chapter 4

1.7K 89 4
                                    

''One week later'' Tom Kenny (SpongebobNarrator)

Isang linggo na rin huli kong makita ang mommy ni jen, ilang beses niya na rin uli akong niyaya na pumunta at tumambay sa kanila. Pero dahil sa creepy ang mommy niya nagdadahilan ako na kailangan ko ng umuwi dahil dumating na rin parents ko dahil pag nagduduty na sila minsan nalang sila kung umuwi,halos sa hospital na sila tumira dahil sa mga emergencies di na nila magawang makauwi. Naintindihan ko rin naman sila, at wala akong tampo dun dahil pag nakabawi naman sila sulit din.

Kararating ko lang din ng bahay galing school ng mapansin ko ang kotse ni papa,pag siniswerte ka nga naman oh, kakakwento ko lang tungkol sa parents ko, andito na sila. Pag e kwento ko kaya araw araw baka andito rin sila palagi.

Minadali kong lumabas ng kotse at sinilip sila. Pababa na sila ng hagdan. Kaya pumasok na ko at nag kunwaring my hinahanap sa bag ko habang papasok. Ng tumikhim si papa saka ako nag kunwaring nagulat.

''Mama?! Papa?!'' Nagkunwaring nagulat ''kayo na ba yan'' at lumapit na ko sa kanila at niyakap sila

''Ito na ba ang anak natin ciara? Ang laki na'' napansin kong sinabayan naman ni papa ang trip ko

''At ang ganda pa, ang tagal mong nagpakita anak! Kamusta ang buhay mo sa iraq nagmomodel kaba dun?'' Seryosong tanung ni papa. Pinigilan ko naman matawa, alam ko pati sila nagpipigil din sa kalokohan namin

''opo pa, at nung nag sho shot kami katabi ko ang missile, bigla po itong nag alarm,buti hindi sumabog''

''bakit hindi sumabog anak?'' Dismayadong tanung sakin ni papa, aba!

''Expire na daw po yung pulbora'' sabi ko at sabay naman kaming nagtawanan

''Halina kayo ng makakain na'' inakbayan naman ako ni papa na parang katropa ya papuntang kusina ''wag kang mag-alala anak, sasabog din yun'' siniko ko naman si papa kaya napabitaw siya sakin at iniwan na namin siya ni mama na nag tatawanan

Ang saya ng pamilya ko. Ganito kami palagi pag andito sila, kahit naman wala pinagtritripan ko din sila, minsan ako ang pinagtripan nila. Kaya hindi nagkakalayo ang mga lamang loob namin.

Biglang na ring ang telepono at sinagot naman ni manang. At inabot naman ito nito kay papa, kinuha niya naman ito at kinausap ang tumawag.

Nag niningning na ang mga mata ko sa pagkain, kagutom kayang mag aral. Inabot naman sakin ni mama ang ulam at halos kinalahati ito. Gutom eh. Nginitian ko naman si mama at nag pasalamat ng biglang

''TIGIL!'' Biglang sigaw ni papa, hawak ko na yung kutsara isusubo ko na, nakanganga na ko eh. Dumako din ang tingin ko kay mama. Ganun din siya. Parang na freeze kami

''aalis tayo'' patuloy niya at binaba ang gamay namin ni mama ng sabay na my hawak na kutsara.

''Bakit ba pa? Gutom na ko. Di pa pwedeng kumain muna?'' Reklamo ko sa kanya habang nakatingin sa plato ko, kawawa naman. Maiiwan lang siya, wala ng kakain sa kanya

Di siya sumagot, instead hinila niya nalang kami ni mama palabas ng kusina. Habang ako nakatingin sa plato ko palayo

'' chris anung trip to? Alam kong dismayado ka sa missile na hindi sumabog, pero wala kang karapatan na pigilan kami ng anak mo na kumain'' reklamo naman ni mama. Pero hiniyaan naman nyang hilahin nalang kami ni papa ng ganun ganun lang

Diritsong binuksan ni papa an'' passenger at back seat at pinasok kami sa loob. Naging sunod sunoran naman kami ni mama. At umikot naman si papa papuntang driver seat.

'' tumawag kasi yung classmate ko nung high school, my get together pala kami, yun yung iniisip ko kanina eh. Nawala sa isip ko'' paliwanag niya samin ng binabaybay na namin ang daan, kung san man kami pupunta. Sigurado my pagkain, pero baka catering, usually kase sa mga ganung pagkain la na pakialam sa lasa yung nagluluto importante makaluto sila. Tsk! Kahit dinuguan nalang,

Your MOM, is a WITCH! (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon