“E ano namang kinalaman ko dyan? Ano ba sun, wag moko idamay sa mga kalokohan nyo,” Sabi ko ka sun ng may pagkainis.
“Alam mo ang KJ mo talaga!” Balik sigaw nya sa akin. Bakit ganto umakto to?
“Lasing kaba?! KJ? Kelan kapa natuto magsalita ng mga ganung salita? Sinasabi ko na nga ba! Bading ka!” Sigaw ko sa kanya, hindi naman talaga sya bading, alam ko naman, pero kasi nakakainis naman.
Sinong hindi maiinis kapag ang sarap na ng tulog mo tapos gigisingin ka ng alas tres ng madaling araw?! Sinong hindi maiinis?!
“Hindi ako bading!! Ikaw nga para kang tomboy! Mukhang susuntukin mo nako eh!” Namumula na din sya sa inis.
“Oo talagang masusuntok talaga kita kung hindi ka pa aalis sa harapan ko! Letse ka!” Binatukan ko sya.
“Aba! May guts ka na ngayon ha?! Irespeto mo ang nakakatanda sayo!” Binatukan nya din ako. Abat!
“Oo na! Oo na, sasama na, letse kayo!” kinuha ko lang ang hoodie ko at lumabas na ng bahay ko.
Nasa van ako kasama sila Sun, Archer, Nicolai, Kaiden, Caleb at Chase. Kaya ayokong sumama kasi ako lang magisang babae, kaya eto, mukhang namatayan kami sa sobrang tahimik. Ang aga aga kasi nagbabyahe kami.
Papunta kami ngayon sa isang bundok. Di ko alam kung saan yun, o kung gaano kalayo. Pero napasama na ako eh. Ang sabi ni sun, kailangan daw naming pumunta dun para ma-meet ang isang Xanthenian. Wow ah, isa isa na silang bumababa dito sa earth, di na ako magugulat kung lahat sila bumaba na. mukhang nahihilig na sila dito.
*yung phone moooo. Kukukuku.. yung phone mo..*
Oo, ringtone ko yun. May nagtext.
“Anong klaseng ringtone yan? Fuck.” Sabi ni Nicolai. Sabi ko nga lagi syang may period.
From: Baby<3
Goodmorning, my princess. I miss you. I’ll see you later.
Nagsmile ako.
You can’t fly unless you let yourself fall.