Kauwi ko ng bahay agad kong humiga sa kama, nakakapagod. Galing kami sa mall ni Dale. Kasi daw official na kami, kaya kailangan daw naming magcelebrate, at kailangan ko pang pumunta sa bahay ng parents nya sa xmas eve, dahil ipapakilala daw nya ako. I really hate it pag ipinapakilala ako. Ayoko kasi yung ganun. Kung wala lang siguro akong mission, titira ako sa bundok, dahil tahimik duon.
Tinititigan ko ngayon ang buwan. Napaka-ganda. Napapalibutan ito ng napakaraming kumikislap na mga bitwin. I was about to close my eyes, nang may mag-door bell. Sino na naman bang storbo yun. Tumayo ako at sinuot ang hoodie ko.
Nakita ko sa screen ang starr six kasama si Sun. Bubuksan ko ba? Natatakot ako sa maari nilang sabihin, kung ano ang dahilan ng pagbaba nila dito. Pero ano ba namang magagawa ko, e may spare key sun sa bahay ko. Kaya pinagmasdan ko lang sila na pumasok at magsiupo sa sofa ko. Bakit ba pag may pumupunta dito, feel at home sila lagi?
“Wow, ang ganda ng bahay mo, ate!” Pagsisimula ni Archie, niyakap niya ako. Nararamdaman ko na umiinit ang gilid ng mata ko. Pero pinigil kong lumabas ang mga tubig na yun.
“Namiss kita, archie!” I said. Maganda naman at hindi nagbago ako pakikitungo nya sa akin. Isa isa nila akong niyakap, except lang kay Nico, Kaiden at Sun. Alam ko naman na wala silang balak yumakap kaya umupo na ako sa harap nila.
“Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Azra. Matapang ka pa rin,” Ani ni Nico. Tinititigan ko kasi siya, ayoko kasi yung pinagsasabi nya kanina sa caf, nakakaasar.
“It’s Gianna.” I said at nagsmile ako sa kanya, kilala nya ako, ayoko sa mga taong sumasalungat sa akin. At alam nya na din ang ibig sabihin ng ngiti kong yun.
“Ayoko makakita ng dugo ngayong gabi kaya pagusapan na lang natin ang dapat pagusapan, hindi tayo nagsayang ng ilang araw na byahe para lang sa mga walang ka kwenta kwentang bagay.” Sabi ni Caleb, matalino siya pero ayoko ang tabas ng dila niya. Bakit kasi never kong nakasundo ang limang lalaking nasa harap ko ngayon.
“Ano nga ba ang pinunta nyo dito?” Napatingin ako kay Sun ng sabihin nya yun, edi hindi pa nya alam. Ang ibig sabihin may kinalaman ako sa pagpunta nila. Ano naman kaya to, hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga mangyayari.
“Teka, hindi ka man lang ba magaalok ng inumin para sa amin?” Sabi ni Chase, that jerk.
“Himala ata inumin ang hinihingi mo, chase. Hindi babae.” Sabi ni Sun, mga kalokohan nila. “Kaya nga mag-bar hopping tayo mamaya, para naman ma-enjoy ko ang stay ko dito,” Sagot nyang muli.
“Pumunta tayo dito para sa isang misyon, hindi para sa kalaswaan, chase.” Sagot ni Nico ng seryoso. “Hindi kalaswaan ang mga babae, lai. Pangangailangan ang tawag ko sa kanila.” Mga bastos talaga.
“Hindi ko talaga alam kung pano ko kayo natitiis,” Sagot ng inosenteng bata na si Archie. Tama nga naman sya. kaya habang nagbabangayan ang lahat, tumayo na ako at kumuha ng maiaalok na inumin sa kanila.
Laking gulat ko ng pagkatalikod ko sa ref, nasa harapan ko si Kaiden. Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat, dahil sobrang lapit nya, pero hindi ko iyon ipinahalata.
“Mukhang nagugustuhan mo ang buhay mo dito sa baba, Azra. Simula nun, hindi ka na bumalik..” Sabi niya, masyadong malamig ang boses nya, kilabutan ako dahil dun.
“It’s Gianna, Kaiden. At kahit gustuhin ko man na bumalik, they didn’t let me.” I said without looking.
“Gianna..” Sabi niya na parang sinusuri ang bawat letra sa pangalan na yun. “Gianna, mas gusto mo na ba ang pangalan na iyon? Is Azra dead? Nasan na ang dating Azra? Mas matapang ka pa nuon sa isang mabangis na leon. Ngunit ngayo’y hindi ka na makatingin ng diretso sa aking mga mata..” Pagpapatuloy niya.