Naospital sa isang University Hospital ang matalik kong kaibgan n si Carlo dhl s dengue. Ayaw n ayaw ko dumadalaw s ospital. Pakiramdam ko kc ay kinakapitan ako ng pagkarami-raming mikrobyo at ako naman ang magkakasakt. Kaya nman pagpasok s hospital, halos maligo aq sa alcohol. Hindi nakatulong ang itsura ng ospital--- luma, madilim. Morbid nga ang scenario n naglaro s isip ko pagpasok ko palang ng pinto. Natatawa tuloy ako sa sarili ko.
Pagpasok ko s kwarto ni Carlo sa 2ndfloor, nadatnan ko ang nanay niya, si Tita Elvie. Tulog si Carlo. Sabi ni Tita Elvie, under observation pa rin ang kaibigan ko. Under 24-hour monitoring parin sya. Nakita ko haggard na tingnan si Tita.
"Tita, uwi na muna po kayo. Ako na lang po magbabantay kay Carlo. Tutal wla naman po ako pasok ngayon," ang sabi kn sa kaniya.
"Naku, nakakahiya man, ndi ko na tatanggihan yang suhestiyon mo. Kailangan ko rin tngnan ang kondisyon sa bahay," ang sabi ni Tita Elvie.
Nang makaalis na si Tita, naglabas ako ng dala kong libro. Nagbasa muna ako. Naupo ako sa couch sa room ni Carlo. Nasa private room ang kaibgan ko kaya naman medyo hndi ako nandiri sa mga gamit dun.
Tahimik akong nagbabasa na parang may isang mainit na bagay ang biglang pumuwesto s tabi ko. Parang nararamdaman ko pa nga na gumagalaw ang kutson ng couch. Pag-angat ko ng mukha ko mula s libro, wala namang ibang tao s kwarto. Tulog parin si Carlo.
Pinakiramdaman ko parin ang paligid. Hindi ako matatakutin na tao, pero ng mga sandaling iyon, para akong kinikilabutan. Nang wala na ult ang pakirmdam n may ibng tao s kwarto, bumalik ako sa pagbabasa.
Mga isang oras ang lumipas ng maramandaman kong gising na si Carlo. Agad ko syang nilapitan.
"Kamusta, pare? Ok ka na ba?" ang agad kong tanong.
"Eto, nanghihina parin. Hayop na lamok yun," ang pilit na pagpapatawa ni Carlo. Kengkoy kasi ang kaibigan kong iyon.
"Kasama mo ba si Ava?" ang tanong niyang muli.
"Hindi. May kailangan daw siyang gawn ngayon. Nasa bahay nila," ang sabi ko. Si Ava ang girlfriend ko. Kaibigan dn ni Carlo.
"Loko ka. Eh sino yung babaeng kasama mo?" ang tanong ni Carlo sakin.
"Sira ka. Wala naman akong kasama ah. Umuwi muna si Tita Elvie. Haggard na tingnan eh. Pinagpahinga ko muna," ang sagot ko sa kaniya.
"Hindi. Naalimpungatan ako kanina. Nakita kta sa may couch, may katabi ka kanina. Nakaitim. Mahaba ang buhok. Maputi. Kaya nga natulog ulit ako kasi akala ko si Ava. Nakadikit sa iyo eh. Baka kako istorbo ako."
Agad akong kinilabutan sa sinabi ni Carlo.
Hindi ako nagpahalata pero naalala ko ang mainit na bagay na dumikit sa akin habang nagbabasa ako. Nabanggit minsan sa akin ng isa kong kabarkada na ang mga multo ay isang klase ng energy. Mainit ang mga ito at kapag bglang tumaas ang temperature sa isang lugar, malamang may multo dun.
"Walanghiya ka, Carlo. May sakit k n nga, loko-loko ka pa rin!" ang pilit ang tawang sabi ko sa kaibigan ko.
"Hindi ako nanloloko, ano! Yun nakita ko.
Oh well baka hallucination ko lang yun dhil sa lagnat."
"Baka nga."
At nagkuwentuhan na muna kami ni Carlo. Dumating namang ang katulong nila maya-maya. Siya na lang daw muna ang magbabantay kay Carlo. Nagpaalam na rin ako para umuwi na rin. Pagbukas ko ng pinto, may naramdaman ult akong mainit na bagay. Parang may humawak s braso ko. Agad kong tiningnan ang tabi ko at parang may nakita akong blurred na image na itim. Agad din namang nwala iyon. Nagtataka akong tumingin kay Carlo. Nakatingin dn sya sa akin na parang may gustong sabihin ang mga mata.
Pagkauwi ko sa bahay, agad akong nagtuloy s banyo at naligo. Nang magbabanlaw na ako ng ktawan, nagulat ako sa nakita ko. Sa tagiliran ko may pasa. Malaking pasa. At sa kanang braso ko may isa ring pasa. Halos maiyak ako sa takot. Hugis kamay iyon.
Lumabas narin ng ospital si Carlo pagkalipas ng apat na araw. Ngunit hndi ko na naulit na dalawin siyang muli sa ospital. At alam ko naiintindihan nya kung bakit