Okay, sinimulan ko ang Saturday morning ko sa isang napakalayong lugar. 8am na kami nakarating dito. At pagkagising ko pa, kaming dalawa na lang ni Kaiden ang nasa loob ng van! At ang masama pa dun, naka-hilig ang ulo ko sa balikat niya. Kainis diba?
Umaakyat kami ngayon papunta sa tuktok. Iniwan namin yung van sa paanan ng bundok, ang totoo nyan pagod na pagod na kami ni Sun kaya nahuhuli kaming maglakad kasama si Archer na reklamo naman yung tiyan nya, mukhang di nakapagalmusal kanina. Kamusta naman ako?
“Gusto mo bang ipusan kita, ate? Malakas to. Sanay kami sa pagakyat sa bundok eh!” Sabi ni Archer na medyo halata talaga sa mukha nya na gutom siya.
“Aba. Numininja pa din ba kayo sa mga bundok bundok sa Xanthe? Di pa rin kayo nagbabago, ha!” Sabi ko sa kanya, tapos ginulo ko yung buhok niya.
“Oo, yun lang kasi nagpapaala---“
*Si Baby mo, tumatawag!! Si baby mo tumatawaggg! Arggg! Sagutin mo! Tawaggggggg!*
“Hello, goodmorning.” Sabi ko ng sagutin ko ang tawag ni Dale.
[I love you, gianna.]
Sabi nya with his bed voice. Sexy..
“Kakagising mo lang?” I asked. Halata naman kasi sa boses nya.
[Oo, nakatulog ako nung nagtext ako kanina. Teka babe, bakit ganyan boses mo? Hingal na hingal ka? Don’t tell me..] Green minded talaga!
“Hoy! Hoy! Ano iniisip mo, ha! Nasa bundok ako ngayon! Naghihiking. Napapansin ko kasi na tumataba na ako. Hahahaha.” Yep, I really gained weight, puro kasi kami kain ni Dale.
[Sigurado ka, ha?]
“Oo naman, nagdududa ka ata sa akin?” Tumingin ako kay Archer.
“Hello kuya Dale ‘seloso’ Deux!” Sigaw nya, narinig ko naman na tumawa lang si Dale sa kabilang linya.
“Ano, naniniwala kana?”
[Oo na, basta don’t forget, we have a date later. Okay?”
“Yes po, boss! I’m hanging up.”
[Wait.. Gianna, I love you. And I seriously can’t live without you.” And then he hanged up.
Ibinulsa ko lang yung phone ko at humabol na sa kanila maglakad. Iwanan daw ba ako?
Dalawang oras na kaming naglalakad at feeling ko wala na akong paa. Namamanhid na, feeling ko mapuputol na eh.
“Arggggh! Gutom na akoooooo!” Sigaw ni Archer. Nagdadalawang isip ako kung ibibigay ko ba tong apple ko. Baka ako naman mamatay kapag di ko to nakain. Pero sige, dahil gutom na gutom na si Archie, inabot ko sa kanya yung apple.
“Oh, baka mamatay ka pa jan,” Agad niya itong kinuha at naglakad. Ayaw siguro magshare. Hahaha.
“Mauna ka na sun, sunod na ko.” Sabi ko, nakakapagod talaga. Ewan ko sa mga lalaking yun, sanay kasi maglakad eh.
“Sure ka, ha? Sa bagay kaya mo na naman sarili mo.” Umalis na sya pagkatapos nyang sabihin yun.
15 mins lang tumayo na ako, di ko na rin kasi sila matanaw eh. Baka mawala ako.
“Dapat di ka nagpapaiwan magisa, babae ka pa naman.” Napasigaw ako ng may magsalita. Pagkatalikod ko nakita ko si Kaiden.. na nakangiti?
“Ginulat mo naman ako,” Sabi ko sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad. Kinikilabutan ako sa ngiti niya.
Yumuko ako para ayusin ang sintas ng sapatos ko, pero gulat ko na lang ng umupo sya sa harap ko.
“Pagod ka na diba?” Sabi niya, di na ako tatanggi, pagod din kasi ako. Umangkas ako sa kanya.
“Azra..” Tawag niya sa akin.
“It’s Gianna, kaiden. Dapat masanay ka na na ganun itawag sa akin,” Sabi ko sa kanya. Mahirap na, baka kasi may makarinig.
“Fine. Gianna, bakithindi.. bakithinditayo.. bakitpalahindikayosanayngnaglalakad?” Ang bilis ng pagkakasabi niya, ano daw?
“Bagalan mo magsalita. Para ka naman nagra-rap eh.” Tumawa ako. Natawa din siya,
“Wala. Gianna? Pwedi ba tayong maging magkaibigang.. muli?” Tanong nya. Naramdaman ko na umiinit yung gilid ng mata ko.
“Of course! Diba nga bestfriends tayo dati!” pinilit kong maging masigla ang tono ng pagkakasabi ko pero iyak lang ako ng iyak. Kaiden was my bestfriend. He fell inlove with me, but I chose that monster. I chose a monster over an angel.