CHAPTER: TEN

4 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa mansion ng mga deux. I was wearing a simple pink cocktail. Ang akala kong ‘dinner’ with his family ay isang simpleng kainan lang. hindi ko naman expect na ganito ka-bongga ang party nila. While dale, looking gorgeous with his tuxedo, pinapakilala nya ako sa kanyang angkan. Sa dami nila hindi ko na matandaan ang mga pangalan nila..

“Baby, this is my youngest twin cousins, Shen and Shin.” Ang cute ng dalawang batang nasa harap ko ngayon. Mukha silang mga 3 years old pa lang. I waved at them. “Hello! Ang cutteeee nyo!” At kiniss ko naman sila sa cheeks. Nagpabuhat sa akin si Shen, “No shen, magugulo yung dress ni ate.”  Nag-pout naman si Shen.

“Okay lang, dale. Ang cuteee nya naman e.” Sabi ko kay dale ng nakangiti, hindi ko pinaplastik si dale ah, komportable lang talaga akong kasama siya.

Nagsmile lang siya at umakbay sa akin. May isang babaeng sumulpot sa harap namin, as usual, napakaganda rin ng babaeng ito. Siya nga pala ang ina ng kambal.

“Wow, ang cute naman, mukha kayong isang family. Pose!” Hindi naman nila ako gustong picturan, ano? Alam ko maganda ako pero OA na kasi yung flash ng camera. Hahaha. Ang kapal.

Magdadalawang oras na ako dito pero di ko pa namemeet ang parents nya. “Dale, where are your parents? Wala ba sila dito?” Curious lang kasi ako.

“Wala sila, baby eh. Nasa Europe for a business trip.” Napatango lang ako, kanina pa sya baby ng baby sa akin. Pero I really find it sexy. Ang sweet lang kasi pakinggan. Hihihihi.

“I’ll get you a drink.” Kiniss nya ako sa pisngi na syang kinagulat ko at napangiti na lang magisa, parang baliw lang.

“Awww, sweet things.” Sabi ni Ate Shiela, ang ina ng kambal. Tumabi siya sa akin. Napangiti lang ako.

“Alam mo bagay na bagay kayo ni Dale, mas gusto kita kaysa kay Michelle.” Sabi niya sa akin.

“Bakit naman po?” halata kasi sa mukha nya ang pagkainis.

“Si michelle kasi, maarte. Materialistic saka nasa loob ang kulo. Simula pa lang ng nililigawan ni dale yun, alam ko naman na pinaplastik nya lang ako. Iba ka kasi sa kanya, ibang iba.” Kinilabutan naman ako dun, pero tama naman kasi sya, masama akong tao noon, pero hindi naman ako plastic na tao.

“Ate, ano ba yung mga gusto at ayaw ni Dale bukod sa Cappuccino, cheesecake, letters, at movies?” Tanong ko. Napangiti siya.

“Alam mo na pala ang mga bagay na yun. Well, gusto ni Dale yung tahimik lang, yung mahangin na place ang mga fav, niya. Madalas siya mag-out of town kahit magisa lang. at ang mga ayaw naman niya, yung mga taong madaming tinatago, gusto kasi nya yung open sa isat-isa.” Tinamaan ako dun, ayaw ni Dale sa mga taong masikreto.

Bago pa man ako makapag-reply sa sinabi nya, nakita ko na si dale na papalapit samin, “Oh ayan na pala ang prinsipe mo, puntahan ko lang yung kambal ha, gianna. Baka nagwawala na yun. Alagaan mo yang si Dale, im counting on you.” She said with a smile. I smiled back.

“Balak mo ba akong lasingin?” Sabi ko kay dale ng nakangiti ng iabot nya sa akin ang isang basong wine. Red wine.

“Kahit naman malasing ka, you can fly.” Nagtaka ako sinabi nya.

“Bakit naman? I don’t have wings,” I said, natatawa na lang ako kay Dale.

“You do have, cause you’re an angel. Just don’t forget to spread your wings.” Sabi niya, feeling ko namumula ako ngayon. Lasing na ata ako kahit nakakaisang lagok pa lang ako.

“What if I fall?” I asked with a playful smile.

“I’ll catch you,” At humagikgik ako. Promise, kinikilig ako. Never pa akong naging ganto kakilig. Ngayon lang. gosh, dale deux.

“My princess is blushing,” Sabi niya at tumayo. Kinuha nya ang kamay ko at ginaya niya ako sa gitna  ng dance floor, kasabay ng pag-play ng isang music.

Baby, I'm here, I'm here to stay

I ain't going nowhere

I know you're scared cause you've been hurt

Baby, it's alright

Lost in your eyes everytime that you look in mine

I promise to be all that you need

I won't leave you, baby

No, cause I just wanna love you

I would never ever put nobody up above you

I just wanna kiss you baby, I just wanna hug you till the end, baby till the end

“Gianna, will you marry me?” Nagulat ako sa sinabi nya pero agad akong nakabawi. Tumawa lang ako. Tumawa din siya.

“Aw, are you rejecting me?” Sabi nya at hinigpitan ang yakap sa akin. We not really dancing, magkayakap lang kami at nagssway kasabay ng music.

And I'm right here, ain't nobody gotta hold you

Cause I'm right here, ain't nobody gon' control you

Cause I'm right, right here

I'm right here, I'm right here, I'm right here

Right here, right here, yeah

Right here, right here, yeah

“Dale..” Tawag ko sa pangalan niya.

“I’m just kidding, babe. I just wanted you to be mine. Officially.” Sabi nya. Di ko sya magets. Kami na diba? E bakit parang sa tono nya e di naman kami? I don’t get it.

“Pero dale, tayo na diba? Official na tayo.” I said at niyakap sya lalo, I just felt secured kapag kayakap ko sya.

“Hindi, gianna. Parang.. parang.. hindi eh. Parang.. mali.” Hirap na hirap nyang sabi.

“Wait, dale. Wag mong sabihin na makikipag-break ka sakin?” Naluluha na ako, I can’t lose dale. Ayoko na ng isang pang failed mission.

Luminous: Tale Of Xanthe (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon