Si Moon Hunter at si Azra Elijah Mason. Dalawang taong nagkaroon ng pinagbabawal na 'pagibig' Oo, hindi 'pinagbabawal na gamot' kundi 'pagibig' talaga. Nagsimula ang love story ng lolo't lola nyo 400 years ago. Napakasaya nila, pero sinong magaakala na mauuwi sa isang trahedya ang pinagbabawal nilang pagibig? Namatay si Moon Hunter at napasa-kamay ni Azra ang trono ng Xanthe. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, pinatapon si Azra sa mundong ilalim, at namuhay siya duon. Upang makabalik sa Xanthe, kailangan niyang matapos ang misyon niya. Anong misyon ba kamo? Basahin mo na lang. OA na sa pagka-spoiler eh. Sa dinami ng lalaking nadaan sa buhay niya, isa lang talaga ang nagpasaya, nagpakilig, at napamahal sa kanya, si Dale Deux. Oo, ang ka-love triangle nila sa istoryang ito. Pero paano na kung magbago ang lahat, paano kung 'na-fall out of love' sila? May chance na ba si Moon? Ooppps, patay na nga pala siya. Abangan.. abangan. Ang nagiisang storyang mang-gugulo sa utak mo. At bubusog ng imahinasyon mo sa sobrang gwapo ng mga casts dito! TALE OF XANTHE.
