chapter 2

1.8K 74 0
                                    

Natapos ang araw ng puro orientation at pakilala lang kaming lahat natural para sa freshmen

Naglalakad kami ngayon ni jen papuntang parking lot sa kotse ko sasabay siya sakin dahil my pupuntahan pa raw kami as if di ko alam

Pupunta lang naman kami sa police station. Di ko alam kung anu ang trip niya ngayon, pero hinayaan ko nalang dahil di rin naman siya boring kasama at hindi rin siya tulad ng iba na pa sosyal ang pinag gagawa

Ng makapasok na kami ng kotse naalala ko naman ang mommy niya. Di lang talaga ako makapaniwala ang ganda kase nung nakita ko kahit saglit lang yun kasi umusad na ang traffic. Maganda din naman si jen kaya naisip ko na kakambal niya yun pero mas yun eh MAS!

Bat ba ko nakikipagtalo sa sarili ko

Kasi nga maganda nga yun si ms. Fajardo

O ngayon?

''Hindi ba tayo aalis?'' Nagulat naman ako sa biglang nag salita

''He he ito na po''

Pinaandar ko na ang kotse at nag drive papuntang police station daw at ewan ko lang kung anu ang gagawin baka my bibisitahing priso?

''Anung gagawin natin dun jen?'' Tinanung ko nalang baka kung anu pa gagawin niya at wala akong ka alam alam

''You'll see'' sabi niya at my kung anung tinitingnan sa phone niya, hindi ko nalang sinilip at kung mabangga pa kami at baka sa pupuntahan namin baka dun din kami matutulog, wag nalang

''Jen yun mommy mo'' di ko rin natiis tinanong ko na naman siya tungkol sa mommy niya

''What about mom?'' She ask while still looking her phone

''Hmmmmmm'' di ako makaisip kung anu ang uunahin kong itanung sa kanya, sa dami ba naman

Di ko nalang pinatuloy di rin naman niya ko pinansin busy din naman siya at malapit na rin kami.

Napansin ko na habang papalapit kami ang lapad ng ngiti niya. Creepy  lang ha. Sino ba ang sumasaya papalapit sa police station? Kung hindi galit yung pupunta jan adik kung hindi guilty ang napapansin ko lang kase na kung pupunta ng police station problema ang hatid, maliban nalang kung

Tiningnan ko ang kasama ko na humahaba ang liig parang my sinisilip? Nang makapag park na kami agad siyang bumaba, di man lang nag antay ha sinundan ko nalang siya baka kung anung kalokohan ang gagawin nito

Nadatnap ko siyang nasa labas at inantay naman ako kahit papanu at sabay kaming pumasok

''Hi ladies'' sabay kami napalingon ni jen sa pinanggalingan ng boses, nasa 45 na ata to at malaki ang tyan ''anung maipaglilingkod namin sa inyo?'' Tanung niya samin ng maharap na namin siya

Lumingon naman ako sa gawi ni jen na para itanung sa kanya kung anung gagawin nga namin pero basi sa reaction niya, para siyang natuklaw ng black mamba parang di alam ang gagawin

''ano po kasi si..'' Naputol ang sasabihin ko ng magsalita ang kasama ko

''Kukuha po sana kami ng police clearance'' napakunot noo naman ako sa pinagsasabi ng isang ito, anung gagawin namin sa police clearance?

''Anung trip to jennirose?'' Bulong ko sa kanya

Bago paman siya makasagot nasalita na si sir police

''Ah ganun ba dala niyo ba requirements nyo? Teka tatawagin ko lang si alfonso at siya ng mag aasikaso sa inyo mga hija'' pumasok na siya dun sa mukang office nga ata at naiwan naman kami dito ni jen sa information desk

''Hoy babaeta! Anung trip to? Anung pinasasabi mong police clearance? Ha? Sagot!'' Painis kong tanung sakanya habang siya mas lumapad ang ngiti ng my nakita sa likuran ko

''Ako nga pala si spo2 Benjamin alfonso'' biglang nagsalita kung sino mang damuho ang nasa likuran ko ''dala nyo ba requirements nyo?'' Patuloy niya, medjo suplado to ah.

Ang kasama ko di na gumagalaw. Pero di naman ako slow  para di ma gets kung ano ang nanyayari

Kinalabit ko nalang siya para bumalik na ang kaluluwa niya sa katawan niya

''Requirements daw''

''ah.. Ah... Eh.. Ka-si .na ka .. Ka.. Limutan nitong kasama ko sa kotse teka kukunin lang namin'' pautal niyang sabi at nag excuse ky suplado. Hinila naman ako palabas papuntang kotse

''ihhhhhhhhhhhh" biglang nagtitili ang langyang ito edi yun na nga gets ko na, pumasok na din kami ng kotse

''alis na tayo bilis'' di na ko nagtanung dahil alam ko namang din kung bakit. Wala siyang dalang requirements, buti naman nuh pagud din naman ako sa pinag gagawa namin sa school  at kanina

''bukas nalang tayo babalik'' laglag panga ko sa sinabi niya, kala ko last na yun. Magrereklamo pa sana ako ng biglang mag ring ang phone niya

''Yes mom'' napalingon ako sakanya sa sinabi niya

''Medjo traffic pa po kase'' so my pupuntahan sila?

''san po?'' Magkikita sila?

''Okay mom,  I will, you too'' binaba na niya ang tawag at lumingon sakin

''Cc, pwede bang ibaba mo nalang ako jan sa my building? Nagpapasama kasi si mommy eh''

''Alright''

Ng makababa na siya at nag pa alam ay umuwi naman ako agad kapagud din kasi ang araw na to

Nahiga na ko sa kama ang pumikit, napa balikwas naman ako nung muka ng mommy ni jen ang nakikita ko yung mismong mukha niya nung nasa kotse siya

Creepy na ha, di ko pa kasi nakikita ang mommy niya noon, naalala ko yung sinabi ni jen dati na divorce na parents niya dahil sa pambabae at bisyo ng daddy niya, mabuti nalang at wise ang mommy niya dahil ito na ang humahawak sa kompanya nila at iba pang negosyo at bago paman lumala nakipag hiwalay na ang mommy  niya bago pa maubos ang pinaghirapan niya at bago mawalan ng trabaho ang mga taong umaasa lang din sa kompanya nila, matagal na rin silang hiwalay nasa elementary pa si jen at hindi rin naman hinahanap ni jen ang daddy niya kase palaging wala rin kase ito sa kanila.

Tuluyan na akong nakatulog sa pag iisip. Kapagod din pala. Sana next time  my mag iisip din sakin para sila naman ang mapagod

Your MOM, is a WITCH! (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon