lang, biglang bumigwas ang kamay ko. At ayon, sapol.

K.O.

Ay, hindi pala. Ako ata ang manana-knock out.

Napatigil ako sa paghampas ng natamaan ko siya sa panga niya. Oo, yung gorgeous face niya lang naman ang natamaan ko.

Napatagilid ang mukha niya. Ganun ba kalakas pagkakasapak ko? Walang nag-ingay sa aming dalawa. Akala mo may dumaan na anghel.

Kahit akong nagwawala, napatigil na lang at napatulala sa kanya. Nasaktan ko ba talaga siya?

At ng mahimasmasan, unang gumalaw ang kamay niya na nasa gilid niya. Ngayon ko lang pansin na naka gold satin silk nightgown siya. At HINDI siya sexy.

Ang kaninang nanlalamig kong katawan, biglang uminit ata. Napataas pa ang tingin ko at umabot sa sexy niyang bewang hanggang sa walang panloob na hinaharap?

Iniisip ko bang see through ang suot niya?

At umabit na nga sa mukha niya na walang pilyang ngiti sa labi.... wala nga. Patay,!

"CASEY CHEN." Madiin niyang bigkas sa pangalan ko. Napalunok naman ako sa takot.

Nakakatakot ang tingin niya habang naglalakad papalapit sa akin habang ako ay napapaatras. Sinara na rin nito ang pintuan at nilock pa. Dead end!

Pero.... pero... bakit ako matatakot sa kanya? Eh, in the first place, siya may kasalanan sa akin.

Ano nga ba kasalanan niya?

Ano nga ba yun?

Napaisip pa tuloy ako. Ewan kung ano man yun.

Basta! Galit ako sa kanya!

Naiinis akong tumigil sa pahakbang palikod. "Ano? Galit ka?" At sinugod ko siya ulit at pinanghahampas. "I hate you! I hate you!" Patuloy kong paghahampas sa kanya.

Hangang nanghina ako. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako sa sobrang galit ko sa kanya. Hindi ko na rin alam kong saan nagmula ang galit ko, basta alam ko galit na galit ako sa kanya.

Your MOM, is a WITCH! (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon