chapter 9

2.3K 110 175
                                    

"Arggg. F*ck. Sh*t!" Ang lutong na murang galing sa bibig ko. Sinong hindi mapapamura kong nasaktan ka.

Nahulog lang naman po kasi ako mula sa kama. Pero, ang tigas eh. Ang pagkakaalam ko, may carpet ako sa kwarto kung sakaling mahulog ako sa kama.

Pero ang kinahihigaan ko ngayon, isang malamig at matigas na sahig. At ang malala, may amoy. Hindi mabaho pero may amoy talaga. Haist. Pero kainis, ang sakit ng dibdib ko, nakadapa kaya akong nahulog.

Kaya naman nagmulat na ako para malaman kong nasaan ako.

Dilat isang mata, yung dahan-dahan ha? Yung akala mo nagsoslow-mo ang paligid. Pikit ulit pagkatapos. Tapos isang mata na naman. Pikit ulit. Tapos sabay na. Beautiful eyes tayo diyan.

Pero ang dilim eh. Ano ba yan. Sayang yung pagpapacute ko, hindi naman makikita.

Inangat ko na lang ulo ko. At doon ako nakakita ng liwanag. Sa sahig lang naman po pala ako ng upuan. Upuan ng sasakyan.

At nakadapa ako sa rubber at malamig na sahig. Kanino ba kasi tong sasakyan.

At doon ko naalala lahat. "Akala ko panaginip lang yun? Haist, kainis." At tinukod ko na ang dalawa kong kamay para tumayo.

At ako na lang pala ang nandito sa loob ng sasakyan. Iniwan lang naman ako ng mag-ina ko. At ng driver.

Pero, teka? Anong KO? Ano ba yan. Erase. Erase. Wala akong sinabi at wala kayong nabasa. PERIOD. At wag niyo ng ipilit pa na may sinabi ako. TAHIMIK! Tuloy ko kwento ko.

Pagkatapos ako kaladkarin ni Jen kanina. Pinapasok niya ako sa sasakyan, sa tabi ng mommy niyang WITCH. Oo, sa tabi niya talaga. Habang siya doon sa tabi ng driver naupo.

Kaya wala akong nagawa kundi umupo doon. Nakakahiya pa dahil nakatingin siya sa akin.

Tinitingnan lang naman niya ako ulo hanggang paa. Nakakahiya pa at labas na ata kaluluwa ko. Kaya naman inangat ko ang tuhod ko at niyakap iyon.

Pero ang bruha kong katabi, kita ko talaga na nakangisi niya. Ano ba yan. Tapos, tinitingnan ako ng mata niyang umiilaw. Oo, umiilaw. Nagliliwanag eh, na akala mo nakakita ng paboritong pagkain.

"Giniginaw ka?" Tanong niya pero halata na nanunukso. Dyosko. Ang sexy ng boses. Ahmmm, wala yun ha? WALA! Basta. Tinanong niya ako kanina.

Pero buti naman naawa siya dahil inabutan naman niya ako ng t-shirt. ang bango. Damit niya kasi ang binigay niya sa akin.

Para wala ng satsat. Sinuot ko na. At inaantok ako.

Hamakin mo ba naman, madaling araw akong sinundo ng mag-ina. Si ate ay nauna na daw at may dalang sariling kotse na palagay ko ay nasa unahan ng kinasasakyan ko ngayon.

At ang magaling kong kaibigan, sarap na ng tulog pina slide back pa yung upuan kaya medyo lumiit space ko dito sa likuran. Kaya sinandal ko nalang ang ulo ko sa bintana para makatulog. Matagal pa daw ang byahe eh.

At kung kailan naman ako nakakatulog, dumadaan sa lubak ang sasakyan. Ayon, untog ako. Sakit kaya. Pero ang katabi ko palatak ng palatak.

Hindi ko na lang pinansin at natulog ulit. Pero naulit lang ang pagkakauntog ko. Ilang ulit yun nangyari. Hanggang sa huli may naawa din. Bago ako mauntog ay malambot na kamay na humawak sa ulo ko at sinandal ako sa isa ding malambot.

Ang bango. Sarap singhot-singhotin. Ang sarap. Kaya naman nakatulog ako ng mabuti.

At ito na nga ang nagisingan ko. Walang katao-tao pero umaga naman na. Hindi pa mataas ang araw kaya alam ko maaga pa. Pero iniwan talaga nila ako sa sasakyan? Hulog tuloy ako.

Your MOM, is a WITCH! (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon