CHAPTER: FIFTEEN:

10 0 0
                                    

Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa tuktok ng bundok. Mapuno dito, maraming prutas at gulay na tanim. May mga alagang hayop din. At isa lang ang bahay dito. Isang kubo lang.

“Sino bang pinunta natin dito, ate? Mukhang walang tao eh.” Bulong sa akin ni Archer. Nagkibit balikat lang ako, hindi ko din naman kasi alam kung sino eh.

“Ano, tatawagin na ba natin?” Tanong ni Nico kay Sun. Ano bang ginagawa nila? Anlayo nitong lugar na to tapos nagdadalawang isip pa sila kung tatawagin nila.

“Aba, bakit hindi kayo? Takot kaya ako sa kanya, tingin pa lang nya nakakamatay na!” Nangilabot pa nga sya eh. So, kung sino man yung nasa loob, kinakatakutan nila?

“Kaids, sino ba pinunta natin dito?” Tanong ko kay Kaiden na nasa likod ko lang.

“Si Ash. Siya yung kauna-unahang Xanthenian na naka-baba dito.” Singit ni Chase sa amin. Nasa likod sya ni Kaiden. At ang nasa likod naman ni Chase ay si Caleb na may kausap sa phone.

“Teka, may relief goods ba dito? Bakit kayo nakapila?” Tanong ko sa kanila. Ang weird kasi nila.

“Natatakot kasi kami eh,” Sabi ni Sun at pumunta sa likod ko. Kaya ba nila ako sinama dito kasi natatakot sila?

“Ang babading nyo naman!” Sigaw ko sa kanila. Napansin ko na nasa tabi ko lang pala si Nicolai.

“Nung una kaming nakababa dito, siya ang una naming pinuntahan. Hihingi sana kami ng basbas, pero muntikan na kaming mamatay dito!” Sigaw niya sa akin ng may panlalaking mata. Mukha ngang natrauma sila.

“Tao poooo!” Sigaw ko ng paulit-ulit. Yung mga duwag naman na kasama ko sa likod ko lang, parang di na nga sila humihinga eh.

“Sino ang nangahas na pumasok sa aking teritoryo?” May nagsalita. Malaki yung boses, parang hinugot sa kailaliman ng lupa. Nakakatakot.

“Ako ito, Azra Mason. Ang reyna ng Xanthe.” Nang banggitin ko ang pangalan ko, lumabas ang isang mala-halimaw na lalaki, malaki ang katawan niya, parang bato-bato. May mga malalaking bakas ng sugat sa buong katawan niya na nakatahi na parang zombie.

Napangiti ako ng makita ko na luluhod siya sa harapan ko.

“Ash, ang inyong lingkod, mahal na reyna.”  Inabot ko ang aking kamay sa kanya. Na siya namang kinagulat niya. Agad niya itong tinanggap at nakipag-kamay sa akin.

“Maaari mo ba kaming patuluyin?” Sabi ko sa kanya ng makatayo na siya.

“Oo naman, mahal na reyna.” Ngumiti ako. “Tara na, boys.” Taas noo kong sabi, para kasi sila body guard ko. Hahaha.

Nang makatuloy na kami sa bahay niya, mas malaki pala ito kesa sa nakikita mo sa labas na kubo lang. Pero alam na alam na outdated ang mga gamit dito.

Binigyan niya kami ng maiinom saka umupo sa harap ko.

“Ano nga po pala ang pinunta ng isang reyna sa aking munting tahanan?” Tumingin ako kay Sun at siya na ang magpaliwanag, wala din naman akong alam dito, siya lang naman kasi ang nagkaladkad sa akin dito.

“Gusto sana naming malaman ang kinaroroon ng isang tao, may mga nakapagsabi sa amin na may kakayahan ka na makahanap ng mga nawawalang tao,” sabi ni sun ng tuloy tuloy.

“Ano ako? Lost and Found Center?” Sabi niya kay Sun, nagulat kaming lahat na marunong pala siya ng ganung pagsasalita. Pinahirapan niya pa akong maging pormal kanina.

“Pasensya kana, mahal na reyna. Kailangan ko lamang magsalita ng pormal sa inyo at hindi sa mga ugok na ito. Nang huli nilang punta dito ay inapakan nila ang alaga kong mga gulay.” Tinignan ko ng masama ang starr six at si sun, sila naman pala ang may kasalanan.

“Wag kana maging pormal, nahihirapan lang ako eh. Hahaha.” Tawa ko at nakitawa din silang lahat.

“Tungkol pala sa pinapahanap nyong tao, hindi ko kayang mahanap yung lokasyon niya, mga pangitain lang ang nakikita ko, sino nga pala ang pinapahanap nyo?”

“Ang reincarnation ni.. Moon Hunter.” Ako na ang nagsalita, nahirapan akong banggitin ang pangalan niya, nararamdaman ko na naman kasi na umiinit ang gilid ng mga mata ko.

“Ang dakilang si Moon Hunter.” Ngumiti siya. “Moon hunter..” Ulit ulit lang niya na sinasabi yun habang nakapikit. “Isusulat nyo lahat ng sasabihin ko, lahat.” Sabi niya habang nakapikit pa rin.

Si Caleb ang naglabas ng papel at ballpen.

“Nagtatayugang mga gusali..”

Unang banggit niya, given na yun kasi nasa present time kami.

“Isang lalaking naka-pormal na suot..”

Naka-tuxedo siya malamang. Ano yun, business man siya ngayon?

“Babae.. isang babae..”

May.. may nanay siya?

“Maraming tao, mga kabataan, maiingay sila..”

Bar? Mahilig mag-bar yun?

“Isang.. isang.. arg!!” Sigaw niya, agad akong lumapit sa kanya at inalog-alog siya. Hindi na nya kaya, nalulunod na sya sa mga pangitain niya, pwedi siyang mamatay.

Nagulat ako ng may luhang tumulo sa isang mata niya. Anong nangyari? “Masamang pangitain.. Okay lang ako.” Sabi niya. Napaisip ako, masamang pangitain?

“Nasulat niyo ba lahat?” Sabi niya. Kinuha niya ang papel kay Caleb at nagsimula siyang magdrawing. Di ko alam na artist pala siya.

After 5 minutes natapos din siya. Inabot niya sakin.

Unang drawing niya yung nagtatayugang gusali. Madami ngang building. Pero nagulat ko ng yun sentro ng drawing na yun ay ang… golden royals? May sign kasi ito na GR sa taas. Parehong pareho.

Pinakita ko ito kay Sun. napakunot lang siya ng noo, “Anong koneksyon ng Golden Royals kay Moon?” Nagtataka nga din ako.. hindi kaya? Duon siya nakatira?

“Hindi kaya.. siya yung may ari ng building na yun?” Komento ni Chase. Binatukan siya ni Sun. “Ako ang may ari dun, ugok!” Sigaw nya na siya namang kinatawa naming lahat. Ang epic kasi ng itsura nila eh.

Ang pangalawang drawing naman ay yung nakapormal na suot, wala namang makikitang clue dito kasi yung mismong tuxedo lang ang nakadrawing duon.

Sunod naman ay yung babae. Mahaba ang buhok, di ko matukoy kung matanda na ba o hindi, kasi parang nakatalikod yung pose niya eh, basta ang napansin ko lang ay yung nunal sa ilong niya. Siguro simula ngayon maghahanap na ako ng mga babaeng may nunal sa ilong.

Yung huli naman, hindi sya mukhang bar, mukhang cafeteria. Madaming lamesa at upuan. Madaming mga taong nakaupo at kumakain. Di ko naman alam kung saan to, pero mukhang pamilyar. Kailangan kong makasigurado bukas.

“Ash, napakalaking tulong nito. Humihingi ako ng paumanhin sa paggambala naming ngayong araw.” Sabi ko sa kanya ng nakangiti. “Masaya ako na nakatulong ako sayo, mahal na reyna Azra.” 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Luminous: Tale Of Xanthe (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon